Chapter 20: Underground Battle

37.8K 929 9
                                    

LEE'S POV

Maaga akong nagising at ginawa ko na ang morning rituals ko.

Habang nag aayos ako ng gamit ay biglang ng ring ang phone ko at nakita ko sa screen na si Butler Rohan pala ang tumatawag kaya nag taka naman ako. Isa pa tong taksil nato eh.

Sinagot ko na lang ang phone ko kasi kailangan mag panggap ako na walang alam sa mga pinaplano nila.

"Yes?" I said calmly.

"Q-queen, hmm may underground battle kasi na magaganap sa battle world, kaya baka gusto mo sumama?"  

"May pasok ako"   

"ah, sige next time na lang"   

"pero wala akong sinabing hindi ako pupunta"   

"t-talaga? So makakasama ka?"   

"What time?"   

"Mamaya pa namang 7:30 pm"   

"I'll go ahead" at agad ko ng binaba ang phone ko. Napa tingin ako sa wrist watch ko at nakita kong 7:21 am pa lang. So may oras pako para umattend sa class ko.

Bumaba nako at kumain. "Hmm" ang sarap talaga lumamon ng lumamon. Halos ang dami ko ng nakain pero feeling ko hindi pako busog. Nakaka ilang damak na rin ako ng rice tapos mauubos kona rin yung fried chicken. Shit ang sarap talaga. Tapos may spaghetti pa. Ugh, busog na busog ako nito. Bat kaya ganto? Sa tuwing may laban ako feeling ko nagiging patay gutom ako? Tsk, bahala na nga.

Habang kumakain ako ay narinig kong may baba ng hagdan at sila Regine yun. Tsk, badtrip, nawalan na tuloy ako ng gana kumain.

From now on, hinding hindi ko na rin tatawaging mom and dad sila Regine at Julian sa isip ko dahil sa mga nabasa, nalaman at nakita ko kagabi dun sa folder. Hayop sila. In fact mas masahol pa ata sila sa hayop.

Pag tingin ko ay nasa harapan kona sila at kiniss nila ako sa cheeks. Nararamdaman ko rin na halos bumaon na yung fork sa buto ng chicken na kinakain ko dahil sa galit ko. Gusto ko silang saksakin, pero hindi pa pwede ngayon. May tamang panahon para sa kanila.

Napa tingin ako sa kanilang dalawa na ngayon ay nasa harapan kona habang naka ngiti at kumakain din.

Tangina lalo akong nawalan ng gana kumain, kaya ibinagsak kona ang spoon at fork na hawak ko. Tutal marami na rin naman akong nakain kaya okay na yun.

Tumingin sila sakin, "anak are you okay?" Nag aalalang tanong sakin ni Regine.

Tsk, napaka plastik! Bwisit. But then, I still flashed my sweetest smile.

"I'm perfectly fine"   

"are you sure?" Sabi sakin ni Julian. Tsk, sure shurin mo yang mukha mo! Hindi kona kayang makipag gaguhan sa kanila kaya tumayo nako.

"Malalate na po ako" I said calmly, tsk pasalamat sila dahil ginagalang ko pa rin sila.

Paakyat na sana ako sa kwarto para kunin ang gamit ko ng biglang mag salita si Julian.

"Sharlene, did you entered our room?   

"Of course not. Why would I?"   

"Ah, are you sure baby?" Biglang tumayo si Julian at hinarap ako. Tsk, hindi ako matatakot sayo hangal! Hinarap ko rin sya.

"Dad, pinag bibintangan nyo ba ko na pumasok sa kwarto nyo? Diba sabi nyo sakin ay hindi ako pwede don? So why would I?" Matapang kong sagot sa kanya at nag panggap pa ko na naiiyak na. Tsk, sobrang galing ko kayang umarte. Yumuko pako para kunyari ay nalungkot talaga ako.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon