Part 17

2K 50 2
                                    

Part 17

Wala akong pasok ngayon araw, kaya naman ngayon ay makakaalis ako maghahanap na rin ako ng malilipatan ko, sasama na rin daw sa akin si Carel.

Nakasweldo na rin kasi kami kagabi, nakapagpadala na rin ako sa probinsya.

Mahirap makahanap ng bahay, tapos ang mamahal pa parang hindi kakasya sa budget ko, may nakita naman kaming apartment na mura lang, maliit lang siya pero tama lang sa amin ni Carel.

Matapos namin maghanap ng bahay ay umuwi na kami ni Carel, hindi rin nagtagal ay niyaya niya ako na sasamahan niya ako bumili ng damit sa Baclaran, para raw may masuot na ako, kaya naman pumayag na ako nanghihiram lang kasi ako sa kanya ng damit e, nakakahiya na rin naman manghiram.

Nang matapos na kaming mamimili ng damit sa Baclaran ay pagabi na kaming umuwi sa boarding house.

Pagdating namin doon nakita ko na nasa sofa si Vannie na mukhang naghihintay.

Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin at tumayo sa pagkakaupo.

"Hello Kelay," sabi niya sa akin.

"Ma'am Vannie!" Sabi ni Carel.

"Hello Carel," sabi ni Vannie kay Carel.

"May problema ba?" Tanong ko kay Vannie.

"Wala naman, hihiramin lang sana kita," sabi niya sabay tingin kay Carel.

Si Carel naman kinuha ang dala-dala ko at halos itulak na ako papunta kay Vannie.

"Ay naku ma'am kahit 'wag niyo na po ibalik si Kelay," sabi ni Carel.

Tumawa naman si Vannie, tiningnan ko naman ng masama si Carel.

"Syempre joke lang 'yon, sige na Kelay, ako na bahala rito," sabi ni Carel sabay taas ng mga plastik na pinamili namin.

"Tara na," sabi ni Vannie sabay hila sa akin, kumaway naman sa akin si Carel.

"Ba-bye Kelay! Ingat ka!" Sabi ni Carel habang tumatawa.

"A ano Vannie, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Basta!" Sabi niya sabay tulak papasok sa kotse.

Sa backseat kami umupo, nang makasakay na kami roon ay may sinabi si Vannie sa Driver.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Secret, basta surprise 'yon!" Sabi niya habang nakangiti.

Mayamaya ay tumigil kami sa isang parlor.

Bumaba si Vannie kaya bumaba na rin ako, hila-hila ako ni Vannie papasok doon.

Pagkapasok namin ay parang may hinahanap si Vannie, nang may makita na siya ay ngumiti siya sabay hila ulit sa akin.

"Queen!" Sigaw ni Vannie.

Lumingon naman ang isang bakla.

"Oy! Mrs. Vergara!" Sabi noong bakla.

Binatukan naman ito ni Vannie.

"Mukha kang tanga! Ang pormal mo 'te! Parang walang pinagsamahan!" Sabi ni Vannie.

"Sige uulitin ko! Vannie!" Sabi noong bakla na tawa naman ako.

Akala ko magbebeso sila 'yon pala sasabunutan lang noong Queen na tinawag ni Vannie, si Vannie.

"Aray! Tama na, ikaw bakla ka papaganti kita kila Angela at Angel!" Sabi ni Vannie.

"Naku! Naku! Subukan mo, 'yong bruha mong mga kapatid na iyon, noong nagpagupit sa akin pinagtripan na naman ako! Galit na galit talaga sa akin ang kambal na iyon!" Sabi ni Queen.

That Crazy Probinsyana Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon