Chapter 20 - Payback

21 1 0
                                    

*Third person's point of view*

Meanwhile..

12 AM ng gabi nagtransform si Layla bilang isang itim na usok para hindi sya madaling makita ng mga dadaanan nya papunta sa bahay ng babaeng si Xena.

Madilim na ang eskinita sa bahay nila Xena, pero naroon sila sa bakod nakatambay habang naninigarilyo kasama ang lima pang tao na bumugbog kay Layla.

Tuwing madaling araw, tumatakas ang mga kaibigan ni Xena, sina Alyssa, Aila, Fritz, Allen, Gerald sa kani kanilang bahay para tumambay sa bakod nila Xena.

Dito sila gumagawa ng masasamang bisyo katulad ng paninigarilyo, minsan ay nag iinuman sila. Walang nakakarinig sa kanila dahil sound proof ang kwarto ng mga magulang ni Xena kaya hindi naririnig ang mga pag iingay nila sa bakod.

"Oh pre, wag na muna tayo pumasok bukas baka ipakulong tayo nung mga kaibigan nung witch." Natatakot na sabi ni Fritz sa mga kasama nya.

"Bakit natatakot ka? Hindi yun, pulis ang tatay ko kaya hindi tayo makukulong dahil kaya naming dayain yon." Confident na sabi ni Xena habang naninigarilyo.

"Ano na kaya nangyari kay witch?" Tanong ni Aila.

"Sus! Patay na yun! Kung hindi pa edi sana patay na sya." Sabi ni Alyssa.

"Haha! Wala palang laban satin yun eh." Sabi ni Gerald.

"Weak naman pala eh." Natatawang sabi ni Allen.

"Hindi ko nga alam kung bakit sya kinakatakutan eh, eh mahina naman pala sya hahaha!" Sabi ni xena at nagtawanan silang anim.

Habang nagtatawanan sila, hindi nila alam na katabi na pala ni Xena si Layla pero hindi nila ito nakikita dahil ang form ni Layla ngayon ay itim na usok lamang.

"Payback time." Sabi ni Layla sa isip nya habang nagpipigil ng galit.

Hindi nya gusto ang ginawa ng anim sa kanya, hindi nya matanggap na hindi nya nalabanan ang anim na yun kaya gaganti sya ngayon.

"Pre san galing yung itim na usok?" Tanong ni Fritz sa mga kasama.

"Aba ewan, baka sa sigarilyo lang natin yan." Sabi ni Allen.

Hindi nila ito pinansin at nagkwentuhan pa sila ng kung ano ano hanggang sa mainip si Layla.

"You guys are enjoying too much." Sabi ni Layla na kinatahimik ng lahat.

Hindi malaman ng anim kung saan nanggaling ang nakakatakot na boses na yon, binuksan ni Xena ang ilaw para maging mas maliwanag pero nagukat sila ng biglang nawalan ng kuryente.

"Pre wala namang takutan.." Sabi ni Gerald.

"Xena u-uwi na kami.." Natatakot na sabi ni Alyssa at dahan dahang umalis.

"Wala akong makita, anong nangyayari?!" Sigaw ni Xena.

"AHHH!!!!" Sigaw ni Alyssa na narinig ng lima.

"ALYSSA!?" Nag aalalang sigaw ni Aila.

Pagkatapos ng ilang minuto nagkaroon na din ng kuryente sa bakod nila Xena pero nagulat sila sa kanilang nakita.

Nakahiga na si Alyssa na punong puno ng dugo, hiwalay ang ulo sa katawan at puro saksak ng kutsilyo sa katawan, habang ang ulo ay unti unting natutunaw dahil sa isang chemical na ginamit ni Layla.

Bago pa makalabas ng gate si Alyssa ay sinugod agad ito ni Layla hanggat madilim at wala pang nakikita ang lima.

"Shit! Pre nakakadiri!" Sigaw ni Allen.

Sweet DreamsWhere stories live. Discover now