Chapter 13 - New classmates.

32 3 0
                                    

*Third person's point of view*

"Sigurado ka bang hindi na nila tayo nakikita?" Naniniguradong sabi ni Theo kay Eliza.

"Oo, mamaya pa naman magsisimula ang klase nila kaya ireplicate mo na ang lahat ng nandito, para madala na ni Cleo sa dimension na ginawa ni Alexis." Sabi ni Eliza at tinignan sina Cleo.

"Paano pag nalaman ni Layla to?" tanong ni Cleo.

"Hindi nya ito malalaman, dahil walang pinagkaiba ang duplicate na magagawa ko sa original na mga bagay at tao dito. Kahit ang memory nila ay ganoon din, walang magbabago, maduduplicate lang sila." Sabi ni Theo kaya naman tumango na si Cleo.

"Except dun sa isang kaibigan nila right?" Sabi ni Eliza at tumango ang dalawa nyang kasama.

Nagsimula na ilabas ni Theo ang light na kokopya sa mga taong nasa loob ng school at habang kumakalat ito, gumagawa ng ng portal si Cleo sa labas ng school.

Habang si Eliza ay nagbabantay sa mga taong dumadaan sa labas ng school, sinisgurado nyang walang nakakakita nito.

"Paano pag dumating na sina Layla?" Tanong ni Eliza.

"Mamaya pa dadating yun, nilibang muna nila Zyhan si Layla at yung Chris na kasama nila." Sabi ni Cleo habang gunagawa ng portal.

"I'm done! Cleo are you ready to send the originals sa safe dimension?" Tanong ni Cleo.

"Hindi ba magtataka ang mga original kung saan sila mapupunta?" Tanong ni Eliza.

"Nope, kung ano ang lugar na nandito, yun ang lugar na nasa safe dimension, wala din yung pinagbago." Sabi ni Cleo at tumango naman si Theo.

"Good. Cleo send them in at the count of 3 okay?" Sabi ni theo.

Tumango naman si Cleo habang si Eliza sinisigurado na walang makakakita ng gagawin ni Cleo.

"1."

"2."

"3!"

Binuksan ni Cleo ang portal at dahan dahang nawawala ang school at original na mga tao at unti unting pumapasok sa Portal.

Nang nawala na ang totoong lugar ay mga tao, agad kumilos si Theo at ni replicate agad para hindi na makita ng iba pang nag dadaanan.

Nang matapos sila, sinigurado nila na walang nakakita ng pangyayari, umalis na sila at umuwi ng Draghez Condominium para kausapin ang iba pang Supreme Prodogious.

"Grabe nakakahilo ah!" Sigaw ni Eliza pagkalabas nila sa ginawang portal ni Cleo pabalik sa condominium.

"Hindi padin talaga kami sanay mag travel sa ibang dimension, nakakahilo! Hahaha." Sabi ni Theo at tumawa.

Pagpasok nila sa Room 00 nakita nilang naghihintay na dun ang anim na supreme at si Stella.

"Oh kamusta ang mission?" Tanong ni Zyrus.

"Mission accomplished!" Sigaw ni Theo.

"Pero school lang ang nireplicate diba? Pano ang mga tao sa labas? Hindi lang sa loob ng school pumapatay si Layla kundi sa labas din." Sabi ni Stella.

"Yung school oo, pero yung sa labas mga tao lang ang nireplicate namin. Hindi kasi kaya sa isang araw kung buong City yung ipapadala sa ibang dimension, pero lahat naman ng tao sa city nareplicate na ni Theodore." Pagpapaliwanag ni Cleo.

"Mabuti naman, safe sila. Now all we need to do is turuan makipag socialize si Layla." Sabi ni Raizen.

"Magkakasama sina Layla, Ralph, Jhanrick, Zyhann at Chris ngayon. Yung mag tatransfer ay kakaalis palang ng condominium sa ngayon, ano kayang mangyayari sa mga anak namin?" Sabi ni Jacob ang ama ni Zack Edward.

Sweet DreamsWhere stories live. Discover now