JIMIN'S POV
Nandito kami ngayon ni Lee sa Headquarters ng BTS. Actually sya ang kauna-unahang babaeng naka pasok dito sa loob. Kahit si Zalora ay hindi pa nakaka pasok dito.
Rule kasi namin yun eh, na bawal mag pagpapasok ng babae dito. Pero pinapasok ko si Lee. Hindi ko alam kung bakit. Basta gusto kong maka pasok na sya dito.
Pagpasok namin ay nag lakad si Lee papunta sa sofa at umupo.
Anyway, agad naman akong pumasok sa kwarto at kumuha ng first aid kit. May isang kwarto kasi dito tas malaki sya. Kaya kasyang kasya kaming pito.
Pumunta nako sa Sala at tumabi sa kanya. Tinanggal nya ulit ang salamin nya at pinatong sa may table.
"Akin na gagamutin ko" sabi ko sa kanya habang naka ngiti.
Ewan koba, feeling ko pag sya yung kaharap ko gusto ko lagi akong naka smile. Tsaka parang ang bait ko pag dating sa kanya. Eh halos dati binubully ko lang sya.
Tinignan nya lang ako bago nag salita.
"No need" cold nyang sagot.
"Hindi pwede, kailangan nating gamutin yan"
"concern ka ba talaga?" Napa tigil naman ako sa tanong nya. Tinitigan ko ang mga mata nya at ganun din ang ginawa nya. Nag titigan kami.
Oo nga, concern ba talaga ako?
"Oo" sagot ko sa kanya habang naka tingin sa mga mata nya.
"Bakit?"
"Dahil nag aalala ako" sabi ko sa kanya. Bigla naman nyang hinawakan ang mga kamay ko.
Shit feeling ko may kuryente na dumaloy sa katawan ko. Letche sa tuwing hinahawakan nya ko lagi akong nakaka ramdam ng ganito. Tsk, baka may sakit ako?
"Hindi ko kailangan ng pag aalala mo. Kaya ko ang sarili ko at okay lang sakin kung binubully ako sa harap ng maraming tao. Kung gusto mo kong tulungan pwes layuan mo na na lang ako." halos manigas ako sa kinauupuan ko.
Binitawan na nya ang kamay ko at pisngi ko naman ang hinawakan nya.
Nagulat ako dahil hinalikan na naman nya ko pero smack lang tapos umalis na sya.
Naiwan akong naka tunganga habang naka upo. Pinipilit kong mag sink-in sa utak ko yung mga sinabi nya.
Hindi ako maka paniwala. Napansin kona lang na tumutulo na ang luha ko. Fuck umiiyak na naman ba ko? Huling beses na umiyak ako ay yung time na nakipag break ako kay Zalora pero ngayon nagawa akong paiyakin ni Lee.
Si Lee ay nagawang paiyakin ang isang Park Jimin? Tangina bat parang hindi ako maka hinga? Ang sakit ng puso ko letche. Nasaktan ako sa sinabi nya. Layuan? Bakit ko sya lalayuan? Dahil ba sakin kaya sya binubully? Ako ba ang may kasalanan?
Pero Ayoko! Ayoko syang layuan dahil mahal ko na sya. Alam kong mahirap paniwalaan na ang isang playboy ay maiinlove sa isang nerd. Pero shit naman, bat nya ko pinapalayo sa kanya? May nagawa ba kong mali.
Napa tingin ako sa table at nakita ko ang salamin nya kaya agad kong pinunas ang luha ko at lumabas.
Pag labas ko, halos mandilim ang paningin ko dahil kausap na naman ni V si Lee at tawa pa ng tawa si V habang hinahawakan yung cheeks ni Lee, mukhang chinicheck nya yung sugat sa cheeks ni Lee tsk.
Hindi ko pinansin ang galit na nararamdaman ko at dumiretso lang ako kay Lee.
"Sharlene!" Sigaw ko sa kanya at napa tingin naman agad sya. Pati si V ay napa tingin din. Blangko lang ang expression nya samantalang si V naman ay onti onting nabura ang ngiti sa labi.
"Naiwan mo yung salamin mo sa HQ eh" sabi ko sa kanya habang naka ngiti ng nakaka loko.
Nakita kong nanlaki ang mga mata ni V tapos si Lee ay wala pa ring pag babago ang expression.
"I-ibig s-sabihin, naka p-pasok ka sa loob?" Nauutal na tanong ni V kay Lee pero tinignan lang sya ni Lee at tumango.
Itinapon nya ang tingin nya sakin.
"Jimin, akala ko ba bawal?" Tsk, nginisian ko lang sya.
"Gusto ko eh" naka ngisi kong sagot sa kanya. Napansin kong naiinis na sya sakin.
Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Lee ang kamay ko. Napa ngiti ako pero agad ding nawala ang ngiti sa labi ko dahil kukunin nya lang pala yung salamin nya at nag lakad na palayo.
Napa tingin ako Kay V at nakita kong naka ngisi sya. The fuck.
"Tsk, Sige Min una nako!" Sabi nya sakin at umalis na rin.
Naiwan akong mukhang talunan at mukhang nalugi. Letche. Umiinit tuloy ang dugo ko kay V.
May klase pa pero umalis nako. Pumunta ako sa parking lot at pinaharurot ang Ferrari ko. Tsk, aabsent na lang ako.
BINABASA MO ANG
The Nerd Queen
Fanfiction[COMPLETED] Lee is not an ordinary nerd. Maybe she's hiding something. She's really dangerous but no one knows who really she is that's why everybody is messing up with her. But once you messed up with her, be ware because your death is coming or sh...