LEE'S POV
Nasa bayan na kami at hindi naman nagka mali ang mama ni Janna, dahil pag dating namin ay naka abang doon ang BangTan at mga rescuer, nakita ko rin sila Rena, Angela at Pauline na nag iintay.
Pagka hatid samin ni Janna ay umalis na rin agad sya.
Hindi ako naka pang disguise ngayon kaya delikado kapag may naka kita sa akin. Buti na lang ay natanaw ako ni Rena dahil sobrang linaw ng mata non kahit nag tatago kami sa may gilid.
Nakita kong may kinuha sya sa loob ng bus, at bag ko yun. Tama, may nilagay nga pala akong mga cosmetics at kung anu-ano pa sa bag ko, para incase of emergency pero onti lang din yun.
Pag baba nya ay may binulong sya kila Angela at Pauline.
Actually kasama ko pa rin si Jimin ngayon, at kahit gusto na nyang pumunta sa BangTan ay mas pinili nyang mag stay sa tabi ko.Maya maya ay nagulat sya kasi nakita nya sila Rena na palapit samin.
"Don't worry, friend ko Sila" sabi ko sa kanya, then I flashed a smile kaya naman Napa ngiti na rin sya.
"Bilisan mo, hindi ka nila pwedeng makita" nag aalalang utos sakin ni Rena, kaya agad kong kinuha ang bag ko at naglagay ng cosmetics sa katawan ko habang tinutulungan ako ni Rena na ayusin ang extra wig ko. Tapos si Angela at Pauline naman ay nagmamanman sa paligid kung may tao, at etong si Jimin naman ay pinapanood lang ako. Parang hangang hanga nga sya eh.
Hindi naman nag tagal ang pag aayos ko kaya nag ready na kami. Bumalik na rin sila Rena kasi ang paalam lang nila sa teacher ay mag ccr sila, kaya baka mag taka sila kapag nag tagal pa sila Rena dito.
Habang inaayos ko ang sarili ko ay napa tingin ako kay Jimin at ganun din sya.
"Wow" sabi nya sakin kaya napa ngiti naman ako.
"Tsk, tara na nga" sabi ko sa kanya.
"Ang galing, Ikaw na ulit si nerd" sabi nya sakin na parang manghang mangha. But I just glared at him.
"Joke lang, haha ang ganda ganda mo kaya. Yieeee haha" pang tutukso nya sakin kaya natawa naman ako.
"Tsk, baliw ka" sabi ko sa kanya habang naka ngisi.
Iniwan ko na lang sya don at nag lakad papunta sa bus, pero agad naman syang sumunod sakin.Palapit na kami kaya agad kaming sinalubong ng mga teacher, rescuer at syempre ang BangTan.
"Fuck bro, you okay?" Nag aalalang tanong ni Jungkook kay Jimin.
"Yah, don't worry oppa" pabirong sagot naman ni Jimin kaya binatukan sya ni Jungkook.
"Ulol. Anyway, si nerd pala ang kasama mo huh"
"yah, why?"
"Nothing"
Naka yuko lang ako at nilapitan na rin ako nila Rena, nag panggap pa nga sila na kunyaring nag aalala, kailangan kasi namin yun para hindi kami mahalata na nag kita na kami kanina.
"Omaygad, okay ka lang ba?" Sabi ni Angela kaya natawa naman ako ng palihim.
Puta ang galing umacting ah.
"Shemay! I'm sorry Lee. Dapat hindi kita iniwan, I'm sorry" sabi naman ni Rena habang naka yuko at hawak hawak pa ang kamay ko.
Tsk, mas magaling to umarte.
"Let's go. Mag ayos kana, baka hindi kapa nakain" sabi naman ni Pauline habang sinusuklay suklay ang buhok ko gamit ang kamay nya kaya tumango naman ako at naglakad na papasok sa bus namin.
BINABASA MO ANG
The Nerd Queen
Fanfiction[COMPLETED] Lee is not an ordinary nerd. Maybe she's hiding something. She's really dangerous but no one knows who really she is that's why everybody is messing up with her. But once you messed up with her, be ware because your death is coming or sh...