Chapter 24

18.7K 335 5
                                    



"Huh!

Napatingin sa oras si Drei. Nakaupo sya at nakasandal habang hinihintay ang kape nya.

"8PM na. Start na siguro ng ball?

Napahawak sya sa wrist watch nya. Bumangon sya bahagya sa pagkakasandal nya at bumaling muli sa oras.

"Kamusta naman kaya sya?

Kinuha nya ang phone nya para sana itext si Lia, pero nagbago ang isip nya.

"Hindi naman magrereply yun.

Napahawak sya sa pisngi nya at napa buntong hininga.

RRRRRIIIINNNGGGG!

Biglang tumunog ang telepono na katabi lang nya.
Sinagot nya yun.

"Hello! Sino ito!

May nagsalita sa kabilang linya.

. . . .

"ANO!

Naihampas nya ang kaliwang kamay nya sa desk.
Mabilis nyang binaba ang telepono at kinuha agad ang suit nya na nakasampay lang sa sandalan ng upuan nya. Sabay lumabas ng opisina.

----

"Lia! Dito tayo!

Napalingon ako at nakita ko si Anica na nakakuha na ng table at upuan namin.

Nilapitan namin sya. Pagkatapos namin iabot kay Mam Jessika yun invitation namin.

"Ayos ang party na to!" sabi ni Billy habang inaayos ang mask nya.

Nakamask na kami bago lumabas  ng van pagkadating namin ng school.

So as in wala tuloy kami makilala sa mga  kaklase namin. Maliban nalang kung ipagtanong namin.
Naupo kaming grupo sa mesa na kinuha ni Anica.
Ilang minuto nalang at magsstart na ang ball.

"Uy okay ka lang?" tanong sa akin ni Anica.

"Medyo hindi eh. Kinakabahan ako.

"Wag ka kabahan. Enjoy lang tayo.

Ngumiti ako.

Maya maya narinig ko ang boses ng Dean namin. Nagbigay lang sya ng speech at konting opening remarks. Nagdasal din kami bago magstart. After nun nag announce din sya about sa MR and MS Freshman .
Mananalo kung sino ang mapipili na pinaka attracted sa buong gabi na yun.
Then magkakaroon ng dance numbers sa iba't ibang freshmen group. After nun dinner at start na ng random dance. Pwedeng party dance or sweet.

Bumaba na ang dean sa stage so hudyat na start na ng Ball.
Nagkagulo na kami dahil magsstart na ang dance number.
Although hindi ako kasali nafeel ko yun excitement dahil mapapanood ko yun mga kaibigan ko sumayaw habang naka gown at heels pa.
Natatawa nalang ako.

"Galingan nyo!!" sigaw ko kina Janis ng marinig ko na tinawag sila.

Katabi ko naman si Joseph na hindi rin kasali dahil parehong kaliwa ang paa namin.
Natatawa kaming dalawa sa pinag gagawang katatawanan ni Billy.

3 minutes lang ang sayaw nila pero parang ang tagal. Halos pagod sina Anica dahil hirap din sila at naka heels pa sila.
Bumalik sila sa table namin.

"Grabe ayoko na ulitin yun!" Anica said pagkaupo at hinawakan ang binti.

"Ako din. Sumakit paa ko dun" dugtong pa ni Janis naka sandal ang ulo sa balikat ko.

Ms. Freshman meets Mr.Badboy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon