RENA'S POV
*FLASHBACK*
"Baby halika kiss mo nga ako" sigaw sakin ni Jungkook habang nag hahabulan kami sa park.
Kinilig naman ako sa sinabi nya kaya ayun hinalikan ko sya sa cheeks tapos nag hug pa kami ng mahigpit.
"Oppa! Ibaba moko!" sigaw ko sa kanya habang nag pupumilit na bumaba, pano kasi bigla nya kong binuhat ng pang bridal style.
Pero tinawanan nya lang ako tas ayun pina ikot ikot nya ko hanggang sa mahilo sya, at dahil don nalaglag ako letche.
Ang sakit tuloy ng balakang ko, buti na lang may damo. At itong walang hiyang to, tinawanan lang ako ng tinawanan samantalang kasalanan nya kung bat ako nahulog.
Nainis ako kaya kunyare inirapan ko sya tapos akmang tumayo ako at aalis na pero agad nyang hinigit ang bewang ko at niyakap ako mula sa likod.
Maygad feeling ko namumula ako. Ang sarap sa feeling na niyayakap ka ng taong mahal mo.
Habang yakap yakap nya ko, sabay naming pinanood ang pagbaba ng araw. Hays napaka ganda, sana ganto na lang lagi.
Actually Jungkook is not my first boyfriend, but I hope he will be the last. Sana sya na yung makasama ko habang buhay, sana maka graduate kami pareho, sana loyal kami sa isa't isa forever, sana magkaron kami ng masaya at maayos na family at sana lahat ng ito ay maging totoo. Kasi bilang isang girlfriend, sino ba namang hindi matatakot o mag aalala sa boyfriend niya, baka mamaya maagaw pa sya ng iba sakin.
Kasi hindi naman maipapag kaila na si Jungkook ay napaka gwapo, ang puti, ang cute pa, napaka talented, super famous, K-pop pa sya. Tapos ang bait bait nya rin at richkid pa. Kaya halos lahat ng kababaihan sa school namin or kahit saan ay naiinlove sa kanya, pero diko naman sila masisi. Anyway sorry na lang sila kasi akin na sya whaaaa kinikilig ako shems.
Umabot ng 9 months ang relationship namin ni Jungkook. Hindi sya nag sawang patawanin ako, bigyan ako ng chocolates and flowers, tapos hindi sya nauubusan ng surprise especially pag monthsary namin. May time pa nga na, yung monthsary namin ay parang kasalan na dahil sa sobrang effort nya.
Pinag hihirapan nya talaga lahat lahat basta para sakin. Kaya sobrang swerte ko kasi nakilala ko sya, halos dati mung bata pako idol na idol ko lang sya pero ngayon boyfriend kona sya. Whaaaaaa kinikilig talaga ako kingina.
Mahal na mahal ko si Jungkook at ayoko na syang pakawalan, ayoko ng malayo sa kanya at alam ko rin naman na mahal na mahal nya rin ako. Nag mamahalan kami ng totoo at sapat na sakin yun para maging masaya kami habang buhay.
Pero sa isang iglap biglang nag bago ang lahat. Hindi na sya ang Jungkook na nakilala ko. Hindi na sya mabait katulad ng dati. Playboy na sya, halos lahat na ng babae ay nilalandi nya, minsan ay hinahalikan nya pa, partida bf kopa sya nun ha.
Hindi pa kami nag bebreak pero grabe sya kung manloko sakin. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya, pinipilit ko syang tanungin at kausapin pero parang nasapian sya ng demonyo. Lagi nya nakong dinidedma tapos binabalewala. Madalas nya na rin akong inaaway kahit nilalambing ko lang naman sya. May time pa nga na pinahiya nya ko sa harap ng maraming tao sa school namin.
Sobrang sakit, hindi ko alam kung bat bigla syang naging ganun. Naging gago na sya, naging bully, womanizer, basagulero, mayabang halos lahat na ng negatives na ugali nasa kanya na. Kahit umiiyak nako sa harapan nya, nginingisian nya na lang ako di tulad ng dati na gagawin nya lahat basta mapatawad ko lang sya.
Ang sakit isipin na sa isang iglap nawala na yung gintong pagmamahalan namin na pinanghawakan ko. Akala ko pang lifetime nato eh, or kaya forever. Pero akala ko lang pala. Maling akala lang ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Nerd Queen
Fanfiction[COMPLETED] Lee is not an ordinary nerd. Maybe she's hiding something. She's really dangerous but no one knows who really she is that's why everybody is messing up with her. But once you messed up with her, be ware because your death is coming or sh...