Chapter 11 - Rest.

45 4 0
                                    

*Layla's point of view*.

Rest.

I need it right now, masyado yata akong naglaro kagabi. Nanghihina yung buong katawan ko.

Mukhang hindi ako makakapatay ngayong araw.

"Napagod ka? Napagod kang pumatay?" Seryosong tanong ni Zyhann.

"No." Sagot ko.

"Magpahinga ka nalang muna, babantayan ka namin." Sabi ni Jhanrick at bumaba na kami sa kotse ni Ralph.

"Nakakatakot yung nangyari sa mall napanood mo sa balita?"

"oo nga eh, puro dugo daw"

"Sino kaya ang may gawa non"

"nandun nga daw sila Clark at Tracy eh"

"Talaga? Malas nila"

Yan ang mga bulungan ng mga taong nadadaanan namin.

Habang naglalakad kami papasok ay nakita kong nagkakagulo sa loob ng classroom namin.

Pagpasok ko, walang nanaman yung Mapeh teacher na yon, nagkukumpulan sila sa may blackboard at pagtingin ko nasa lapag si Chris na nagdudugo ang muka at puno ng sugat.

"Hoy! Tigilan nyo si Chris!" Sigaw ni Zyhann at tinulak yung tatlong lalaking bumugbog kay Chris.

"Wag kayong makielam!" Sigaw nung tatlo at susugod kay Zyhann pero humarang si Ralph at Jhanrick sa dalawa.

Nanood lang ako habang nakikipag away yung tatlo ng bigla akong napatingin kay Chris na nahihirapang tumayo.

Tch.

"Hoy weak. Tumayo ka jan." Sabi ko at inabot ang kamay ko.

Kinuha nya naman agad at tumayo sya pero nahihirapan padin.

"Ano nanaman bang ginawa mo?" Tanong ko.

"Sinisira kasi nila yung project na gawa mo eh lumapit ako para pigilan sila, tapos sinira din nila yung sakin tapos sinugod ako." Nakangiting sabi ni Chris habang kinakamot yung batok nya.

"Idiot." Sabi ko at inirapan sya.

"Sorry.. nasira yung project mo." Sabi nya sakin.

"I don't care about my project." Sabi ko.

Yung project namin individual pero gagawin by partner, at oo sya nanaman yung partner ko sa project na to. Tch

Nakita kong tumakbo palabas yung tatlong lalaki.

"Chris dalhin ka namin sa clinic." Sabi ni Zyhann at inalalayan si Chris papuntang clinic sumunod naman si Jhanrick at Ralph.

Wait, bakit ako sumusunod?

Habang papalakad kami nakita kong nasa taas yung tatlong lalaki kanina.
Humiwalay ako sa kanila at dumiretso papunta sa Rooftop ng school.

"Saan ka pupunta?"

Boses ni Zyhann?

"Telepathy?" Tanong ko sa isip ko.

Telepathy, mukhang malayo na ako sa kanila kaya kinausap ako ni Zyhann sa isip.

"Oo, saan ka pupunta?" tanong nya.

"Basta, hindi ako papatay ngayon." Sabi ko at tumakbo na papuntang rooftop.

Narinig kong may kausap na dalawang lalaki yung tatlong bwisit kanina.

"Nakielam yung mga transferees samin eh!" Rinig kong sigaw nung isang lalaki.

Sweet DreamsWhere stories live. Discover now