Chapter 30

22.9K 395 8
                                    



2 weeks na simula ng umuwi ako sa amin. Inamin ko na din kina Mama na natanggal ako sa scholarship ko. At lilipat na ako ng school at maghahanap ako ng part time job sa lugar namin at least makatulong ako sa kanila.

Wala na din ako balita kay Drei simula nung huli kaming nagkita nung graduation nya. Tahimik na ang buhay ko. Balik na sa dati.

"Ate!" tawag sa akin ng kapatid ko.

Nasa kusina ako at nagluluto.

"Bakit ba?

"Ate oh. Kamukha nung nasa tv si Kuya Drei.

Nagulat ako. Napatayo agad ako sa kinauupuan ko at lumapit sa tv.

"Hindi naman si Drei yan." sabi ko sa kapatid ko sabay piningot sya.

"Eh sino pala yan?

"Tatay nya.

Nakita ko ang tatay nya na iniinterview sa tv. Naupo ako para sandaling pakinggan yun.

"So Mr. Powell? Ano na po ang mangyayari sa Powell Industries matapos makapagtapos ng nag iisa nyong taga pagmana? " tanong ng reporter habang kaharap si Alex Powell.

"Sa totoo lang.. Ayaw ng anak ko.

Nagulat ako sa narinig ko.

"What do you mean Mr. Powell?

"I've been manipulating my son's life for so many years after mamatay ng Mama nya. At hindi ko napansin na inilalayo ko pala sa kanya ang talagang gusto nya sa buhay.

"And what is it Sir?

"His happiness.. Well. Ang anak ko na mismo ang humiling sa akin na hindi nya matatanggap ang pagmamana sa Powell Industries. At ang sabi nya gusto nya na gumawa ng buhay na sya mismo ang makikilala at hindi dahil ako ang ama nya at sya ay anak ng may ari ng Powell Industries.

"So you mean Sir?

"Isinuko nya na ang lahat. Ang pamana ko sa kanya kahit ang maliit na pera. Binalik nya sa akin. Well. Hindi ko na sya kukulitin pa. He wants to make a life. I let him choose. And he choose his happiness.

"So nasaan na po anak nyo ngayon?

"I don't really know.. He left our house even his unit. He left also his car and all the things na galing sa akin. So wala talaga akong alam kung nasaan sya ngayon..

"Sa tingin nyo po ba Sir? Magtatagumpay si Andrei sa gusto nya?

"Oo naman. I was like him before. Walang pera. Walang puhunan. Lahat naman nagsisimula sa wala. I know magtatagumpay sya sa paraan alam nya. And because he is my son. At panigurado proud ang Mama nya sa kanya.

Hindi ko alam anong reaksyon ang gagawin ko sa mga narinig ko. Nasaan si Drei?

Nasaan sya..

After ko magluto ng tanghalian. Nagbihis na ako para pumasok sa work. Natanggap ako sa isang fast food at dumuduty ako up to morning.

"Aalis na ako. Kumain kana." bilin ko sa kapatid ko pagkalabas ko ng bahay.

Nagbabike lang ako papasok sa work ko. Mas matipid pa kaysa magtrike o magjeep. Halos 1 week na din ako sa work ko.

"Welcome!" bati sa akin ni Aira pagkapasok ko.

Si Aira ay isa sa mga crew na nagtrain sa akin nung bago pa ako.

"Maaga ba ako?

"Hindi naman sakto lang.

Nagbihis na ako sa may locker room namin at lumabas na para makapagstart sa duty.
Araw araw ito na ang work ko. Kaya siguro mabilis na ako nakakarecover dahil busy ako at hindi na ako gaanu nag iisip.

Ms. Freshman meets Mr.Badboy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon