LEE'S POV
Pag gising ko, naligo na agad ako at inayos ang sarili ko. Tinanggal ko lahat ng cosmetics at kung anu anong naka lagay sa katawan ko.
Umupo ako sa harap ng mirror ko at tinignan ang mga cosmetics na naka latag dito.
"The real queen is here" sabi ko sa sarili ko at ngumiti. Tsk, mukha akong tanga.
Nag ayos lang ako at naglagay ng light make up tapos tumayo nako at dumiretso sa walk-in closet ko. Agad din namang bumungad sakin ang uniform ko. Actually pinatapon ko na ang mga oversized uniform ko at mga maluluwag na damit ko. Pinalitan kona yun ng mga sexy at fitted na damit.
"Dad alis nako" paalam ko kay daddy habang kumakain sya.
"Hindi ka ba kakain?" Tanong nya sakin.
"Later na lang po, malalate nako eh"
"okay take care"
"sure. See you later" sabi ko at kiniss ko sya sa cheeks.
Mabilis ko ring pinatakbo ang Ferrari ko para hindi ako abutan ng traffic.
Pag dating ko sa school, pinark kona agad ang kotse ko at dumiretso sa room.
'wow ang ganda nya'
'oo nga, hala sino kaya sya?'
'baka bagong transferee'
'omaygad sobrang dyosa nya, napaka hot'
Yan ang naririnig ko sa hallway habang naglalakad ako papunta sa room. Halos kahit saan maririnig ko ang bulungan nila.
Halos lahat sila ay pinupuri ako at gandang ganda sa totoong itchura ko. Duh ganun ba ko kapangit kapag naka disguise para hindi nila mahalata na ako si Lee, ang binubully nila.
Sa di kalayuan ay natanaw kona sila Rena, Angela at Pauline. Kasama pa nga ni Pau yung bf nya eh.
Halos malaglag naman ang mga panga nila at hindi maka paniwala sa nakikita nila. Duh mukha ba kong multo? Or sobrang ganda ko lang talaga?
Anyway binigyan ko lang sila ng matamis na ngiti at huminto sa harap nila.
"L-Lee?" Mangiyak ngiyak na tawag sakin ni Rena. Pero imbis na sumagot ako ay ngumiti lang ako sa kanya. Shit namiss ko sila.
"Queen? Ikaw ba talaga to?" Sabi naman ni Angela at tila hindi maka paniwala sa nakikita nya, habang hinahaplos haplos pa ang pisngi ko. Pero as always ngumiti lang ulit ako.
Bigla naman akong niyakap ng mahigpit ni Rena at humagulgol na rin sya ng iyak ganun din si Angela. Niyakap ko din sila ng mahigpit.
"Lee namiss kita sobra! Bakit? Bakit ngayon ka lang pumasok nakaka inis ka!" Sigaw sakin ni Rena habang pinupunasan nya ang luha nya.
"Oo nga! Bwisit ka Sharlene! Sobrang nag alala kami sayo" sabat naman ni Angela.
"Sharlene namiss kita" sabi naman ni Pau at sya naman ang yumakap sakin. Niyakap kona lang din sya.
"Pwede ba, wag na nga kayong mag drama jan. Duh, ako pa rin to noh! Kaya lang nag bago nako" naka ngiti kong sagot sa kanilang tatlo.
Napansin ko namang nanahimik lang yung bf ni Pau kaya nilapitan ko.
"Hoy ikaw! Gf mo si Pau diba?" Sigaw ko sa kanya.
"Ah oo" sagot naman nya. Tsk napaka hinhin naman nito.
"Anong name mo?" I asked.
"Marl Aedrean Nudalo" he answered me while smiling on Pauline.
Lah, anlandi nitong dalawang to.
"Oh sya, malalate na tayo kaya pumasok na tayo. Hoy ikaw Marl! Gigilitan kita kapag niloko mo to si Pau ha" pananakot ko kay Marl at napansin kong napa lunok naman sya. Tsk.
"Hindi ko sya sasaktan" sagot naman nya.
"Then good" sabi ko naman.
"Queen, Rena, Jelay mauna na kami ha. Sunod na lang kayo" paalam samin ni Pauline.
"Sige bye! Ingat kayo" sabi ni Angela. At nag wave lang kami ni Rena.
Pagka alis nila, agad kong ibinaling ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Where is he?" I asked seriously. At nag tinginan muna sila bago sumagot.
"Ilang days din syang umaabsent kasama ang BTS eh, medyo busy ata para sa music video nila tsaka sa comeback nila this February." Sagot sakin ni Angela.
"Tsaka madalas din kasi silang may tv show, kaya wala sila" sagot naman ni Rena.
"Pero nasa room ata sila ngayon, kasi nag reready na rin kami para sa exam this week" sabi ni Angela.
Tumango lang ako as a response at hinila silang dalawa papasok sa room.
Pinauna ko silang pumasok para ako na lang mag isa ang malate ng 1 minute.
Pagpasok ko, halos lahat sila ay napako ang tingin sakin. At naka rinig na naman ako ng mga bulungan pero lahat ng yun ay puro positive.
"Hi Sharlene! Namiss kita! Halika na dito" sigaw ni Rena. Tsk bespren ko talaga sya. Talagang pinaparinig nya pa na ako si Lee huh.
Nahagip din ng paningin ko ang grupo ni Zalora na masamang naka tingin sakin. Pero hindi ko yun pinansin.
Okay inhale exhale, sabi ni dad wala munang patayan kaya dapat kalmado lang ako.
Napako naman ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa likod. Naka titig lang kami sa isa't isa.
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng excitement. Sobrang saya ng feeling ko.
Bigla na lang din syang tumakbo palapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko rin sya ng mahigpit at itinuon ko ang ulo ko sa dibdib nya. Rinig na rinig ko ang mabilis na heartbeat nya. Naka rinig din ako ng sobs mula sa kanya. Shit he is crying.
"God. I missed you so much Sharlene" bulong nya sakin.
"I missed you too Jimin" bulong ko din sa kanya.
Habang magkayakap kami, napansin kong napapalibutan na pala kami ng BangTan. Halos lahat sila ay naka ngiti. Pero may napansin ako, parang wala si V pero kanina pagpasok ko ay nakita ko sya. Hindi kaya umalis sya? Kasi niinis sya sakin?
Hays, basta ang mahalaga ngayon ay kasama ko si Jimin at magka yakap kami. Sobrang saya grabe.
(Fast forward)
Pagtapos ng klase, lumabas kami ni Jimin. Kumbaga nagdate kami pero saglit lang kasi kailangan nya pang mag rehearse para sa comeback nila. Maaga kasi nilang pinag hahandaan yun.
Nung pauwi na kami nag request si Jimin na ihatid ako pero tumanggi na lang ako kasi dala ko yung kotse ko tsaka baka maabala ko pa sya kaya nauna na kong umuwi.
BINABASA MO ANG
The Nerd Queen
Fanfiction[COMPLETED] Lee is not an ordinary nerd. Maybe she's hiding something. She's really dangerous but no one knows who really she is that's why everybody is messing up with her. But once you messed up with her, be ware because your death is coming or sh...