Dahil malapit na ang 1st monthsary namin ni Drei.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko para sa kanya.Konti palang ang alam ko na gusto nya o hilig nya.
Kapag tinanong ko sya kung ano ang hilig nya sasabihin nya.."Syempre ikaw ang hilig ko..
O kaya naman kapag nagtanong ako kung anong gusto nya sasabihin nya.
"Ikaw ang gusto ko.
Medyo nonsense na kahit ulit ulitin ko pa sa kanya yun. Same lang ang isasagot nya. Ako.
"Best. Okay ka lang! Parang ang lalim nyan ha." said Janis habang kumakain kami.
"Wala ako maisip na gawin para kay Drei. Monthsary nanamin sa lunes. Saturday na at wala pa din ako maisip.
"Uhm. Ipagluto mo sya. O bilhan mo sya ng damit.
"Sa dami ng pera nya halos lahat ng damit kaya nyang bilhin.
"Oo nga no. Ipagluto mo.
"Hindi naman ako masyado magaling magluto.
"Ipagbake mo!
Nagulat ako. Pwede din pero di ko pa natry magbake.
"Bake? Ng cake?" tanong ko.
"Cake ba gusto nya?
Naalala ko na mahilig sya sa mga pies. Kaysa cakes.
"Pie ang gusto nya.
"Oh yun! Magbake ka.
"Hindi ako marunong eh.
"May kilala ako. Magpaturo ka.
Magandang idea yun. Magpaturo ako. May halos 2 days pa ako para matuto.
"Sige. Puntahan na natin ngayon na!
Tumayo na agad ako at hinila ko na si Janis kahit di pa sya tapos kumain.
Sinamahan ako ni Janis sa friend ng Papa nya na magbebake ng pies. Meron din syang bakeshop kaya guarantee na magaling sya.
"Ako si Andro. Ako yun assistant baker. So ako nalang magtuturo sayo ng basics ng pagbebake ng pie." sabi ng lalakeng medyo bata pa ang itsura at nakasuot ng white sleeves.
Nagstart kami sa pagtuturo nya sa akin. Medyo mahirap matuto pero keri ko para lang may maibigay ako kay Drei. For sure kung magbigay ng regalo yun mamahalin nanaman. Paano naman ako? Kailangan makabawi ako.
Halos nagkanda paso paso ako sa paghawak ng tray. Nagkapasa sa kamay dahil hindi ko kaya mag masahe ng dough. Higit 4 hours ang naubos ko kakapaturo ng basics.
RRIIIINNNGGG..
Tumunog ang phone ko at nagvibrate. Kinuha ko sya then binasa ang text.
Sms from: Babe Drei
Babe! Where are you? Kanina pa ako naghihintay sa work mo. Asan ka ba!! Halos 2 hours na ako dito.
Hala! Patay! Naghihintay pala sya dun. Hindi ko pwede sabihin na nagpapaturo ako magbake dahil magtatanong yun kung para saan. Saksakan pa naman ng kulit yun.
Nagreply ako.Babe.. Uh. Umuwi kana. Kasi nasa school ako.
Then send. Maya maya nagreply ulit sya.
School? Nanggaling ako dun. Wala na daw kayong klase kanina pang tanghali. So where are you? Tell me!
Naku naman! Paano na to! Nagreply ulit ako.
BINABASA MO ANG
Ms. Freshman meets Mr.Badboy ✔
RomanceLianna meets the notorius and most bad guy at their campus Drei.. Naging mas magulo ang freshman years nya sa pag pasok ni Drei sa buhay nya. Pero mas naging makahulugan naman at exciting ito. But.. Hanggang saan sya makakapagtiis? Hanggang saan...