Prologue

64.6K 1.1K 25
                                    


Malakas ang ulan ng araw na yun.
Pauwi na ko galing sa part time job ko.
Patakbo na sana ako ng may madaanan ako'ng eskinita at may ingay na parang may mga nag aaway.
"Ano yun?
Sumilip ako para tignan at nakita ang isang grupo ng kalalakihan pinagtutulungan ang isang lalake.
Napahawak ako sa bibig ko.
"Naku po!
Duguan ang mukha ng lalake. Puro galos ang katawan nya. Tumigil ang mga lalake sa pagsuntok sa kanya ng bigla itong bumagsak.
"Mukhang tumba na ito! pagkakasabi pa ng isang myembro saka sila umalis.
Agad ako nagtago. At ng makaalis sila. Pinuntahan ko agad ang lalake.
"O-okay kalang ba?
Tanong ko sa kanya habang tinutulungan ko syang makaupo.
Halos puro galos sya. Buti nalang hindi sya namatay. Pumutok ang labi nya at may open wound sya sa kanang parte ng noo.
"Hhuh?
"Wag kana magsalita. Dadalhin kita sa ospital. Pero isasarado muna natin yan mga sugat mo.
Nabitawan ko ang payong ko para buksan ang bag ko at inilabas ang first aid kit. Medyo huminto na rin ang ulan.
"S-sandali..
Hinawakan nya ako sa braso ko.
"Bakit?
"S-salamat..
Napangiti ako sa sinabi nya although hindi ko pa sya talaga natutulungan pero masarap sa pakiramdam makarinig ng ganun.
Nilinis ko ang mga sugat nya. Saka binalutan ang noo nya ng bandage. Tinulungan ko sya makatayo at pumara ng taxi na masasakyan.
Nasa loob kami ng taxi ng marinig ko ulit ang boses nya.
"Here..
Inabot nya sa kamay ko ang isang kwintas.
"A-ano ito?
"Keep it.
"For what?
"If we can meet up again someday. I can recognize you.
Nagulat ako. Pinagmasdan ko ang kwintas na nasa mga kamay ko.
Isa syang silver necklace na may pendant na bird's wings.
"Okay. I'll keep it.

---
Vote please and leave comments!

Don't forget to vote. So I'm aware that you like my story :)
And I'll keep updating!

Ms. Freshman meets Mr.Badboy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon