Maaga ako nagising para ayusin ang mga gamit ko. Naka empake na lahat ng damit ko.
Matapos ko magluto ng breakfast, naligo na ako at nagbihis.RRRRRRIIIINNNGGG!
Tumutunog ang phone ko. May tumatawag. Sinagot ko kaagad yun.
Hello!
Best! Andyan ka pa?
Si Janis pala.
Oo. Bakit?
Magkita kita naman tayo sa school bago ka bumyahe. Andito na kami nila Anica,Billy at Joseph. Please..
Ngumiti ako.
"Oo sige. Pupunta ako.
Yes! Wait kana namin ha. I love you!
"Oo na sige na. Ingat kayo dyan.
Sandali lang naman ako dadaan dun. Hindi naman makakaapekto sa byahe ko yun.
Pagkaayos ko ng mga natitira ko g gamit. Lumabas na ako dala ang isang maleta at isang bagpack. Nilock ko kaagad ang pinto.
Dumaan na din ako sa landlady para ibalik ang susi at dumiretso na ako sa school.Sumakay ako ng bus at wala pang 30 minutes nasa university na ako.
Nakita ko kaagad sina Janis sa may gate."Janis!" sigaw ko ng makita ko sila.
Tumakbo agad papunta sa akin si Janis at niyakap ako.
"Namiss kita." Janis said habang nakayakap sa akin.
"Iiwan mo na kami hindi ka man lang magpapaalam." said Anica na hawak ang braso ko.
"Pasensya na kayo.
"Mga gamit mo yan?" tanong sa akin ni Joseph.
"Oo eh.
Kami na magbibit bit nyan!
Kinuha ni Billy ang maleta ko.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila habang hatak hatak nila ako.
"Best. Bago ka umalis may dapat ka munang gawin.
Nagulat ako.
"Anong ibig nyong sabihin?
"Graduation nya.
Natigil ako. Maya maya naririnig ko na ang tunog na nanggagaling sa auditorium. Maingay.
"Alam nyo naman na-
"Alam namin nasasaktan ka pa kaya hirap mo syang patawarin. Pero bago ka umalis pag usapan nyo muna para maghihiwalay kayo ng maayos." sabi ni Anica habang nakatingin sa akin.
May punto sya dun.
"Sige. Pero hindi ako magtatagal.
Ngumiti sila. Naglakad kami papunta sa auditorium.
Madaming tao sa loob. Mga magulang, estudyanteng naka toga. Mga teachers, deans at iba pang guests. Halos nasa kalagitnaan na sila ng program.
"Our Summa CumLaude Mr. Christopher Andrei Powell.
Nagpalakpakan at nagsitayuan ang mga tao. Nagulat ako at parang kinabahan ng marinig ko ang pangalan nya.
Nakita ko sya mula sa kinauupuan nya hanggang sa pagtayo at pag akyat nya sa stage. Sinalubong sya ng president ng school at dean.
Lumapit sya sa microphone para magbigay ng speech."Goodmorning everyone! Gusto ko sanang batiin lahat ng mga kapwa ko magtatapos sa araw na ito. At lahat ng mabibigyan ng karangalan. Alam ko na hindi dito nagtatapos ang buhay ko bilang estudyante. Sa totoo lang hindi ako nababagay sa karangalan na ito dahil sa pagkakaalam ko. Wala ako ginawa sa school na ito kundi ang makipag away at mambully. Although matalino ako. Bagsak pa din ako sa character education. Pero nagpapasalamat ako dahil sa huli kong taon dito naituwid ko ang lahat ng pagkakabaluktot ng ugali ko. At hindi dahil sa akin o sa tatay ko. Kundi..
Huminto sya sa pagsasalita. Nagulat ako.
"Sa babaeng mahal ko.. Kagabi pa ako nagdadasal na makita ko sya dito. At sana maalala nya na kailangan ko sya sa araw na ito.. Isa lang ang natutuhan ko habang kasama ko sya. May mga bagay na hindi mo basta basta makukuha, kailangan mong pagsikapan sa sarili mong paraan. Dahil sya, wala syang ginawa kundi magsikap.. but I underestimated her." Dugtong nya at bigla nalang nya pinunasan ang pisngi nya.
Umiiyak sya?
"Ang hirap talaga mag speech. Well. Ang gusto ko lang sabihin. Congratulations sa atin lahat. Well done for now!
Binitawan nya na ang microphone at bumaba sa stage. Natatanaw ko sa kinatatayuan ko ang itsura nya. Kilala ko sya. Umiyak nga sya.
Napahawak ako sa dibdib ko.Pinanood lang namin ang program. Nakita ko sya na sinabitan ng medalya ng tatay nya. Medyo matagal din bago matapos ang program. Kinakabahan na din ako.
Maya maya.
"Best. Kausapin mo na." bulong sa akin ni Janis.
Nakita ko si Drei na umalis sa kinauupuan nya para lumabas. Kaya sumunod na ako. At least magkaron lang kami ng oras ng kaming dalawa lang.
"Sige.
Iniwan ko muna sila Janis pansamantala. Agad na akong sumunod kay Drei.
----
Drei!
Sigaw ko sa kanya habang sinusundan ko sya. Nakalabas na kami ng auditorium.
"DREI!
Nakita ko syang huminto at lumingon sa akin.
"Lia-
Hindi pa ako nakakapagsalita agad nya na akong niyakap.
"I knew it! You still love me..
Hinawakan ko sya sa braso.
"Drei. Aalis na ako.
Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin.
"Uuwi ka sa nyo?
"Oo. Lilipat na din ako ng school.
"Why?
"Madami nang nangyari Drei. Alam mo yan.
"Hindi mo na ba ako mahal?
Nagulat ako. Magsisinungaling nanaman ba ako sa sarili ko..
"Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Mahal at mahal na mahal pa din kita.
"But why are you leaving?
"Kasi I'm in pain. We both are.
"Lia-
"Drei. If tayo. Tayo diba? Napatunayan na natin yan 3 years ago. Nagkita tayo. Hindi na malabo na mangyari ulit yun.
"Babe. I love you!
Hinawakan nya ang mga pisngi ko. Hindi ako makaiwas. Namiss ko yun. Namiss ko ang mga palad nya. Namiss ko ang halik nya ang yakap nya.
"Drei-
He kissed me. Deeply. At halos napayakap ako sa kanya. Our tongues move together na parang namiss din ang isa't isa.
Nacacarried away nanaman ako sa halik nya. Ang sarap! Oo. Ngayon ko lang inamin. Masarap ang halik nya. Sobra!"Babe.
"Drei..
We both catch our breaths matapos namin bumitaw sa halik na yun.
"Thanks for being here.
"Salamat din Drei..
Niyakap ko ulit sya sa huling pagkakataon. At hinalikan nya ako sa noo ko.
Walang paglagyan ang saya ko. Hindi dahil nakapagusap kami pero naayos namin lahat.
Though hindi kami nagkabalikan.
Masaya na ako.-----
Keep reading and please vote guys :)
Last chapter is next. Hope you like it 😏
BINABASA MO ANG
Ms. Freshman meets Mr.Badboy ✔
RomanceLianna meets the notorius and most bad guy at their campus Drei.. Naging mas magulo ang freshman years nya sa pag pasok ni Drei sa buhay nya. Pero mas naging makahulugan naman at exciting ito. But.. Hanggang saan sya makakapagtiis? Hanggang saan...