Chapter 8: Sick

39.8K 1K 19
                                    

LEE'S POV

"Stoppp!" sigaw ko.

Omaygad, napa balikwas ako at hinahabol ang hininga ko. Fuck! Binabangungot ako.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" Sigaw sakin ng katulong dito habang kumakatok.

"Leave me alone!" Sigaw ko sa kanya at mabilis kong narinig ang pagbaba nya sa hagdan.

"Hays" napabuntong hininga na lang ako. Tangina bat napaka sama ng panaginip ko? Bat ganun? Bwisit.

Babangon na sana ako pero bigla akong napahawak sa side table para makatayo ako.

"Arrghh" ang sakit ng ulo ko kaya agad akong dumiretso sa cr at naligo.

Paglabas ko nag ayos nako, tinignan ko ang sugat ko sa braso at nakita kong nangingitim ang gilid na part ng braso ko kung saan may sugat.

Puta ano bang lason ang ginamit nila. Kapag napopoison naman ako gumaling din agad ah. Pero bat ito Hindi? Tsk bahala na nga.

Napatingin ako sa orasan at late na late na pala ako. Naka absent nako sa first class.

Lumabas na agad ako at pinaharurot ang Lamborghini ko.

Maya maya pa ay nandito nako sa school, inintay ko lang matapos ang first class ko kaya dun muna ako sa cafeteria para makaka kain.

Habang nag lalakad ako sa gitna ng school ay may mga babaeng humarang sakin, actually apat sila.

Tsk kung pwede lang patayin ko to ngayon ginawa kona kaya lang nasa school nga pala kami.

Pinalibutan nila ako. Fuck ayan na naman ang mga atensyon ng mga tao, nasa sakin na naman. Tangina sabi ko ayoko ng atensyon eh. Wala ako sa mood ngayon at nanggigil ako, ang sama pa ng pakiramdam ko bwisit.

Bigla akong tinulak ng babaeng nasa harap ko pero napa atras lang ako. Fuck yung braso ko nagalaw nya. Shit ang sakit. Kailangan kong maka alis dito.

JIMIN'S POV

Nandito ako sa rooftop ngayon, actually hindi nga ako pumasok ng first class namin.

Hays ang sarap ng hangin dito kaya chill lang ako. Tumayo ako at tumingin sa baba, kitang kita dito ang buong school.

Napa baling ang tingin ko sa gitna ng school medyo ang dami kasing tao at nakita kong si nerd pala ang pinag kakaguluhan don, tsk hahaha buti lang yan sa kanya.

Nakita kong may apat na babae sa paligid nya at itutulak dapat sya nung nasa harap nya pero agad nyang hinila ang kamay nito at ipinulupot tapos susugudin na sya nung tatlo kaya sinubsob nya ang mukha nung babae sa lupa.

The fuck ang dami ng nanonood sa kanila.

Sinugod sya nung pangalawang babae tapos sinipa nya lang at napaluhod na ang babae, yung pangtlong babae naman ay hinawakan nya sa uniform at itinapon sa basurahan. At yung panghuli ay dahan dahang umatras pero hinila pa rin nitong nerd nato yung buhok at inginud ngod din sa lupa.

Nandilim ang paningin ko sa kanya kaya agad akong pumunta sa baba para hanapin sya. Patay ka sakin.

Pagkababa ko nakita ko agad sya kaya hinila ko ang braso nya.

"Sinong nag sabi sayo na pwede kang manakit ng students dito ha!?" Sigaw ko sa kanya, pero hinila nya lang ang braso nya at tinignan lang ako.

Aba hudas talaga tong nerd nato! Tinalikuran nya lang ako at naglakad palayo. Tangina first time ko na may gumawa sakin ng ganto, kaya agad ko syang hinila at tinulak ko ng malakas. Nagulat ako sa ginawa ko, babae pa rin sya, dapat hindi ko yun ginawa.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon