Part 20
Paglabas namin sa koste ay tumingin ako sa paligid.
"Nasaan tayo?" Tanong ko.
"Star City," sabi sa akin ni Nathaniel.
"Ha?" Tanong ko.
"Nasa amusement park tayo, tara na bili na tayo ng ticket," sabi niya sabay hila sa akin papasok, kaunti na lang ang pila ay mabilis na kaming nakabili.
Matapos makakuha ng dalawang ticket at nilagay na sa kamay namin ang ticket.
Pumasok kami sa loob unang bumungad sa amin ay ang mga souvenirs.
Masaya akong pinagmasdan 'yon ang gaganda at mura pa.
"Sa labas muna tayo!" Sabi sa akin ni Nathaniel bago niya hawakan ang kamay ko at hinila ako palabas.
Napanganga ako ng makita ko ang mga rides sa labas ang gaganda.
"Tara roon," sabi ni Nathaniel sabay hila sa akin sa rides na may nakasulat ng na Surf Dance, pumila kami roon napatingin ako sa rides.
"P-parang nakakatakot," sabi ko.
"Masaya riyan, nakakatakot lang pero masaya," sabi niya sa akin.
Nang kami na ang sasakay na kami ay nasa bandang harap kami bali apat na upuan ang isang linya, nasa bandang gitna at nasa kanang bahagi ko si Nathaniel, sa tabi ko naman ay may isang lalaki na umupo.
Mayamaya pa ang nagstart na ang rides.
Bigla akong napasigaw sa takot tapos lingon pa ako ng lingon sa gilid ko.
"Straight lang ang tingin mo para 'di ka matakot," sabi ni Nathaniel.
Kaya naman tumingin lang ako sa harap ko mayamaya pa ay nawala na ang takot ko napapasigaw na ako sa saya.
Matapos ang ilang minuto na paikot ikot ay bumaba na kami.
Tumatawa akong bumaba ng rides.
"Ang saya pala," sabi ko.
Ngumiti naman sa akin si Nathaniel. Napatingin ako sa Ferris wheel. May kataasan iyon at may mabagal na pag-ikot.
Parang ang saya sumakay.
"Mamayang gabi maganda riyan sa Ferris wheel," sabi sa akin ni Nathaniel.
Nilahad niya ang kamay niya sa'kin at ngumiti siya.
"Tara?" Sabi niya, ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang kamay niya.
Hinila niya ako sa isa pang rides nakita ko na Star flyer 'yon, napapatingin ako sa mga nakasakay, bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa sigawan ng mga nakasakay doon.
Nang kami na ang sasakay, ay pakiramdam ko ay namumutla ako.
"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin.
"Ikaw na lang kaya sumakay parang nakakatakot," sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kamay namin.
"Try mo mag-eenjoy ka rito," sabi niya.
Nang nakaakyat na kami sa taas ay umupo na kami sa pinakaharap magkatabi kaming dalawa, nilagyan ng lock ang upuan namin.
Nang mapuno na ang rides ay nakaramdam ako ng kaba.
"Ipikit mo mata mo kung natatakot ka," sabi niya sa akin.
Nang umandar na ito ay dahan-dahan itong umakyat pataas, nakapikit na ako noon.
BINABASA MO ANG
That Crazy Probinsyana Girl
HumorSimple lang ang buhay ni Kelay, tahimik at isang normal na probinsyana lamang pero ng dumating ang isang ekstrangherong lalaki sa buhay niya, marami siyang natutunang bagay, doon siya nagmahal, subalit na saktan din. Dumating ng biglaan ang ekstrang...