LEE'S POV
Pag tapos ng date namin kahapon ni Jimin, sa condo na ko dumiretso at hindi sa bahay.
In fact wala naman talagang susundo sakin eh, pero okay lang. I can manage myself.
Anyway, maaga ang class namin ngayon pero hindi na lang muna ako papasok. May importanteng lakad kasi ako ngayon.
*FLASHBACK*
Pagka pasok ko sa condo ko, agad na nag ring ang phone ko. Tinignan ko sa screen kung sino ang tumatawag pero unregistered number lang.
"Excuse me?" Sabi ng lalaki sa kabilang linya. Parang pang mature na yung boses nya kaya nacurious ako kung sino ba sya.
But then, nanatili lang akong tahimik at nag iintay sa susunod nyang sasabihin.
"Hmm, Ikaw ba si Sharlene Montiveros?" Tanong nya ulit. But this time, nag salita nako.
"Anong kailangan mo?"
"S-Sharlene?"
"Wala akong panahong mag aksaya ng oras"
"Sorry. Mag kita tayo bukas please"
"okay"
"isesend ko na lang sayo kung saan. Please aasahan kita" pagka sabi nya non ay agad nya kong binabaan.
Hindi ko alam pero, parang hindi ako natatakot sa kanya although wala naman talaga akong kinatatakutan.
Maya maya ay nareceived kona yung text nya. Weird nga eh, kasi sa restaurant nya gustong makipag kita. Samantalang, kadalasan sa mga tumatawag sakin, ang gusto ay sa bodega. Something like that.
*END OF FLASHBACK*
Nag ready nako. Actually naka nerdy look ako ngayon, kelangan ko kasing mag manman at mag ingat.
Sumakay nako sa kotse ko at pinaharurot ito papunta sa meeting place namin.
(Fast forward)
Pagka pasok ko sa restaurant, inayos ko muna ang salamin ko at tumingin sa paligid.
Sa di kalayuan, nakita ko ang isang imahe.
Imaheng nagpa bilis ng tibok ng puso ko. Imaheng matagal ko ng hinahanap. Ang imahe ng aking tunay na ama.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, parang gusto kong umiyak sa sobrang saya.
Agad ko syang nilapitan at umupo sa harapan nya. Nagulat pa nga sya dahil sa itsura ko.
"D-Dad?" Mautal utal kong sabi sa kanya. Tinanggal ko ang salamin ko at kasabay naman non ang pag bagsak ng mga luha ko.
Nakita kong naluluha na rin ang mga mata nya.
Thanks God! Buhay sya. Salamat talaga. Sobrang saya ko.
"Sharlene I'm sorry" naka yukong sagot ng daddy ko sakin.
Hinawakan ko ang pisngi nya at niyakap sya ng mahigpit.
Humagulgol na rin ako ng iyak. Fuck hindi ko kayang icontrol yung nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko.
"D-daddy bat n-ngayon ka lang?" Pinunasan nya ang pisngi ko at ngumiti.
"Sorry anak. Promise, babawiin kita at poprotektahan sa kanila anak."
"Pero dad, baka mapahamak ka"
"mas okay ng ako yung mapahamak, wag lang ikaw anak"
"kaya ko naman po ang sarili ko"
"Alam ko, pero anak hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo"
"thank you dad"
"naitago mo ba?"
"Alin? Yung bato na ibinigay nyo sakin nung bata pa ako?"
"Oo anak"
"Eto dad. Iningatan ko ang pendant nato"
"Mabuti naman. Makinig ka anak, walang dapat maka alam na nag kita na tayo. Naiintindihan mo?"
"Alam ko yun dad"
"ngayon na mag sisimula ang laban, gagantihan natin silang lahat"
"pero dad, pwede namang lumayo na lang tayo at magsama habang buhay"
"anak hindi pwede. Wag mong takasan ang mga problema mo, sa halip ay harapin at tapusin mo ito. At ganon ang gagawin natin"
"Sige kung yan ang gusto nyo" pagka sabi ko non ay agad naman akong niyakap ng mahigpit ni Daddy. Shit miss na miss ko sya.
Alam kong sya ang tunay kong ama dahil nakita at nabasa ko ang tungkol sa kanya dun sa maliit na folder na nakuha ko sa kwarto nila Regine. At Hindi ko sila mapapatawad sa kahayupang ginawa nila sa mommy ko.
Naka lagay lahat don ang mga kahayupan nilang lahat. And yes, pinatay nila ang mommy ko dahil lang sa putanginang negosyo, nagawa nilang pumatay.
At Ang school ko! Pinatayo at pinundar yun nila mom and dad pero ninakaw nila. Kaya naging sila ang may ari nun kahit hindi naman talaga.
Kaya nga Sheen Academy ang name ng school na yun dahil pinangalan sakin nila mom yon. Sharlene! Pinaikli lang nila kaya naging Sheen.
Mga gahaman sila sa pera at kayamanan. Wala silang kwenta!
At ang daddy ko, Wala syang choice kundi ang mag tago dahil nabaon sya sa utang kasi siniraan sya ni Julian sa mga kanegosyo nya.
At ngayong nandito na si dad. Hindi ko hahayaang masaktan pa sya. Ipaghihiganti ko sila ni mom sa lahat ng mga taong nanakit sa kanila.
Let the Battle begin!
BINABASA MO ANG
The Nerd Queen
Fanfic[COMPLETED] Lee is not an ordinary nerd. Maybe she's hiding something. She's really dangerous but no one knows who really she is that's why everybody is messing up with her. But once you messed up with her, be ware because your death is coming or sh...
