Part 4

2.9K 70 3
                                    

Part 4

Dumaan ang isang linggo ay masasabi ko naman na mabait at masipag talaga si Kuya Gwapo. Matulungin din siya, lagi nga siyang tumutulong sa amin, nakakatawa lang noong mga naunang linggo dahil halatang hirap siya sa mga gawain, gaya ng pag-akyat sa bundok, at marami pang iba pero habang tumatagal ay medyo natututo na rin siya.

"Kuya Gwapo! Bilisan mo iiwanan tayo nila Raichelle!" Sabi ko, si Raichelle ay pinsan ko, second cousin ko siya.

Nakapamaywang ako habang hinihintay si Kuya Gwapo A.K.A Leuwis na makakababa sa matarik na parte, ito 'yong hindi niya makaya na bumaba ng derestso kasi lagi siyang nakahawak sa mga ugat-ugat o 'di kaya sa mga damo makababa lang.

"Teka lang!" Sabi niya. Natawa na lang akong sa kanya ng muntik na siya makabitaw sa damo na hinahawakan niya. Napakamot ako sa ulo ko dahil ang bagal niya.

"Kuya Gwapo bilisan mo!" Sabi ko.

"Ayan na nga!" Sabi niya. Mayamaya ay nakababa na siya kaya naman hinila ko na siya pababa.

"Tara na bilis! Kanina pa sila naiinip!" Sabi ko.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong niya.

"Basta, maganda roon at iyon ang pinagmamalaki ng baranggay namin!" Sabi ko habang hila-hila siya, nang makarating na kami sa Kanto ay nakita ko agad ang mga pinsan ko at ang bestfriend ko na naghihintay sa may kalsada.

"Ang tagal niyo! Tara na!" Sabi ni Val second cousin ko rin.

"Sorry ang bagal ni Kuya Gwapo!" Sabi ko.

"Tara na!" Sabi ni Jared, pinsan ko rin second cousin ko. Naglakad na kami, kasabay ko si Raichelle, Val, at si Beb 'yong bestfriend ko. Si Kuya Gwapo ay kasabay niya sila Jared, Melvin, Arjon at si Bryan pangit! Bali nasa dose kaming lahat 'yong iba ay nasa harap namin na naglalakad din, puro mga pinsan ko rin sila, 'yong iba mga kaibigan namin.

"Ate Kelay, hindi pa rin ba nakakaalala si Kuya Leuwis?" Tanong ni Val, ate ang tawag niya sa akin kasi mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon, sa amin nila Raichelle siya ang pinakabata.

"Hindi pa yata?" Sabi ko.

"Bakit hindi ka sigurado?" Tanong ni Archelle.

"Kasi kung may naalala siya malamang umalis na 'yan 'di ba, alam niyo naman ang buhay natin dito sa probinsya mahirap," sabi ko napatango naman sila.

"Alam mo ba best natsitsismis na may relasyon na raw kayo ni Leuwis," sabi ni Beb, twenty-two years old na si Beb kaya hindi siya nagkukuya kay Kuya Gwapo.

"Alam mo naman mga tao riyan sa kanto tsismosa," sabi ko.

"Sabagay, ang tanong mayroon nga ba?" Tanong ni Raichelle.

"Buang ka Che! Lunurin kita mamaya, malamang wala, kapatid nga lang daw turing niya sa akin!" Sabi ko.

"Weh?" Sabay-sabay na sabi niya.

"Ewan ko sa inyo! Oo nga pero 'wag kayo, crush ko lang siya!" Sabi ko.

"Ayiee!" Malakas nilang pang-aasar sa akin kaya napatingin silang mga nasa harapan namin, kami kasi ang nasa pinakalikod.

"Sige lang lakad lang kayo 'wag niyo kaming pansinin mamaya makaapak kayo ng tae!" Sabi ko kaya naman naglakad ulit sila. Kinurot ko naman silang tatlo.

"Ang iingay niyo!" Sabi ko. Nagtawanan lang sila. Nauna silang naglakad sa akin at nakisali kila Jared sa usapan. Si Kuya Gwapo naman ang sumabay sa amin.

"Saan ba ang punta natin?" Tanong niya.

"Kausap mo na sila hindi mo pa rin tinanong sa mga pinsan ko at sa pangit na Bryan na iyon!" Sabi ko.

That Crazy Probinsyana Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon