Chapter 12

23.3K 484 3
                                    


Maaga ako bumangon para magluto ng agahan.

Bago ako bumaba sinilip ko muna si Drei sa kwarto nya at tulog na tulog pa. Nagpunta ako ng kusina at nakita ko si Mama.

"Goodmorning po." bati ko kay Mama habang kumukuha ako ng tasa.

"Ang aga mo gumising..

"Ipagluluto ko sana si Drei ng agahan.

"Ah o sige Anak. Tulungan na kita.

Si Mama ang nagluto at nagprito ng itlog. Ako naman gumawa ng sawsawan na paborito namin ni Llyod. At nagtimpla na din ng kape. Nagluto din si Mama ng sopas.

"Anak- parang anak mayaman si Drei?

Nahinto ako sa paghalo ng kape ko.

"Ah- opo Ma. Anak mayaman nga.

"Tanggap ba nya ang sitwasyon natin.?

"Oo naman po. Gusto nga nyang tumira dito.

Ngumiti si Mama.

"Alam mo pakiramdam ko sa batang yun, mabait syang anak. Magalang syang humarap dito. At sa tono ng pakikipag usap nya sa papa mo. Napansin namin iniingatan ka nya. At gusto nyang makuha ang tiwala namin.

"Ganun po ba.. Hindi ko alam na ganun sya. Pero masaya ako Ma. Okay sya sa inyo.

"Kaya lang Anak. Mag tapos ka muna. Saka na ang kasal.

Nagulat ako.
"Ano ka ba Ma! Wala pang kasal nu.

Natawa si Mama.
"Eh kasi yun ang-

Bago pa maituloy ni Mama ang sasabihin. Nakita ko si Drei pababa ng hagdan.

"Goodmorning.." bati nya.

Naglakad sya papunta sa amin at nagmano sya kay Mama at hinalikan nya ako sa noo.

"Maayos ka ba nakatulog?" tanong ko kaagad pagkaupo nya sa tabi ko at niyakap ako sa beywang ko.

"Yes.. Babe. I want coffee..

"Wait ipagtitimpla kita..

"No need. Kape mo nalang iinumin ko.

Kinuha nya ang tasa ko para inumin ang kape. I smiled at him. He's soooooo cute! Kapag bagong gising.

Matapos namin mag agahan. Nagyaya si Mama sa palengke at sinamahan namin sya para makalibot si Drei.

"Ang daming tao dito.." pansin ni Drei habang naglalakad kami sa palengke.

Pinagtitinginan kami. Wait sya lang pala. Paano naman ang gwapo na then ang hot pa nya sya plain shirt na suot nya. Plain shirt nalang ang suot kung maglaway sa kanya yun mga babae sa kakatingin. Ay grabe!

Leng!!

Nagulat ako sa pamilyar na boses. Nilingon ko kung sino at nakita ko si Jayson.

"Leng!!!
Tumakbo sya papunta sa amin.

"Leng? Lia?" asked agad ni Drei sa akin nakoconfused.

Ms. Freshman meets Mr.Badboy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon