2 weeks na ang nakalipas after ng Freshman Ball. So Finals na.
1 week ang Finals kaya 1 week din kaming nagrereview.Naiisip ko na din ang nalalapit na graduation ni Drei.
Ano kaya pwede ko iregalo sa kanya o congratulation gift?"Best. Ilan subjects nalang ba need natin reviewhin?" tanong sa akin ni Janis na nakaupo sa tabi ko at nagrereview din.
"Mga 5 pa.
"Naku naman. 5 pa. Ang sakit na sa ulo ng 5 subjects another 5 pa.
"After nyan may clearance pa tayo!" said Anica na dala pa ang ilang books na kailangan namin.
Nasa library kami nun. Halos 1 hour na din kami sa loob. Nauubos na din ang laway namin.
Rrrrrriiiinnnggg!
Nagulat ako at biglang tumunog ang phone ko.
Winarningan ako ng Librarian kaya nagdecide ako na lumabas muna."Sagutin ko lang to."sabi ko kina Anica at Janis bago lumabas ng library.
Pagkalabas ko ng library.
"Hello po?
Lia! This is Cheska!
Nagulat ako sa tumawag. Si Ate Cheska yun pinsan ni Drei?
"Ikaw pala yan Ate Cheska? Bakit po?
May konting problema eh.. Si Tito Alex gusto ka nya makausap.
Nagulat ako.
"Bakit daw po?
About kay Drei..
Sa tono palang ni Ate Cheska kinabahan na ako. Ano nanaman ito? Tungkol kay Drei?
Ilan minuto din kaming nag usap. Gusto ng tatay ni Drei na magkita kami sa Avila Hotel around 5PM. May meeting ata sila dun kaya dun nalang nya ako papupuntahin. Medyo hindi maganda ang kutob ko although okay na kami ng tatay ni Drei.
Kapag about sa pamilya nya kinakabahan ako.
Para kasing tutol sila sa amin. Dahil ba mahirap lang kami? At parang langit at lupa ang distansya namin.Natakot akong ipaalam kay Drei kaya hindi ko muna sinabi.
"What time ang uwi natin?" Ask ko kina Anica pagkabalik ko sa loob ng library.
"Mga 4PM daw.
"O sige pala.
Naupo ako. Medyo nadistract ako after ko mareceive ang tawag na yun. Medyo nakakainis lang dahil sa twing okay na kami ni Drei palaging may kasunod na problema. Sana lang hindi malala.
After namin magreview. Pumasok na kami sa next class. Medyo pressure ang Finals namin. Nahihirapan ako magfocus pero hindi pupwede need ko maipasa lahat ng exams ko at nakasalalay pa ang scholarship ko. Isa pa yun.
Naubos ang oras ko sa exams namin. Hindi mawala ang kaba ko habang nakikita ko ang oras at malapit na mag5PM.
Parang gusto ng umatras ng paa ko.----
5PM
Halos kadadating ko lang sa Avila Hotel. Galing pa ako ng school kaya halos nakauniform pa ako. Medyo hagard din.
Pumasok ako sa loob at tinanong sa info desk kung saan ang lugar na sinabi ni Cheska.
Dinala ako ng hotel attendant sa isang pavillion hall."Huh?
Napakadaming tao sa paligid lahat sila naka dress at mga naka formal attire. Parang may kung ano sa loob..
BINABASA MO ANG
Ms. Freshman meets Mr.Badboy ✔
RomanceLianna meets the notorius and most bad guy at their campus Drei.. Naging mas magulo ang freshman years nya sa pag pasok ni Drei sa buhay nya. Pero mas naging makahulugan naman at exciting ito. But.. Hanggang saan sya makakapagtiis? Hanggang saan...