*Layla Azlyn's point of view*
"Oras mo na, Jayson."
"Pati ba naman sa panaginip ko susundan mo ko? Ganyan ka ba kadesperada maging girlfriend ko? Sorry ha hindi ako pumapatol sa isang mangkukulam." Nandidiring sabi ni Jayson.
"Hindi din ako pumapatol sa isang panget na nilalang." Seryosong sagot ko.
"Wow ah, bakit maganda ka ba?" Tanong nya sakin.
Tanga talaga ng mga tao.
"May sinabi ba ko?" Sagot ko.
"Hay nako gigising na nga ako nasusuka ko sa pagmumuka mo." Sabi ni Jayson.
pumikit sya ng pumikit pero walang nangyari.
Habang pinagmamasdan ko sya unti unti kong nararamdaman na nanghihina na ko, kailangan ko pa pala matulog dahil kakapatay ko lang kay kate kaninang hapon.
Gusto ko sanang madaliin ang pagpatay sayo Jayson, pero hindi.
Mas gusto kong maghirap ka.
pinalitan ko ang lugar kung saan nasa loob kami ng isang basketball court.
"You like basketball right?" Walang ganang ko.
Hindi nya ko pinansin at busy lamang sya sa pag gising nya sa sarili nya.
"Hindi ka na magigising. Matutulog ka na ng mahimbing, maya maya." Sabi ko na kinagulat nya.
"Anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong nya dahil nakita nyang may hawak akong martilyo at mga patalim.
Dahan dahan akong lumapit papunta sa kanya.
"Jayson, jayson, jayson. Ang MVP ng Whitestones High School." Pang aasar ko.
"Stalker!" sigaw nya sakin.
Tatakbo na sana sya pero bigla syang bumagsak pahiga dahil kinontrol ko sya.
Biglang nagdugo ang maliliit na sugar sa braso sya.
"Shit!" Napasigaw sya dahil sa sakit.
Puro pins na matatalim kasi ang nabagsakan nya.
Habang nakahiga sya pinukpok ko ng malakas ang isang binti nya.
"Wag!!! Wag yung binti ko!" Sigaw nya.
"Oo nga pala no? hindi ka nga pala makakapaglaro ng basketball kung wala kang binti." Sabi ko at pinukpok ito ulit kaya napasigaw sya sa sakit.
Pinukpok ko ng paulit ulit yung isang binti nya hanggang sa madurog to, habang sya ay walang magawa kundi sumigaw ng sumigaw.
"P-papatayin mo ko diba?" Nanginginig na tanong nya.
"Oo, pero mamaya na. Wag kang excited." Sagot ko.
Kumuha ako ng kutsilyo at pinagsasaksak ang isa pang binti ni Jayson at sigaw lang to ng sigaw.
"P-please.. before you kill me.. Can i shoot a basketball, one last time?" Umiiyak na sabi niya habang nakatingin sakin.
"Please.." Pagmamakaawa nito.
"Hmm..." Nag iisip na sagot ko.
Nakita ko namang napapangiti sya ng kaunti kaya naman..
Kumuha ako ng isang basketball at nilagay to sa kamay ko.
Unti unti naman syang napapangiti ng nakita nyang ilalapit ko sa kanya yung basketball.
YOU ARE READING
Sweet Dreams
FantasyAn eye full of hatred.. Once it's closed, Be ready to face your nightmare