Chapter 18

22.7K 377 2
                                    



Ano!!

Halos di pa din ako makapaniwala sa pinagsasabi ng lalakeng to..

"Bakit? I said your gonna live here with me.

Inulit pa nya.

"Drei.. Sira ka talaga.. Bakit dito ako titira sa unit mo?

"Of course.. You're my girl. Dapat magkasama tayo sa isang bahay lalo na at hindi kita mababantayan sa school.

"Yun lang pwede ka naman magpunta sa bahay..

"I can't. Pagod na ako then pupunta pa ako sa inyo. Wala kana man awa sa akin..

Napaisip ako at oo nga..

"Hmm.. Sige na nga. Ang dami mong katwiran eh.

Niyakap nya ako. Naglalambing nanaman sya.. Ako naman si di makatanggi.. Ano ba yan!

Ng mga sumunod na araw. Wala kaming pasok sa school kaya tinulungan ako nila Janis at Joseph na maglipat ng gamit ko sa unit ni Drei.

"Ayos pala dito!" sabi ni Joseph pagkatapos nya ibaba ang gamit ko.

"Oo nga best. Ang laki ng unit nya. Ang sosyal mo dito..

"Naku di naman! Sya itong makulit ayaw ako tantanan eh.

"Hehe. Ikaw ah.. Baka sunod nyan eh kasal na.." asar ni Janis na naupo naman  sa couch.

"Loka. Wala pa sa isip ko yun o nya. Nag aaral pa ako..

"Malay mo lang naman. Binahay kana nya..

"Ewan ko dun.

"May juice ba kayo dyan!

"Ay oo nga pala. Sorry Joseph!

Nagmadali ako kumuha ng juice sa ref at kumuha na din ako ng mga baso.
Inilapag ko yun sa center table na katapat lang ng couch na inuupuan namin.

"Oo nga pala best.. Graduating na si Drei next year nun..

"Oo nga eh.. Buti pa sya..

"Makakahabol din tayo. Mga 3 years pa ..

"Oo tyaga lang.." singit ni Joseph na umiinom ng juice.

"Saan pala nagtatrabaho si Drei?

"Ang sabi nya sa engineering office ng company nila.

"Ah- Wow..

"Ayusin na natin mga gamit ko kaya..

"Ay oo nga pala!

Binuhat na ulit namin ang gamit ko paakyat ng kwarto ko.

Gabi na ng makauwi sila Janis. At naayos na din namin ang gamit ko. Hindi pa din ako masyado sanay sa malaking bahay I mean sa unit ni Drei.

Naupo ako sa couch sa sala at tumingin sa malaking wallclock sa taas ng tv.

"8pm na.. Anong oras kaya uwi ni Drei?

Humiga ako. Medyo nilalamig ako dahil sa aircon. Hindi ako sanay.
Hindi ko namalayan na nakaidlip ako kakahintay sa kanya.

"Lia-

May narinig ako'ng boses.

"Huh?

Nakita ko si Drei. Ginigising pala nya ako.

"Oh-- Andito kana pala..

Ms. Freshman meets Mr.Badboy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon