Chapter 39: The Finale

33.6K 1.1K 31
                                    

LEE'S POV

One week na since nung napatay ko sila Zalora. As always, hindi ako pumasok sa school at hindi rin ako nag pakita sa kahit sino except kay dad.

Dahil sanay na rin ako sa mga natamo kong sugat, madali ding humilam ang mga ito.

Nag aalala na rin si Jimin sakin, pero hindi ko lang sya pinansin. Gusto ko munang magpalamig at mag pahinga. Minsan na nga lang din sya magparamdam sakin, in fact hindi ko talaga alam kung ano bang nangyayari sa kanya.

Anyway Monday ngayon at may klase kami, hindi ko alam kung papasok ako o hindi.

Pero habang kumakain ako kanina, tinawagan ako ni Rena. Sabi nya may emergency daw tas kelangan ko na daw pumasok. Kaya lang tinatamad pa rin kasi ako. Pero papasok na lang ako.

(Fast forward)

Nandito na ko ngayon sa parking lot ng school. Tsaka yung Bugatti kona lang din yung ginamit ko.

Habang nag lalakad ako papuntang room halos lahat sila ay naka tingin sakin.

Ang weird nga eh, kasi lahat sila ay naka ngiti na parang baliw tas mukha silang excited na ewan, in short mukhang ulol.

Maya maya ay may nag salita sa speaker kaya lahat ng student's ay tumigil sa ginagawa nila at nakinig.

"All students of BangTan Academy, please proceed to BangTan Field. Thank you" sabi ng speaker.

Agad na nag punta ang mga student's sa field kaya sumunod na rin ako dun.

Tsk, ano na naman bang kadramahan ang nangyayari dito.

Pagka rating ko sa field, nagtaka ako dahil walang katao-tao. Tangina sabi sa Field daw, eh nasan sila? letche.

Naglakad ako papunta sa gitna at nag tingin tingin sa paligid ko.

Maya maya, padami na ng padami ang mga student's. Yung tipong lahat sila ay naka palibot sa sobrang laki ng field. Bale napapalibutan nila akong lahat pero malayo sila sakin, kasi nasa gitna ako. Sobrang laki kasi nitong Field.

Mas nakaka gulat pa kasi lahat sila ay may dalang balloons na iba't ibang color pero karamihan ay red and white.

Halos lahat sila ay naka tingin sakin at naka ngiti. Parang lahat sila ay magkaka sabwat at pinagkaka-isahan ako. Pero iba yung nefefeel ko na mangyayari eh.

Sinubukan kong tanawin sila Rena at Jelay sa mga student's na nandito, kaya lang wala sila. Hindi ko sila makita.

Nagulat na lang ako dahil biglang may helicopter sa taas na lumilipad habang may malaking banner pa na naka sabit.

At ang mas ikinagulat ko pa ay yung banner na sobrang laki ay may malaki kong picture. Tas may picture din ng BTS.

"What the fuck is happening" tanong ko sa sarili ko.

Hala halos malaglag na ang panga ko dahil sa nangyayari dito. Ano ba to? Surprise?

Biglang mas lumaki pa yung banner na naka sabit sa helicopter at may lumabas na "WELCOME BACK SHARLENE! I MISS YOU SO MUCH!"

Dahan dahang bumaba ang helicopter sa harap ko, pero syempre malayo sakin.

Pagkababa nito, nagulat din ako dahil lumabas galing sa loob ang BTS.

Unang lumabas ay si Namjoon, sunod si Jin, Sunod si Yoongi, sunod si Hoseok, sunod si Jungkook tas si Taehyung.

Lahat sila ay naka ngiti sakin except lang kay Taehyung. Although nag smile din sya sakin pero iba yung ngiti nya eh, parang nasasaktan sya na nalulungkot pero pinipilit nyang ngumiti.

Napangiti na lang ako sa kanila dahil lahat din sila ay may dalang balloon. Pero agad ding napawi yung ngiti ko kasi umalis na yung helicopter pero wala si Jimin. Hindi ko sya nakita.

Pasimple akong napayuko at nag buntong hininga. So eto ba yung sinasabi nilang emergency? Hays.

Pero maya maya ay biglang tumunog yung speaker dito sa field at may nag salita.

"Sorry kasi matagal akong nawala" shit. Yung boses na yun. Agad kong naitingala ang ulo ko.

Naramdaman kong may nag lalakad sa likod ko at papalapit sakin.

"Sorry kasi hindi nako nag paparamdam sayo. Pero may rason naman lahat ng yun eh" dagdag nya pa.

Binalot ng katahimikan ang buong Field at halos lahat sila ay naka ngiting naka tingin samin. Parang lahat sila ay kilig na kilig. Parang wala din akong nakikitang bashers dito. Although nakita ko yung nambabash sakin dati pero ngayon lahat sila ay naka ngiti sakin.

Naka microphone pa si Jimin ng biglang tumunog yung kanta nila na "Beautiful". Shit kahit luma na yung MV nila na yun, ang ganda pa rin.

"You're beautiful cham gwaenchanchi anni uri dul maennal ireoke ddo sangsang-eul hae you be with me, with me yeah" kinanta ni Jimin yung chorus nung song nila which is part nya.

Lumipat sya sa harapan ko habang naka ngiti. At Nag titigan kaming dalawa.

In fact kahit lagi akong naka fierce, hindi ko maiwasang hindi ngumiti dahil sa ginagawa nya ngayon.

Hinawakan nya ang isa kong kamay at kinanta nya ulit yung second verse ng chorus but this time kasabay na nya kumanta sila Jungkook tapos yung mga student's ay nag sipagkantahan na rin.

"You're beautiful hamggemyeon eoddeolji uri dul maennal ireoke ddo sangsang-eul hae you be with me, with me yeah yeah."

Fuck hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko basta ang malinaw lang sakin ay masaya ako tsaka parang may mga butterflies sa tummy ko shit. Kinikilig ako bwisit. Feeling ko namumula nako.

Pero sino ba naman kasing hindi kikiligin eh isang Park Jimin ba naman yung nasa harapan ko at hawak hawak ang kamay ko habang kinakantahan pa ako sa harap ng maraming tao. Ang bongga diba?

Maygad sobrang saya ko talaga. Sobrang kinikilig ako sa kanya. Sa bawat ngiti nya, sa bawat tingin nya, sa bawat pagkanta nya, sa bawat pag dampi ng balat nya sa balat ko. Sobrang lakas ng impact sakin.

Maya maya ay nag liparan na ang mga balloons na hawak ng mga student's at kasabay non ang pag hila sakin ni Jimin kaya bigla akong napasubsob sa kanya.

Rinig na rinig ko ang malakas na heartbeat nya. Niyakap nya ko ng mahigpit kaya niyakap ko rin sya ng mahigpit. Kasabay non ang palakpakan ng mga student's at tilian, grabe sobrang ingay. Pero okay lang, sobrang kinikilig din kasi talaga ako.

(A/N: mga bes hanggang dito na lang muna! Putcha kinikilig ako kay Lee at Jimin hahaha naiimagine ko talaga eh. Anyway next chapter na po yung ending nito but don't worry guys kasi maglalagay ako ng special chapters para hindi po bitin ang story ko. By the way, don't forget to vote. Suportahan nyo po sana. Maraming salamat.)

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon