*Her point of view.*
"Ano ba yan inaantok pa ko gustong gusto ko pa matulog pre"
"Oo nga bakit ba kasi napakaaga magsimula ng klase natin eh."
"Pabayaan nyo na, pwede namang matulog sa klase gumaganyan pa kayo!"
Narinig kong usapan ng tatlong lalaki sa likod ko.
Tama nga naman..
Ang sabi nila mahalaga daw ang pagtulog. Pero bakit napakaagang magsimula ng klase para lang mag aral?
Ganon ba kahalaga ang mag aral at pumasok sa eskwelahan?
lsa to sa pinakakinaiinisan kong gawain ng mga tao sa mundong to.
Ang pumasok sa eskwelahan.
Bakit ba kailangan pa nating mag aral ng madaming kasamang tao kung pwede naman tayong mag aral mag isa sa bahay.
Yung hindi ka na gigising ng maaga para lang makakita ng mga taong sisirain ang araw mo.
Yung hindi ka na magpapakahirap na makipagsabayan sa iba at gumawa ng kung ano ano mapataas lang ang grado mo.
Yung hindi ka uuwi para gumawa ng mga takdang aralin na binigay ng mga guro mo.
Yung hindi ka na magpupuyat para gawin lang yung napakaraming projects na pinapagawa sayo pero wala namang sense.
pero wala naman akong magagawa diba?
Wala akong magagawa kundi magalit sa mundong to.
Magalit sa mga taong nandito.
at magalit sa sarili ko.
dahil isa rin akong tao.This world is full of monsters.
This world is a nightmare i don't want to get in.Gabi gabi tumatakas ako sa mundong to.
Gabi gabi pumapatay ako ng tao.Wala, nasanay na ko eh.
Wala na kong pakeelam sa nararamdaman ng iba.
Wala rin naman silang pakeelam sa nararamdaman ko."Layla!" Tawag sakin ng isang babaeng hindi ko kilala
Tinignan ko lamang sya.
"Nakakainis bes tapos na sembreak, may gawa ka na bang interventions?" Tanong nya.
Bes mo mukha mo, di nga kita kilala eh.
"Meron." Simpleng sagot ko.
"Uy ang sipag naman naks." Sabi nya at ngumiti pa.
Sus. Ang peke.
"Kagabi ko lang ginawa yon." Sabi ko habang nakatitig sa mata nya.
"Ay nice. Uhm pakopya ako ha?" Masiglang sabi nya habang nagmamadaling buksan ang bag ko.
Bago pa nya makuha yung assignment ko hinawakan ko agad yung kamay nya para pigilan sya.
"Wala akong sinabi na papakopyahin kita." Sabi ko.
Nawala ang mga ngiti sa kanyang labi at napalitan ito ng medyo naiinis na expression.
"Ha? Mabait ka naman eh sige na." Medyo inis na sabi nya.
"Sino nagsabing mabait ako? Tanga naman ata non. Sagutan mo sariling intervention mo." Sabi ko sa kanya habang tinititigan ang mga mata nyang nanggagalaiti na sa inis.
"Pakopya lang naman ah!" Pasigaw nya.
Pasalamat sya at wala pang teacher dito. pinagtitinginan na kami ng mga classmate namin.
"Ayoko." Sabi ko at malakas na inalis yung kamay nyang nakahawak sa zipper ng bag ko, pagkatapos ay sinara ko na to.
"Omg you're so masungit. Nag aksaya lang ako ng oras kausapin ka" Sabi nya at inirapan ako.
YOU ARE READING
Sweet Dreams
FantasyAn eye full of hatred.. Once it's closed, Be ready to face your nightmare