Chapter 14 - Aries

31 2 0
                                    

*Third person's point of view*

Habang dumadaan ang Draghez twins sa campus, dahil uwian na nila. Hinarang nanaman sila ng tatlong babae na nakaaway ni Aries noong nakaraan.

"Hoy, ang kapal ng mukha mong magsumbong sa principal ah? Ako pa talaga masama eh ikaw tong nanglait sakin!" Sigaw nung babae kay Pisces.

Nagtaka si pisces dahil hindi naman nya nakakausap yung babaeng sumisigaw sa kanya.

"Tanga, si Pisces yan." Sabi ni Aries at tinaasan ng kilay ang babaeng sumigaw kay Pisces.

"Bwiset! Bakit ba kasi magkamukhang magkamukha kayo? Parehas kayong panget!" Sigaw nung babaeng nasa gitna.

"Twins nga diba? Tch, grade 10 ka na pero utak mo pang nursery padin." Walang ganang sabi ni Aries sa babae.

"Aba ang yabang mo ah!" Sigaw nung isa nilang kaibigan.

Tinaasan lamang sya ng kilay ni Aries.

"Wala akong pakeelam sa opinion mo." Mataray na sagot ni Aries.

"Sugar.. Tara na." Mahinhing tawag ni Pisces sa kambal nya, nagmamadali na itong umuwi dahil gusto nyang umiwas sa away.

"Pwede ba wag kang makielam." Madiing sabi ng isang babae at dinuro si Pisces na nakayuko lamang.

Tinabig ni Aries ang kamay ng babae na nakaduro sa kambal nya at tinignan ito ng masama.

"Wala kang karapatang gawin yan sa kambal ko." Matapang na sabi ni Aries.

"At bakit? Pinagtatanggol mo pa yang weak na panget mong kambal nakakaawa naman." Pang aasar ng babae sa kambal.

"Oh? Salamin na pala ang kambal ko ngayon? Nakita mo reflection mo?" Sagot ni Aries sa babae.

"Wow talaga--" Sasabat pa sana yung katabi ng babae pero pinutol agad sya ni Aries.

"Mas nakakaawa kayo eh, ganyan ba talaga kayo ka inggit kaya bigla bigla nalang kayo mang haharang ng nananahimik na tao? O bobo lang talaga kayo dahil hindi nyo alam ang salitang Respeto." Seryosong sabi ni Aries sa tatlo.

"Sugar, hinihintay na tayo ni Bliss." Nagmamadaling aya ni Pisces habang hinihila palayo ang kambal nya.

"Kahit anong sabihin mo, mas maganda padin kami sayo!" Sigaw ng nasa gitnang babae.

"Galing mo magjoke, sabagay mukha naman kayong clown dahil sa make up nyong kasing kapal ng dictionary. Last mo na yan ah?" Pang aasar ni Aries.

"Napakajudgemental mo!" Sigaw ng pangatlong babae.

"Wala akong junajudge sa inyong tatlo, I'm just describing kung ano ang nakikita ko. Tatlong babaeng panget na nga ang mukha, panget na nga ang ugali, wala pang utak. Hindi kayo bagay sa school na to lalong lalo ka na Rinoa." Bored na sabi ni Aries.

Si pisces ay kinakabahan sa kambal nya dahil baka may ibunyag nanaman ito na makakasakit sa mga tao.

"At bakit hindi ako nababagay dito? Eh isa ako sa pinakamayaman dito sa school na to, isa akong De Real. tanga ka din pala." Mayabang na sabi ni Rinoa at ipinagmalaki ang apelyido nyang De Real.

"Talaga? Rinoa Ponge." Nakangising sabi ni Aries na ikinagulat ni Rinoa at ng dalawa pang kasama nito.

"Bes? Bakit ponge?" Babae 1.

"Oo nga?" Babae 2.

"A-a-aba m-malay ko jan! G-Gawa gawa ng kwento. Mema ka?" nauutal na sabi ni Rinoa.

Sweet DreamsWhere stories live. Discover now