The long lost victim

91 3 1
                                    

*Flashback

14 years ago

"kuya, ibalik mo nga yan. Baka maamoy ka niya" sigaw ni ate Deverie kay kuya Jaymar.

"Wala naman tong' silbi eh. Napatay pa rin niya si mama" sabi ni kuya Jaymar habang tinatanggal yung necklace na bigay sa amin ni lolo. Protection daw ito laban sa mga wolves.

"Kahit na.Ibalik mo  yan. Mapapahamak tayo sa ginagawa mo eh" sigaw balik ni ate Deverie tapos lumabas ng bahay.

Naiwan kami ni kuya Jaymar sa loob.

"Kahit anong mangyari, wag kang sisigaw o magpapakita na natatakot ka sa kanya ha?" sabi ni kuya sa akin na nakaluhod. Naka upo kasi ako sa sofa nun na parang nag tataka.

Tapos maya-maya bumukas yung pintuan. Napatingin kami ni kuya sa kung sino man ang nagbukas ng pintuan. Napatayo si kuya tapos susugurin niya sana yung babae pero masyadong mabilis ang pangyayari. Napapikit na lang ako dahil ayokong makita kung papaano patayin nung babae si kuya. Napaiyak ako tapos tiningnan ko yung paligid. Nakakalat lahat ng gamit. Magulo. Magulong magulo lahat. Hinanap ko yung babaeng pumatay kay kuya. Kabisado ko yung mukha niya. Kinabisado ko. Hinanap ko rin yung katawan ni kuya. Pero hindi ko makita. Hanap lang ako ng hanap. Pero nung napagod ako tumigil ako sa pag hahanap. Iyak lang ako ng iyak nung mga gabing iyon. Kinabukasan may pumuntang pamilya sa bahay. Sabi nila kamag-anak daw namin sila.

4 years old lang ako nun. Umalis si papa. Si mama naman namatay nang hindi ko alam ang dahilan. Si ate hindi ko na nakita simula nun at pang huli..... Si kuya,  pinatay siya ng isang babae na hanggang ngayon hindi ko pa rin malimut-limutan ang mukha. Kung makikita ko ang baaeng yun. Sigurado  akong pagbabayaran niya ang  ginawa niya kay kuya Jaymar.

*End of flashback

"Well,well,well,well. Look who's here girls. Its our geek president. Januaree Le Fuevre. Hahaha" sabi ng shomba kong classmate.

"Ano bang ginagawa ko sa inyo?" sabi ko habang nakayuko. Ako na lang kasi ang naiwan sa room. Kung hindi lang talaga nagsulputan tong mga to eh.

"wala. Ay meron pala" sabi ni shomba tapos hinawakan ng nga alipores niya yung dalawang braso ko. Mga to talaga. Iniinis ako.

"Bitawan niyo ko" bulong ko na parang nagmamakaawa.

"Bitawan nyo raw siya!" Napatingin kami nila shomba sa lalaking  nagsalita sa may pintuan.

"Sino ka naman?" tanong ni shomba

"Chen" sabi niya tapos lumapit sa amin.

"Bitawan nyo na" sabi nung Chen.

Binitawan naman nila yung mga braso ko tapos umalis na.

"thank you pala" sabi ko dun sa Chen.

Nag-smirk lang siya tapos nagtalikod na sa akin. Pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko. Naglinis na lang ako sa classroom nang may napansin akong libro sa sa desk ni Riza. Naka-open yung book tapos may locket sa taas nung book. Binasa ko yung libro at may di akong inaasahan na makikita ko.

Nakita ko ulit siya. Siya. Siya yung pumatay kay kuya Jaymar.

"Galit ka ata dun sa libro" napatingin ako sa likod ko. Nandun ulit yung Chen.

"Anong sinasabi mo?" napatingin ako sa tinuturo niya. Nabitawan ko naman yung page na nacrumple ko tapos tiningnan siya.

"Chen, tayo na lang ang hinintay. Tara na" may nag salita ulit dun sa may pintuan.

"Sige, Lay. Sunod na ako" sabi nung Chen sa Lay ba yun.

"Sabay na tayo" sabi nung Lay tapos lumapit sa amin. Nakatingin siya sa akin. Sa mata ko.

"J-Januaree Le Fuevre?" tanong niya nung Lay nang maka lapit siya sa amin.

"Ummm, O-oo" sagot ko.

"Okay" sabi niya habang patango-tango

"I think we have to go" pahabol na sabi niya tapos umalis na sila.

Bumalik naman yung tingin ko dun sa libro. Nakita ko yung locket. Kay Francheska ito diba? Kakaalis lang niya 5 mins. ago bago mag uwian. Napansin kong magkamukha sila nung babae sa picture. Magkapareha rin sila nung locket kaya kinuha ko yung locket. Ito ata ang pinaka importante na bagay dun sa pumatay kay kuya. Ngayon patas na kami. Umuwi na ako ng bahay tapos dumiretso sa room ko.

Full moon ngayon kaya siguro maglalabasan nanaman yung mga wolves. Tinago ko yung locket ni Francheska. Ano na kayang mangyayari ngayon na nakuha ko yung pinaka importanteng bagay sa kanya. Katulad nang pagkuha niya sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Dito na muna ako sa balcony mag mumuni-muni

Awooooooooooooooo~

Agad ko namang hinawakan yung necklace ko na bigay ni lolo noong mga bata pa lang kami. Sabi kasi ni lolo na mabibigyan daw ito ng proteksyon laban sa mga wolf na yan. Pero ito rin ang dahilan kung bakit namatay sina mama at kuya. Dahil sa necklace na ito hinubad ni kuya yung necklace niya dahil hindi raw gumagana. Yun na yung time na nag away sina ate Deverie at kuya Jaymar. Namiss ko tuloy sina mama, papa, ate at kuya. Kumusta na kaya sila?

GRRRRR~

Tumingin ako sa left ko. may isang lalaking naka itim. red yung eyes niya tapos nakatingin siya sa mata ko. Nawala bigla yung takot na raramdaman ko nung nag pakita siya. Tumayo ako mula sa pag kaka upo ko tapos nilapitan yung taong naka itim. Nakatingin pa rin siya sa mata ko. Nakikita ko yung reflection ko sa mga mata niyang pula. Pero naka up-side-down ang mga reflection. Biglang tumalon mula sa balcony yung naka itim na tao. Tapos nakita ko siyang nag transform into a dog. Hindi basta bastang dog. Malaki siya. Possible bang wolf siya?

Imprint- ito yung tawag kung nakakita ka ng isang lobo na nakatingin sa iyong mga mata ngunit naka up-side-down yung reflection mo sa kanila. Minsan lang ito nangyayari sa wolf at humans dahil para sa kanila special ka para sa isang wolf na naimprintan ka. Once na ma-imprint ka ng isang wolf. forever ka na niyang babantayan at maging isang especial para sa kanya. for short magiging guardian mo siya or saviour for the rest of your life.

-------------------------------------

Please vote and comment :))

Thank you.

EXO are the danger in the midst (tag-lish ver.) The Luna Brooklyn storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon