Chapter 27

19.2K 367 6
                                    




Umuwi ako sa unit na basang basa ako. Wala akong pakealam sa ulan na yan. Halos ang nararamdaman ko ang ay sakit ng panlalait. Hindi nga totoo ang sinabi nila pero masakit dahil wala ako nagaw habang nilalait nila ang pagkatao ko. Hinayaan ko sila na makita akong umiiyak at mahina.

"BABE!

Narinig ko ang boses ni Drei pagkapasok ko ng unit.

"What happen! Bakit basang basa ka?"he said pagkatayo nya.

"Please.. Ayoko muna makipag usap.

"No! Tell me!" pagpupumilit nya sa akin.

Ayoko talaga makipag usap dahil galit pa ako. Pero makulit sya.

"Please just leave me alone DREI!

Nagulat sya. Nakita ko ang ibang aura sa mukha nya.

"Tell me." seryoso na ang tono nya.

"Ikaw ang magsabi sa akin! Na bakit paulit ulit mo akong ginagawang tanga sa pamilya mo!

"What?

"Sabihin mo sa akin Drei! Hanggang kailan mo gagawin to!

"Babe..

"Alam mo ba na nilait lait nila ako. Alam ko hindi totoo ang mga yun pero masakit kasi wala akong alam. Wala ka sinasabi sa akin.

"Did Cheska-

"Yan pinsan mo. Pinagkatiwalaan ko. Isa pa din manloloko. Buong angkan mo ba ganun ang ugali!

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na nakikipagkita kay Cheska?!

"Ako pa? Hindi ba dapat nagkwento ka sa akin ng about sa kanila? Hindi ka man lang naging open sa akin. Edi sana may nagawa ako kanina.

"Cheska and some of my father's relatives.. Hindi sila pabor sa atin.

"I know! Dahil ang mama mo daw at ako ay parehong gold digger.

Nagulat si Drei. Namumuo na ang galit sa mukha nya.

"Fuck them. Pati si Mama hindi pa din nila pinapatahimik!

"Ano pa ba Drei ang hindi ko alam! Ang masakit pa. Pinaniwala mo ako na kaya ko iresolba ang problema ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin na matagal na ako natanggal sa scholarship ko!

"Oh god! Sasabihin ko naman sayo..

"Tama na! Alam mo ba na pakiramdam ko ngayon ginagamit na nga lang talaga kita. At pera lang talaga ang kailangan ko sayo! Nakikitira ako dito sayo at binabayaran mo pa lahat ng gastos ko sa school. Halos ikaw mismo ang nagpamukha sa akin na manggagamit ako at walang pinagkaiba sa mga sinabi ng kamag anak mo!

"Thats not it!! Tigilan mo nga yan! That is nonsense!

"Ikaw ang tumigil. Tigilan na natin to! Wala akong laban sa kanila! Ang ginusto ko lang makapag aral at makatapos para sa pamilya ko. Alam mo yan. Nasaksihan mo ang kung anong meron pamumuhay meron kami. Pero hindi kami mga matapobre.

"Please Babe. Just stop. Hindi ganun ang tingin ko sayo. At ano ba ang mahalaga sayo yun sinabi nila? O yun akin.

"Drei.. Alam mong mahal kita pero sa pagkakataon na to niloko mo din ako. Niloko mo ako ng harap harapan. At parang katulad ka na din nila. Binigyan mo sila ng dahilan para laitin ako. Pinatotohanan mo pa yun.

Bumuhos muli ang luha sa mga mata ko. Hindi na ako makapagpigil. Sobrang sakit na. Hindi na ako makahinga.

"Babe. I love you.

"You dont love me. Because if you do. From the start palang pinagkatiwalaan mo na ako about sa family mo. Hinihintay lang kita magsabi pero ano.. Wala.

Tinalikuran ko sya. Pero he grabbed me.

"Babe! No.

"LET ME GO!

All of a sudden. Kusang gumalaw ang mga palad ko at dumampi sa pisngi nya. Sinampal ko sya. Gusto ko maramdaman nya ang sakit na ginawa ng pamilya nya. Sa buong pagkatao ko. At mas masakit ang ginawa nya. Hindi nga sya nambabae kung ayun pa siguro maiintindihan ko pa. Pero yun maglihim sya ng paulit ulit at pagmukhain akong tanga ng paulit ulit. Ginusto nya na yun.

Hindi ko nakita ang mukha nya matapos ko sya masampal. Umakyat agad ako sa kwarto namin para ayusin na ang mga gamit ko.
Balak ko na talaga umalis.

"Babe.." narinig ko ang boses nya sa pinto ng kwarto.

"Aalis na ako!

Isinisilid ko na sa mga bag ko ang mga gamit ko.

"No please..

He hugged me from behind. Napakahigpit.

"Please Drei. Tama na. Masyado ng maraming hadlang sa atin.

"Hindi mo ba kaya akong ipaglaban?

"Kaya ko. Pero kung pati magulang ko pwedeng madamay hindi ko kakayanin.
Ikaw dapat ang tanungin ko nyan.. Ipaglaban mo naman ako..

Tinanggal ko ang mga kamay nya sa bewang ko. Kinuha ko na ang mga gamit ko at mabilis na umalis.
I know that time.. Umiiyak sya. Ayoko lang na makita pa yun dahil alam ko manghihina nanaman ako.

Walang lingon lingon umalis ako sa unit. Isa lang naisip ko puntahan kundi si Janis. Kailangan ko ng kaibigan masasandalan.

----

"Wait wait lang! Bubuksan ko na!" boses ni Janis habang binubuksan ang pinto.

"Sino yan?

Nagulat si Janis sa bigla kong pagdating.

"Best? Uh-

Hindi na ako nakapagpigil kundi yakapin ang kaibigan ko at umiyak. Hirap na ako magpanggap na hindi nahihirapan. Hirap na ako magmatapang kahit hindi naman.

Buong gabi akong gising. Si Janis lang ang nakikinig sa akin. At hindi ko din alam ang mga susunod kong gagawin. Siguro lilipat nalang ako sa ibang university na mas afford ko. Pagkatapos ng sem na ito. Then kakalimutan ko na lahat ang tanong kaya ko ba?
Kakayanin..

----

Keep reading and please vote :)

Also dont forget to read my work "My Boyfriend is The Professor"

Ms. Freshman meets Mr.Badboy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon