Chapter 14

21.2K 416 5
                                    


One week na ang lumipas since nagstart ang 2nd semester. One week na din ako na wala sa sarili at tuliro.
Nag iisip kung magagalit ba talaga ako o iisipin ko si Drei at yun tiwala ko sa kanya.

"Best. Okay ka lang?" tanong ni Janis habang paupo na sya sa tabi ko.

"Okay lang ako. Masama lang pakiramdam..

"Kamusta na kayo ni Drei?

"Kami? Ahh- okay naman kami. Ganun pa din.

"Buti naman.. Nung huli kita nakitang ganyan eh nung nakapanood ka ng interview ni Drei.

"Ah- Iba ito. Masama talaga pakiramdam ko.

"Gusto mo ba umuwi muna?

Napaisip ako. Halos halfday na din ang ipinasok ko. Pero ang bigat bigat talaga ng katawan ko.

"Sige. Uuwi nalang ako.

"Hatid kana min nila Joseph?

"Hindi na. Malelate kayo sa next subject.

Niyakap ko si Janis at kinuha ko na ang gamit ko.
Nagdecide ako umuwi.
Nakapag isip isip na din ako na mas dapat ko pagkatiwalaan si Drei at hindi ang pinagsasabi ng babaeng yun.
Panira lang sya sa amin..

Nagulat ako ng magvibrate ang phone na nasa bulsa ko. Kinuha ko yun at nakita ko na tumatawag si Drei.
Sinagot ko ang tawag.

"Hello Babe?

"Babe.. I can't come to your house today. I need to run some errands.

"Ah okay lang, Babe! Basta about sa work mo.

Habang kinakausap ko sya sa phone. Nakita ko dumaan sa harapan ko ang isang pamilyar na sasakyan. Huminto ito sa isang restaurant.
Namukaan ko kung sino ang bumaba at si..

"Margaux?

Binaba ko ang phone at pinatay ko ang tawag ni Drei.
Nakita ko si Margaux na papasok sa restaurant. Naisip ko na ito na ang chance para makaganti sa kanya sa paninira nya sa boyfriend ko.

Lumakad ako papunta sa restaurant. Hindi naman ganun kasoay ang restau so pwede ako pumasok.
Nakita ko sya na papalapit sya sa isang table.
Nanlambot nalang ako bigla sa nakita ko..

"D-Drei..

Nakita ko si Drei katable nya. Humalik pa sya sa pisngi ni Drei at umupo silang dalawa.
Halos nanginginig ako sa kinatatayuan ko.
Ano bang nangyayari! Niloko nya ako. Nagsinungaling sya sa akin.

Halos pahakbang na sana ako para lumabas ng restau ng may mabangga ako at nahulog ng waiter ang tray na hawak nya. Naligo ako sa mga wine na naibuhos nya.

"Naku! Mam! Sorry po!

Hindi ako makapagsalita. Napansin ko nalang na nakatayo ang mga tao at nakatingin sa akin.

"L-Lia?

Narinig ko ang boses ni Drei. Tumayo ako sa pagkakaupo ko.
Nakita ko sya nakatingin sa akin at katabi pa nya ang bwisit na Margaux.

"Babe.. What are you doing here?

Hindi na ako makapagtimpi. Sasabog na ako!
Suddenly I just burst.

Nagulat si Margaux sa pagsampal ko kay Drei. Walang sali salita sinampal ko kaagad sya. Halos magulat ang mga tao na nakatingin sa amin.
Pati si Kuya Waiter nahinto sa pagpupunas ng natapon wine sa paa ko.

"Babe..

"Don't call me Babe!" I shouted.

"You don't understand..

"Pwede ba wag na tayo maglokohan Drei! Ayoko na! Hirap na ako paano pa kita paniniwalaan!

"What do you mean..

"Maghiwalay na tayo!

Ayan nasabi ko na talaga. Kahit magsisi pa ako nabitawan ko na yun hindi ko dapat sabihin.
Hindi ko na sya hinintay na magpaliwanag. Lumabas na ako ng restau.
Masakit pa din ang palad ko sa pagkakasampal sa kanya.
Pero mas masakit yun ginawa nya.
Gusto ko nalang umuwi at umiyak magdamag..

Gabi na ako nakauwi ng bahay. Hindi ko namalayan ang oras. Natuyo na ang natapong wine sa damit ko.
At halos hindi pa ako kumakain. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Narinig ko pa na nagring ang phone ko pero tinago ko nalang at expected ko na si Drei ang tumatawag.

Narinig ko ang yabag ng mga paa papunta sa pinto ng apartment ko. Lumabas ako ng kwarto nang maaninag ko na may nagbukas ng pinto.

Shit!

Nakita ko si Drei. Hindi nya ba talaga ako titigilan.

"Babe, let's talk!

Nilapitan nya agad ako at niyakap. Nagpupumilit ako bumitaw sa kanya.

"Bitawan mo ako! Diba sinabi ko na kanina mag break na tayo!!

"No! Hindi ko kaya..

"Hindi mo kaya? Pero ilan beses mo na ako niloloko!

Halos bumuhos na ang mga luha ko. Humigpit ang yakap nya sa akin.

"I know its my fault but you don't understand.

"Tama na Drei.. Nahihirapan na ako.. Ganito nalang lagi.. Wala ako alam. Hindi ko maintindihan. Ano ba ako sa buhay mo?

Bumitaw si Drei sa pagkakayakap sa akin.

"Drei.. Please! Ang gusto ko lang naman walang lihim sa atin pero yun ang ginagawa mo. Ayaw mo ako saktan pero yun ang ginagawa mo..

"I love you-

"Tama na! Ayaw ko na marinig yan..

Nagulat ako.. Nakita ko ang mga patak ng luha galing sa mga mata nya.
Umiiyak sya?

"I'm sorry. I'm such a jerk..

Huling mga sinabi nya bago sya tumalikod at umalis.
Hindi na ako nakapagpigil at umiyak na ako.

"Drei..

Sa loob loob ko mahal ko sya.. Mahal na mahal.. Pero bakit ganun!
Nasasaktan ako. Tapat naman ako sa kanya. Ano ba pagkukulang ko?

O baka hindi nya naman talaga ako minahal?..

----

Keep reading and voting :)

Ms. Freshman meets Mr.Badboy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon