Chapter 16

20.5K 415 2
                                    


2 weeks na ang nakakalipas simula ng makipagbreak ako kay Drei.

Halos parang akong binibiyak sa twing naalala ko sya. Pero ngayon unti unti na ako nagiging okay.
Mas okay kaysa last week na paiyak iyak pa ako mukha akong tanga.

"Lia! Tignan mo oh, sumali ako ng clubs.

Nagulat ako ng tinawag ako ni Janis. Katatapos lang ng klase namin at breaktime.

"Hmm.. Hindi ba abala yan sa klase natin?

"Hindi nu. Extra curriculars to!

"Sabi mo eh!

"Sali ka din!

Natawa ako.

"May work ako bruha ka.. Hindi ko kakayanin isiksik pa sa schedule ko yan.

Napaisip si Janis.

"Oo nga no. Eh ano pala balak mo sa darating na pasko?

"Pasko agad?

"Oo hehe! Kapag di ka uuwi sa inyo tayo tayo nalang magkakaibigan ang magpasko!

Napangiti ako sa ideya nya.

"Sige gusto ko yan! Ayos din yan.

We both laugh. Medyo nakakatawa na din ako.

Pagkatapos ng breaktime, pumasok na kami sa next class namin.
Halos 3 hours din yun kaya halos bagot na bagot na ako.

After ng klase. Umuwi na din ako kaagad dahil balak ko magreview para sa darating na Midterms.

"Lia!

Napalingon ako sa hindi pamilyar na tinig. Lumingon agad ako kung sino yun..

"Huh?

Nakita ko ang isang lalake. Hindi pamilyar masyado ang mukha nya dahil nakasalamin sya.

"S-sino sila?

"Ohh.. So your Lianna? Right?

"Ahhh- Opo? Sino po ba sila?

"I'm Drei's father..

Nanlaki mata ko sa narinig ko.
Suskopo!

Hindi ako makatanggi sa alok nya na samahan ko sya magkape. Tsk!
Nakakahiya kaharap ko ang tatay ni Drei.

Napunta kami sa isang coffeeshop. Medyo classy at mukhang pang sosyal.
Umorder sya ng kape para sa amin dalawa. Tinanong nya din ako kung may gusto pa ako na kainin pero tumanggi na ako.

Awkward..

"Lianna right?

Nabasag ang katahimikan. Medyo kinakabahan ako.

"Ah opo.. Sir..

"I just- Uhh- I don't know where should I start. Its about Drei.

"Bakit po?

"I know your in a relationship with him.

"Eh naghiwalay na po kami.

"I know.. Its my fault.

Nagulat ako.

"Po?

"Ako ang nagpupumilit na si Margaux ang fiancè nya. Kaya mas lalo syang nagtanim ng galit sa akin. Lalo pa ngayon at naghiwalay kayo ng dahil sa akin.

"Ah- wala po kayo kasalanan dun. Desisyon ko po na makipaghiwalay sa kanya.

"Pero hindi mo naman talaga ginusto yun diba?

Nagulat ako. Oo ba ang isasagot ko? O hindi dapat. Nakamove on na ba ako? Sa tingin ko hindi pa..

"Sorry Lia.. May mga bagay sya na hindi kaya ipaliwanag sayo. I know my son. Hindi sya magaling sa pagpapaliwanag. That's why hindi nya masabi sayo na nag aaway kami dahil sa pakikipagrelasyon nya sayo.

"Naku- wag po kayong magsorry. Wala naman po may kasalanan sa atin. Tsaka kasalanan din po nya hindi nya sinabi sa akin..

"He's scared..

Nagulat ako. Takot?

"Takot po?

"Takot sya na mawala ka sa kanya. Ayaw nya na problemahin mo pa ang mga nangyayari sa kanya na sya mismo hindi nya maresolba ang mga problema nya.

"May mali din naman po ako. Hindi ko muna sya pinakinggan.

"Alam mo ba na matapos nya sumunod sayo sa probinsya nyo kinausap nya ako at ayaw nya na maging tagapagmana ko. Mas pipiliin pa daw nya na maghirap pero masaya sya kaysa sa mayaman nga hawak ko naman daw ang buhay nya.

"Drei..

"Hindi ko hinihingi na makipagbalikan ka sa anak ko. Gusto ko na personal na mag sorry dahil pati damdamin mo at relasyon mo kay Drei ay nasira ko.

"Okay lang po. Naiintindihan ko po kayo. Kayo nalang po ni Drei ang magkasama sa buhay. Kaya naiintindihan ko po na ginagawa nyo ito para sa kanya.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Sa mga nalaman ko..

Kaya lang mababawi ko pa ba? Yun ginawa ko?

Matapos namin mag usap ng tatay ni Drei. Naliwanagan ako sa mga nangyari, isa na dun yun mga pagkikita nila ni Margaux na utos ng tatay nya at yun nakita ko sila sa restau, magkakasundo na pala sila ni Margaux that time na tigilan na ang isa't isa at kakausapin nila ang tatay nya para sabihin na ayaw na ni Margaux na maging hilaw na fiancè nya at kami nalang ni Drei.

Nagsisisi ako..
Sa desisyon ko...

Drei.. Mahal na mahal pa din kita..

Mahal pa din nya kaya ako?


------

Keep reading and vote please :)

Ms. Freshman meets Mr.Badboy ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon