**Layla's point of view**
Pagkagising na pagkagising ko tumakbo agad ako ng banyo para hugasan ang kamay kong puro dugo.
Ito lang ang nakakainis pag papatay ako sa panaginip eh. Pati yung mga dugong naiiwan sa kamay ko nagkakatotoo.
Agad akong naligo at nagpalit na agad ng damit pagkatapos ay bumaba na para kumain.
Tuwing bababa ako ng kwarto ko may nakahanda na agad na pagkain, pero wala dun ang mom ko, maybe she's inside her room working again.
Ganito ang buhay ko araw araw, gigising mag isa, kakain mag isa at aalis ng bahay mag isa.
Hindi ako close sa mom ko kahit kaming dalawa lang ang magkasama sa bahay, minsan lang kami mag usap. Sya ang naghahanda ng mga pagkain at gamit ko.
Ang dad ko? Hindi ko sya kilala at wala na kong balak kilalanin siya.
Pagkakain at pagkaayos ko umalis na agad ako at naglakad papunta sa school.
"Uy si witch naglalakad nanaman mag isa" Pang iinis ng mga nadadaanan ko.
"Hahaha pabayaan nyo yan pre, may sariling mundo yan!" Sigaw nung isang lalaki.
Pake ko sa inyo lol.
Pagpasok ko sa classroom nilapitan ako ni Kate.
"Hoy witch! Bakit hindi pa pumapasok si Reesha? Kinulam mo no?!" Sigaw nya sakin.
Hindi ako hanapan ng mga patay na tao.
"Aba malay ko." Sagot ko.
"Ang tapang mo ah!!" Susugudin nya na sana ko pero tinitigan ko sya at napahinto sya.
Gusto yatang sumunod neto kag Reesha.. but you're not the next person na papatayin ko kaya maghintay ka muna.
"OMG kate!! nagtext ang mom ni Reesha. Sabi ni tita patay na daw si Reesha binangungot daw!" Sigaw ni ivy na nakaagaw ng atensyon ng lahat.
"ANO!?" sigaw ni kate at napatingin sakin.
"Ikaw kinulam mo si Reesha no!?"
galit na tanong nya sakin."Oh? Wala akong kinalaman dyan." Simpleng sagot ko.
"Sinungaling!! Papatayin kita!!" Sigaw nya at susugudin ako ng may pumigil sa kanya.
"Kate tumigil ka nga! There's no such thing as kulam. You're so OA." Pagpigil ng isa sa mga peace officer ng klase.
Napatayo nalang ako ng bigla kong maramdaman na basang basa na yung damit ko.
Paglingon ko nagtatawanan ang grupo ng mga lalaki sa likod ko.
"Hahaha! wag kang kj Tracy tama nga naman si Kate mangkukulam yan." Sabi nung isa.
"Ano ba Jayson? Tumigil nga kayo pati ikaw Clark at Raven." Pagsaway nung tracy.
Tinitigan kong mabuti yung jayson. Nakipagtitigan din sya.
"Oh bat nakatitig ka sakin? Gwapo ko ba? Hahaha di ako pumapatol sa witch eh." Sabi nya at nagtawanan silang lahat.
Wag kang masyado mag assume..
Baka ikaw na ang isunod ko.
Pero bago ka..
Yung lalaking nagbuhos muna sakin ng tubig.Raven.
Magsuswimming tayo mamaya.
Mahilig ka naman pala sa tubig eh.
Tumayo ako at mabilis na tumingin sa mga mata ni Raven, pagkatapos ay umalis na ko para magpalit ng damit.
"Bes anong nangyari kay Reesha? patay na daw?"
YOU ARE READING
Sweet Dreams
FantasyAn eye full of hatred.. Once it's closed, Be ready to face your nightmare