*Layla's point of view*
Arghh!
"Ano bang kailangan mo sakin?" Inis na tanong ko.
One week na kong kinukulit ng bwiset na to.
"Alam mo matagal na kitang inimbestigahan, nakita kong wala ka talagang kaibigan ni isa kaya nandito si Detective Chris para samahan ka!" Nakangiting sabi nya.
Feeling detective.
"I don't need friends." Sabi ko.
"Pero deep insideeeee." pangungulit nya.
"I really don't." Sabi ko at tinitigan sya.
Tinatry kong patulugin sya pero ayaw gumana.
Nakakapasok naman ako sa panaginip nya pero wala sya dun, blanko ang panaginip nya. Walang buhay at black and white.
Parang almost the same as my dream.
Nawawalan ako ng gana patayin sya kaya kung sino sino nalang ang pinapatay ko."Hahaha! Nako ewan ko nga sayo basta nandito padin ako." nakangiti nya pa ding sagot.
Tch.
"Wala akong pake." Walang ganang sagot ko.
"Bakit kasi ayaw mo makipagkaibigan?" Tanong nya.
"It's a waste of time. Hindi ko sila kailangan at kaya kong mabuhay mag isa, i'm strong enough." Sabi ko.
"Eh pano nalang kung may mang away sayo tapos madami sila anong gagawin mo?" Tanong nya ulit.
I will kill them.
"I can take them down all by myself." Sagot ko.
"Kung magtatanong ka pa ulit tigilan mo na, uuwi na ko tapos na ko sa project na to ikaw nalang ang magpasa bukas." Sabi ko at kinuha na ang mga gamit ko.
"Wait hatid na kita." Sabi nya.
"Wag na. Baka maulit pa yung nangyari last time." sagot ko at iniwan na sya dun.
Habang pauwi ako iniisip ko yung nangyari nung 2nd day nung project.
*Flashback*
"Hatid na kita Azlyn!" nakangiting sabi nya at kinuha ang mga gamit ko.
dahil pagod na pagod na ako at wala na kong pake pumayag nalang ako.
Habang naglalakad kami pauwi may limang lalaki kaming nadaanan.
"Uy sexy nito pare." Sabi nung isa.
Tch.
Nagkatinginan sila at bigla kaming pinalibutan.
Wag nyo kong subukan, pagod ako.
"Hi miss! Iwan mo na boyfriend mo samin ka nalang." Sabi nung isa pang lalaki.
Tinitigan ko silang lima isa isa.
Humanda kayo sakin mamaya.
"He's not my boyfriend." sagot ko.
"Pwede bang tigilan nyo si Azlyn." Sabi ni Chris.
"Hahahaha! Eh hindi ka naman pala boyfriend pare!" Sigaw nung isa at nagtawanan sila.
Sa inis ng kasama ko sinapak nya yung lalaki.
Hanggang sa nakipag-away na siya dun sa lima pero maya maya nakita kong hawak na sya nung dalawa at pinagtutulungan na sya nung tatlo.
YOU ARE READING
Sweet Dreams
FantasyAn eye full of hatred.. Once it's closed, Be ready to face your nightmare