*Layla's point of view*
Another day of boredom.
Eto nanaman. Nakakakita nanaman ako ng pagmumuka ng mga tao.
Nakakairita.
Lalo na ngayon na sobrang ingay nila dahil absent nanaman yung mapeh teacher namin.
yumuko ako at pumasok sa panaginip ko.
Panaginip kong blanko.
Bakit nga ba walang laman yung panaginip ko?
Pag pumapasok ako sa panaginip ng iba, buhay na buhay at sobrang makulay.Yung sakin?
Black and white.
Patay na patay pa.
Ganito ba talaga pag walang pangarap?Well, ano nga bang mapapala ko sa pangarap ko?
Happiness? Hindi uso sakin ang salitang yon.Ni hindi ko nga alam kung pano ko makukuha at anong meron don. Wala naman kasi akong pakeelam.
Dahil sa sobrang bored ko, naisipan kong pumasok sa panaginip ni Madison.
Naalala ko lang kagabi nung pinatay ko si Raven, hinihintay nya pa nga pala ang babaeng si Madison."Mukhang gising pa siya." Sabi ko.
Wala pa kasi si madison dito sa panaginip nya.
"Masyadong makulay, ang sakit sa mata." Sabi ko at umupo nalang sa isang upuan na kulay pink.
Pinagmasdan ko yung panaginip nya, isang malaking amusement park na walang tao.
Biglang may nakita akong isang bata na naglalaro kasama ang isang lalaki.
Kaya naman nilapitan ko ito.
"Daddy ang tagal naman ni mommy Madi!" Sigaw nung bata sa kanyang daddy.
Pagharap nung lalaki ay lapnos lapnos ang balat nito.
Napangiti ako.
"Wag kang mag-alala dadating din ang mommy mo." Sabi ni Raven.
agad akong nagmadali para gumising, pag ka angat ko ng ulo ko nakita kong nag lilipstick si madison.
Tinitigan ko sya ng palihim at nakita kong napapahawak na sya sa ulo nya.
Maya maya ay yumuyuko na sya at biglang sumandal sa bintana ng nakatulog na."Inantok na si Madison kakaantay kay Raven. Nasan na ba kasi yun?" Tanong ni Jayson.
"Hindi nagrereply pare eh" Sabi ni clark
Napangisi ako at agad yumuko.
Nandito nanaman ako sa makulay na lugar na to.
Nagtago ako sa isang sulok kung saan hindi nila ako makikita.
Kitang kita na nagtataka si Madison at lumapit sya sa mag ama.
"S-s-sino kayo?" Natatakot na tanong nya dahil sa mukha ni Raven na lapnos ang balat.
"Mommy!" sigaw nung bata.
YOU ARE READING
Sweet Dreams
FantasyAn eye full of hatred.. Once it's closed, Be ready to face your nightmare