Part 22
"W-wala, walang ibig sabihin ang nakita mo C-Carel," sabi ko habang umiiling iling pa.
Ngumisi naman sa akin si Carel.
"Ano 'yong nakita ko? May relasyon talaga kayo, ayaw niyo lang umamin!" Sabi niya.
Sunod-sunod naman akong umiling.
"Wala nga! 'Yong nakita mo aksidente lang 'yon!" Sabi ko.
Tiningnan ako ni Carel, sabay ngisi.
"Okay kunwari wala akong nakita," sabi niya sabay punta kusina, nakahinga naman ako ng maluwag.
Tiningnan ko naman si Nathaniel ng masama, ngumiti lang siya sa akin at nagkibit balikat.
"Hindi ko alam na nagising siya," sabi niya inirapan ko naman siya.
Mayamaya bumalik na si Carel, bago siya pumasok sa kwarto ay humarap siya sa amin at ngumisi.
"Masyado pang maaga kaya matutulog muna ako, kung maghaharutan kayo, 'wag malakas ang boses, nakakaistorbo kayo, tsaka pala kunwari wala akong nakita kanina, matutulog na ako," sabi niya sabay pasok sa kwarto.
Napanganga naman ako sa sinabi niya.
Naghaharutan?
Seryoso?
May narinig naman ako na pinipigilan na tawa kaya humarap ako kay Nathaniel.
"Umuwi ka na kaya," sabi ko.
"Condo ko 'to kaya kung kailan gusto kong umuwi uuwi ako," sabay higa niya sa sofa.
Tiningnan ko namam siya ng masama.
"Bahala ka nga!" Sabi ko sabay lakad papunta sa kwarto pero bago pa ako makapasok sa kwarto ay tinawag niya ako.
"Hindi ka ba naaawa sa akin? Hindi mo ba ako yayayain na tabi tayo matulog?" Tanong niya humarap ako sa kanya at kinuha ko ang tsinelas na suot ko at binato sa kanya, sinalo niya naman iyon.
Tawa siya ng tawa sa akin kaya sinaraduhan ko siya ng pinto, pero kahit nasa kwarto na ako ay naririnig ko pa rin ang tawa niya, binuksan ko ulit ang pintuan pero maliit lang, tinaas ko ang isa kong paa at kinuha ang tsinelas kong suot ko.
"Nagbago na ba ang isip mo? Tabi na tayo matulog?" Tanong niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin naman siya sa akin at tumayo sa pagkakahiga niya.
"Hindi!" Sabi ko sabay bato ng tsinelas ko, tinamaan naman siya sa ulo, sinaraduhan ko agad ang pintuan ng kwarto at nilock ko na.
Tumabi ako kay Carel at humiga na ako.
Pero kahit pilitin kong matulog ay hindi ako makatulog.
Hindi ako mapakali sa kama.
Hanggang sa dapuan na ako ng antok, nakatulog na ako.
Pagkagising ko kinaumagahan ay wala na sa tabi ko si Carel, tumingin ako sa alarm clock na nasa side table ng kama.
Alas nyebe na pala, dali-dali akong bumangon at niligpit ang higaan, pumasok ako sa banyo at naghilamos, paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Carel na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV.
"Morning!" Sabi niya sa akin habang nakatotok pa rin sa telebesyon ang mata.
"Morning, hindi ka papasok?" Tanong ko
"Leave raw muna tayo, sabi ni labidabs mo," sabi niya.
Napakunot noo naman ako.
"Sino? Si Sir Nathaniel? Hindi ko labidabs 'yon!" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
That Crazy Probinsyana Girl
HumorSimple lang ang buhay ni Kelay, tahimik at isang normal na probinsyana lamang pero ng dumating ang isang ekstrangherong lalaki sa buhay niya, marami siyang natutunang bagay, doon siya nagmahal, subalit na saktan din. Dumating ng biglaan ang ekstrang...