Chapter 21 - Prodigious vs. Specters

25 1 0
                                    

*Third person's point of view*

"Shadow Beams."

Sumugod ang tatlong specters pero bago pa nila tamaan si Layla ay inatake agad sila ni Edward kaya namahagis ang tatlo, ginamit ni Edward ang Shadow Manipulation nya para sa mga atake nya, kasabay ng pagpalit ng anyo nya para mas maging malakas pa.

"Kumain ka muna jan Az, kami na ang bahala sa mga to." Sabi ni Edward at ngumiti kay Layla.

"Ok." Sagot nito at binuksan na ang cake nya pagkatapos ay kumain habang nanonood.

Si Zack Edward Teridox na panganay na anak ni Jacob, ang pang apat na supreme, ay may Mystical power na Shadow Manipulation at Take over at Astral Possesion. Dahil sa lakas nya pinili sya at nabilang sa Significant Prodigious.

"Fire and Water Replication!"  sigaw ni Bryan kaya naclone nya ang sarili nya sa anim, ang iba ay Water version at Fire version  ni Bryan. Pumunta ang apat na clone na ito sa tabi ni Layla para bantayan sya habang kumakain.

Si Bryan James Marrow, ang anak ng pang lima sa prodigious na si Theodore Marrow naman ay may Mystical power na Replication katulad ng kanyang ama, at Animals manipulation katulad ng kanyang ina at nakababatang kapatid.

Natutunan nyang ireplicate ang sarili nya gamit ang dalawa sa mga Elements dahil bata palang sya sabay na silang magtraining ni Aries at Pisces.

"W-wow.." Hindi makapaniwalang sabi ni Chris habang pinapanood ang mga kaibigan nya.

"Makulit kayong mga bata kayo ha. Makukuha namin si Layla Azlyn!" Sabi ng lalaking specter.

Tumayo ang tatlong inatake ni Edward at sumugod padin papunta kay Layla pero hinarang ni Bryan ang isa, si Ralph naman sa isa at si Zyhann sa isa.

"Lumaban kayo ng patas." Pang aasar ni Edward.

"Ibalik nyo ang baby ko!" Sigaw ni Ralph at tumingin sa kotse nyang inuupuan ng mga specters.

Sumugod naman ang lima pang nakatayo pero hinarang sila ni Jhanrick, Erika at Edward. 

"Layla! ano ba lumaban ka din!" Sigaw ni Elliana.

"Huh? Sabi ni Edward kumain daw muna ko. Mamaya na." Bored na sabi ni Layla habang kumakain.

"Tch! Bahala ka nga, i'll just save chris." Sabi ni Elliana at umirap. 

Si Elliana Jen Goz na anak ni Danniel, ang pang sampung supreme ay may mystical power na metal manipulation, kaya nyang gawing metal ang buong katawan nya at nakocontrol nya ang lahat ng metal.

Napatingin si Elliana sa lima pang specters na nakatayo sa may Kotse ni Ralph, ang dalawa ay may hawak kay Chris ang tatlo naman ay nanonood lamang sa mga naglalaban. Napatingin ang tatlo kay Elliana at napangisi.

"Oh look, mukhang may kakalaban sayo Rowen." sabi nung isa na katabi ng pinakamalaking specter.

"Hi young metal lady, anong kailangan mo?" Nakangising tanong ni Rowen ang leader ng specters group na kalaban ng mga prodigious ngayon at isa sa top 10 ng Specters Army, Rowen Anderson ay ang pang sampu.

"Ugh, pakawalan nyo si Chris." Sabi ni Elliana habang nakatingin ng masama sa tatlo.

Sumugod si Elliana sa tatlo at hinarangan sya ng dalawang kasama ni Rowen.

"Hand Blast!" sabi ng dalawa at inatake si Elliana, pero naiwasan nya ito.

"Scatter shot!" Atake ni Elliana, Tinamaan ang isang specter kaya napahiga ito at nawalan agad ng malay.

Sweet DreamsWhere stories live. Discover now