**Zyhann's point of view**
Kapagod.
"Anong nangyari bakit tayo pinapasok?" tanong ni Elliana.
"Hindi ko nga din alam eh." Sabi ni Chris.
Hindi ko din alam kung bakit kami pinapasok, pero hindi pa naman time yung subject nya.
Nagulat kami ng nakasimangot yun mapeh teacher at biglang sinara padabog yung pinto.
"Walang magbubukas ng pinto." Galit na sigaw nung teacher habang may hawak na sapatos.
"Ma'am ano pong meron?" Tanong ni Ralph.
"Where's az?" Seryosong tanong ni Edward
Aba himala, hindi yata sya naglalaro ngayon.
Ano kayang nangyari dito kay Edward, noong nasa private school pa kami walang ginawa to kundi mangbully at maglaro lang sa cellphone nya.
Pero teka.
"Oo nga nasan si bez?" Tanong ko.
"Walang lalabas sa inyo. Kung ayaw nyo bumagsak sa subject ko." Galit na sabi nung teacher.
Ano bang meron sa labas?
Pagtingin ko sa labas ng bintana nagulat ako nung nakita kong nasa labas si Azlyn, walang sapatos habang tirik na tirik ang araw.
"Huy? Bakit nasa labas ka?" Tinanong ko sya gamit ang Telepathy pero hindi sya sumagot.
"Mrs. Zue, bakit nasa labas si Azlyn?" Seryosong tanong ni Edward sa mapeh teacher.
"She broke a rule, that's her punishment." Iritang sagot nung teacher.
"Ano pong rule?" Tanong ni Jhanrick.
"Nakaupo lang sya sa damuhan, eh hindi ko pa naman sinasabi na magpahinga kayo! Remember? Before we start our class we made an agreement na may punishment pag hindi sumunod sa akin." Naiiinis na sigaw ni mrs. Zue
Dahil lang don?
Nakakainis to ah.
"Your punishment is below the belt." Sabi ni Edward at tatayo pero pinigilan sya ni Elliana.
"Ma'am papasukin nyo si Layla, tirik na tirik yung araw sa labas maawa ka naman." Sabi ni Erika at pinipilit si mrs. Zue.
Tumayo si Ralph at Jhanrick pagkatapos ay lumapit kay Mrs. zue.
"Layla! Pumasok ka na dito kakausapin ni Ralph at Jhanrick yung mapeh teacher." Sabi ko gamit ang telepathy pero hindi padin sya sumasagot.
"Ma'am baka po pwedeng ibahin nyo nalang yung punishment, grabe naman po pati sapatos nya kinuha nyo." Sabi ni Ralph.
"Pwede namin kayong ireklamo sa ginagawa nyo ngayon." Sabi ni Jhanrick.
"No! Final na ang desisyon ko. Walang lalabas hanggat hindi pa tapos ang oras ko!" Sigaw nya at pumunta sa bintana para isarado yung kurtina.
Shit.
Wala kaming magagawa sa ngayon dahil nga transferees lang kami, pag nagkaroon kami ng record ay ma eexpell agad sa school na to.
"Ayaw pumayag nung teacher, Layla ano na nangyayari sayo jan? Sinarado nya yung kurtina." Tanong ko kay layla.
Bakit ayaw nyang sumagot?
Ano bang nangyayari sa kanya ngayon?
"Ma'am punish me as well." Sabi ni Edward.
"At bakit? Para masamahan mo lang ang babaeng yon? No." Sabi ni Mrs. zue.
YOU ARE READING
Sweet Dreams
FantasyAn eye full of hatred.. Once it's closed, Be ready to face your nightmare