*Third person's point of view*
Friday.
Pauwi na sila Layla, kasama ang mga prodigious kabilang nadin si Chris, sumakay na agad sila sa kotse ni Ralph dahil sabi ito ni Bryan.
"Guys, wala muna tayong gala ngayon. Mag pprepare tayo para sa party ni Baby brent bukas." Sabi ni Bryan.
"Sino yun?" Tanong ni Chris.
"Hindi nyo pa pala namimeet ang mga anak ni Tito Zyrus, don't worry mamaya mamemeet nyo na sila." Sabi ni Ralph.
"Ilan ba sila?" Tanong ni Chris kay Ralph.
"Apat sila, isang twins, tapos bunsong babae at bunsong lalaki." Sabi ni Jhanrick.
"Omgggggg! Makakasama ko na ulit si Aries." Sabi ni Erika ang isa sa close friends ni Aries.
"Hmm lahat naman sa Draghez sisters kaclose ko except kay Aries." Sabi ni Elliana.
Tahimik lang si Layla na nakikinig ng kaunti sa kanilang usapan habang nakatingin sa labas ng car window.
"Masungit lang talaga yung babaeng yon, pero mabait yun." Sabi ni Bryan.
"Pero masakit magsalita huhu." Sabi ni Zyhann na nagkunwaring umiiyak kaya binatukan sya ng kapatid nyang si Erika.
"Tumigil ka nga! Di bagay sayo." Sabi ni Erika.
"Aray ko! kupal ka." Reklamo ni Zyhann.
Si Edward naman ay katabi ni Layla, tahimik lang din at sobrang busy dahil sa nilalaro nya sa kanyang cellphone.
"Hahaha! Ang kulit nyo talaga." Sabi ni Chris at ngumiti.
"Azlyn bakit ang tahimik mo?" Biglang tanong ni Chris kay Layla.
"Nothi-" Sagot sana ni Layla pero biglang naputol dahil may tumawag kay Chris.
"Chris! Kamusta kayo ni Tito Raizen?" Tanong ni Elliana.
"Uhm hehe ayun.. nagbabonding kami palagi tapos lagi nya ko kinukwentuhan at minsan nag ttraining kami para matutunan ko kung pano gamitin ang power ko." Sabi ni Chris kay Elliana na palihim napangiti dahil naagaw nya ang atensyon ni Chris.
Dahil sa nangyari ay medyo nairita si Layla, napapansin nyang tuwing magsasalita sya ay palagi syang pinuputol ni Elliana, hindi nya alam kung anong nagawa nya pero sinusubukan nyang magtimpi dahil baka mapatay nya ito.
Hindi nalang pinansin ni Layla si Elliana, bumalik nalang sya sa pagtingin ng mga lugar na nadadaanan nila.
"Az, you okay?" Tanong ni Edward.
"Yeah, just tired." Bored na sagot ni Layla at sumandal kaunti sa window ng kotse.
"Pahinga ka muna." Sabi ni Edward at ngumiti.
Nang dumaan sila sa isang Road biglang sumigaw si Elliana.
"AHH!! May bata!" Sigaw nya kaya nagulat ang nagdadrive na si Ralph at nipreno ng malakas ang sasakyan.
Sa sobrang lakas ng pagkapreno, at nauntog si Layla sa gilid ng kotse at medyo malakas ang tama nito.
"Fuck." Sabi ni Layla at biglang hinawakan ang ulo nya.
"Nasan yung bata?" Nagtatakang tanong ni Ralph.
"W-wait, guni guni ko lang pala yun.." Sabi ni Elliana.
"Az!" Sigaw ni Edward at binitawan ang phone nya.
"Hala, ang lakas ng pagkauntog nya." Sabi ni Jhanrick.
YOU ARE READING
Sweet Dreams
FantasiAn eye full of hatred.. Once it's closed, Be ready to face your nightmare