Warning: Read at your own risk.
**Layla's point of view**
Great.
"Hala!!! Bakit sobrang dilim."
"Oh my gosh!!"
"Uy pre wag ka mang iwan!"
"Wala akong makita!"
"Clark don't leave us!!"
"Ugh dapat umuwi na tayo eh!"
Napangiti nalang ako sa mga sigawan nilang walang kwenta, ang tatanga kasi.
Itong mga guard na to ang tatanga din, hindi agad pinauwi yung mga nagpaiwan ayan tuloy. Hahaha!
Sa ngayon hindi muna ako nagpapakita, binibilang ko kung ilan pa sila.
May mga couple.
May group of boys.
May mga magkapatid na teens.
May mga mag isa.
Dumating din ang grupo ng mga Guard.
Dahil bukas pa ang ibang shops nandito din ang mga nagtatrabaho sa mall.
At ang grupo nila Clark.
"Cool 396 people in one night." nakangiting bulong ko sa sarili ko.
"Subukan nyong gumalaw sa kinalalagyan nyo, mamamatay kayo." Sabi ko, mamamatay din naman sila mamaya, pero pag gumalaw.
Mamamatay sila agad.
"Ano yon????!"
"Sino yan!!"
Inuna ko ang mga taong nagtatrabaho sa mall dahil hindi ko naman sila kailangan at isa pa gumagalaw sila.
Inisa isa ko ang mga shops kung saan pinagaatake ko agad ang mga workers, may mga workers na tinanggalan ko ng ulo may mga workers naman na sira sira na ang mukha.
Napunta ko sa isang shop kung saan umiiyak ang babae, dahil madilim hindi nya ako makita pero ako nakikita ko sya.
"Kung sino ka man please.. wag mo ako patayin uuwi pa ko para sa pamilya ko" sabi nung babae habang umiiyak.
"Your family doesn't need you." Sabi ko sa kanya at hinila sya papunta sa harap ko.
Ngayon kitang kita nya ako dahil sa ilaw ng mga mata ko.
"S-sino ka ba? bakit mo ginagawa samin to?!" Umiiyak na sigaw nya.
Napakaiyakin naman nito.
"Me? Ako ang bangungot mo." Sabi ko at nginitian sya kasabay ng pagtusok ko sa isang mata nya at dinukot ito gamit ang kutsilyong hawak ko.
"Ahhh!!!!!!" Sigaw nya sa sakit.
Dahil sobrang ingay nya hinayaan ko muna syang magsisigaw para marinig sya ng mga tao sa baba.
Kampante naman ako dahil alam kong hindi na sila makakalabas pa.
Gumawa ako ng mga runes kaya hindi na sila makakaalis sa pwesto nila.
Dahil natutuwa na ko lumabas ako g shop habang kinokontrol papunta sa pinupuntahan ko ang katawan ng babaeng umiiyak dahil sa sakit.
Nasa 4th floor ako at sya nalang ang buhay sa floor na to.
Binuksan ko ang mga ilaw at nakita ko na ang pinakamaraming tao ay sa 1st floor kung san nandon sila Clark sa escalator na hindi gumagalaw.
Nandon din ang mga guards at iba pa dahil bumaba na din ang mga tao sa 3rd and 2nd floor wala ng tao doon bukod sa mga workers.
YOU ARE READING
Sweet Dreams
FantasyAn eye full of hatred.. Once it's closed, Be ready to face your nightmare