*Third person's point of view*
Habang nasa school ang mga Teenagers, naiwan ang mga adults sa loob ng Draghez Condominium kung saan ang siyam na prodigious at si Stella ay nasa loob ng isang kwarto at nag uusap usap.
"Sa tingin mo ba pag nalaman nyang hindi lang sya ang may mystical power magbabago ang ugali nya? hindi diba." Blankong sabi ni Stella habang kausap ang bestfriend nyang si Zyrus.
"Wala ka bang tiwala sa anak mo Stella?" Tanong ni Zyrus.
"Wala." Sabi ni Stella.
"Stella, you should trust your own daughter besides napatunayan na anak talaga sya ni-" Pagpapaliwanag ng isang babae ngunit hindi sya pinatapos ni Stella.
"I know Eliza but i'm not yet sure if she's a pure Prodigious." sagot ni Stella kay Eliza na kaibigan din nila.
"I already scanned her. She's too powerful, mas malakas pa sa tatay nya." Sagot ni Raizen na kaibigan din nila.
"Yes, but remember. I am a pure human. Hindi ako isang prodigious kaya maaring may dugong tao si Layla." Sabi ni Stella.
Hindi mapigilan ni Stella ang hiyang nararamdaman nya dahil sa loob ng Draghez Condominium sya lamang ang nag iisang tao. Ang lugar na ito ay hindi lamang isang condominium, wala ding mga taong nagtatrabaho dito dahil lahat ng gumagawa ay mga machine o kaya naman isang mystical power ang kumokontrol dito na nanggagaling sa Supreme Prodigious.
"Stella, kaming mga prodigious ay nandito sa mundo para protektahan ang mga tao. Hindi kami katulad ng mga Inimical Deviant Spectors na walang ginawa kundi patayin at ubusin ang mga tao." Sabi ni Jacob ang pang apat sa Supreme Prodigius.
"Kaya nga! tignan mo ang ginagawa ni Layla, She killed a lot of humans simula nung 8 years old palang sya." Sabi ni Stella.
Napabuntong hininga na lamang si Zyrus.
"That's why we need to stop her Stella." sabi ni Zyrus.
"Yup, Zyrus knows best dahil pangalawa sya sa Supreme Prodigious." Sabi ni Theodore ang pang lima sa Supreme Prodigious.
Ang supreme prodigious ay binubuo ng sampung miyembro, ang pamilya lamang nila ang may access at ang pwedeng manirahan sa loob ng Draghez condominium.
"I don't know, she's heartless. Inaalala ko ang mga anak nyo Cleo, Eliza at Oliver." Sabi ni stella.
"You don't need to worry about my son, Ralph. Mabait yun at sure akong mapoprotektahan nila si Layla, he can teleport everywhere he wants" Sabi ni Cleo na ina ni Ralph.
"Tama, ganun din ang gwapo kong anak na si Zyhann! Mana sakin yun aba kahit Mind reader at Telepathy lang ang Mystical power nya eh magaling naman sya maghandle ng weapons, isang assasin yun!" Maingay na sigaw ni Oliver.
"Nagmana nga sayo ang anak mo Oliver, nagmana sa pagiging mahangin mo." Sabi ni evan ang pang siyam sa Supreme prodigious.
"Nako, evan kamusta naman ang dalaga mong si Marhiann? Kanino nagmana ng kabaitan yun?" Sabi ni Eliza ang ina ni Jhanrick.
"Hahaha! Syempre sakin, pero mas magaling na healer yun kesa sakin syempre." Sabi ni evan, ang healer sa supreme prodigious, nagtawanan naman ang lahat.
"Eh si Layla kanino kaya nagmana?" Pabirong tanong ni Raizen, ang pangatlo sa Supreme Prodigious.
"Ano ka ba, hindi pa natin lubos na kilala ang anak ni Stella." Sabi ni Danniel ang pang sampu sa Supreme Prodigious.
YOU ARE READING
Sweet Dreams
FantastikAn eye full of hatred.. Once it's closed, Be ready to face your nightmare