*Zyhann's point of view*
"Darkness Form"
Biglang nag iba ng form yung specter na kaharap ko at naging isang nakakatakot na nilalang, pero kahit ganoon na ang form nya halata pa din na babaeng specter sya, kadalasan kasi sa mga specter na babae ay taga hanap lang ng informations.
"Multiple slash!" Inatake ko sya gamit ang iba't ibang uri ng blade pero kahit tinatamaan na sya nito wala pading nangyayari.
Madami na akong nakalaban na specters at konti palang ang mga babaen specter na naeencounter ko, mahihina lahat ng yun pero itong babaeng to ay malakas ah.
"Optic Blast" May itim na laser na lumabas sa mga mata nya at muntik na akong tamaan pero naiiwasan ko ang mga ito.
"Ano bang kailangan nyo kay Layla?" Hinihingal na tanong ko.
Malakas at mabilis tong babaeng specter na to.
"Wala kaming kailangan sa kanya, Sya ang kailangan namin." Sabi nung specter at ngumisi pagkatapos ay inatake ako gamit ang Hand blast nya kung saan may lumabas na laser sa kamay nya.
Muntik na akong tamaan, bigla akong nawala sa harap nya at lumitaw sa likod nya. Mukhang hindi sya alerto kaya tinamaan sya ng knife na hawak ko.
"Argh!" sigaw nya.
"Hindi nyo makukuha si Layla." seryosong sagot ko.
Nakatayo padin sya at atake lang ng atake pero naiiwasan ko ang mga to, kahit may tama na ako sa tagiliran kanina.
Ipapagamot ko nalang to kay Marhiann mamaya.
"Hindi mo matatalo ang isang specter na katulad ko, Ako si Gia Trauz isa sa specters army!" Sigaw sakin nung babae.
Aba ang hirap talaga maging gwapo!
Babae pa ang unang nagpapakilala sakin."Tinanong ko? Hirap talaga maging gwapo." Sabi ko at kinindatan sya.
Halata naman na kinilig sya, nako mga babae talaga oh.
"Kapal!" Sigaw nya at inatake ako.
"Katana slash!" Atake ko pero hindi sya tinablan nito.
Malakas ang defense nya.
"Ibigay mo na sakin si Layla!" Sigaw nya.
"Hindi pwede, tatapusin na kita dahil sinasayang mo oras ko, baka magalit sakin yon dahil ang tagal ko. Kanina pa naghihintay sa cake nya yun." sabi ko at kinuha ang Karambit ko.
Saglit kong tinignan ang orasan ko.
Patay 2:57 AM na.
Yari ako kay ama, pati narin kay Layla baka beastmode na yun kakaantay sa cake nya.
"Weapon blast!"
Atake ko tinamaan sya pero konti lang ang naging damage.
Binasa ko ang isip nya at nakita ko na mas malakas ang defense nya, dapat ko palang sirain to.
"Ha! Hindi mo ako matatalo." Mayabang na sabi nya.
Baka hindi.
Nilabas ko ang isa sa pinakabawal na weapon ko.
Ang Absolute spear.
Ang weapon na to ay kayang makasira ng kahit anong defense, sobrang destructive din ang weapon na to pero hindi ko ginagamit to masyado, pag maninira lang ako ng defense.
"Ano nanaman yan? Akala mo tatablan ako nyan? Hahaha!" Sabi nya at tumawa ng nakakaloko.
Boring ng kalaban ko, puro salita.
YOU ARE READING
Sweet Dreams
FantasíaAn eye full of hatred.. Once it's closed, Be ready to face your nightmare