Chapter 40: The End

38.2K 809 44
                                    

LEE'S POV

Tao din naman ako, at kahit sobrang cold kong makitungo sa mga tao marunong pa din akong mainlove. At oo, inaamin ko sa sarili ko na nainlove ako.

Nainlove ako sa taong hindi ko inaasahan, sa taong kaaway ko simula ng dumating ako sa BangTan Academy. Sa taong walang ginawa kundi ang pahirapan at ibully ako. Sa taong sobrang sikat at pinagkakaguluhan ng mga fangirl at fanboy nya. Pero ano ba yung magagawa ko? Eh mahal ko na sya at hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanya.

Maraming araw na ang naka lipas pero hindi pa din ako maka move on sa kinemeng surprise ni Jimin nung naka raan.

Mula non, ang dami ng fc (feeling close) sa paligid ko. Halos lahat ng student's na makakasalubong ko ay lagi akong nginingitian or binabati. Tsk, if I know sumisipsip lang sila.

So eto na nga, dumating na yung araw na pinaka hihintay ng milyones na fans ng BTS.

February 13 ngayon, at syempre ngayon din magaganap yung comeback nila kaya halos lahat ng tao dito sa labas at loob ng school ay nagkakanda-ugaga para lang makahanap ng ticket.

Luckily, binigyan kami ni Jungkook ng VIP ticket. Sila Angela at Rena ay parang mga uod na rin dahil hindi mapakali, siguro dahil sa sobrang excitement na nararamdaman nila.

Samantalang ako naman ay chill lang na naka upo sa isa sa mga upuan dito sa cafeteria. Habang tinitignan ang ticket na hawak ko.

'Wow! May VIP ticket si Lee!'

'Whaaaaa buti ka pa!'

Rinig kong sigaw sakin ng isang student dito, mariin ko lang syang tinignan. At agad naman syang napa yuko.

'Huhu ang swerte ni Lee!'

'Whaaaa tara na mga bes!'

'Mag hanap tayo ng mabibilhan! Huhu lagi na lang kasi tayong nauubusan hays!'

Pahabol pa nung kasamahan nyang babae. Tsk, napa ngisi na lang ako. Ganito pala talaga kahalaga ang ticket para sa kanila.

"Hoy Lee! Mukha kang tanga jan. Bat mo nginingisian yang ticket mo?" Tanong ni Angela habang sumusubo ng kinakain nya.

"Hahaha nabaliw na ang gaga!" Sabat naman ni Rena.

"Anyway, tara na kaya? Since hindi naman kumakain si Lee"

"Oo nga. Tsaka mag aayos pa tayo, tsaka para maaga din tayo para makakuha tayo ng magandang pwesto haha para makita agad tayo ni Jungkook baby ko"

Nakikinig lang ako sa daldalan nilang dalawa at hindi nag sasalita. Sa totoo lang wala ako sa mood para pumunta sa lintek na concert nato. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganito.

Inihagis ko ang VIP ticket ko kay Rena at agad naman syang nagulat dahil sa ginawa ko.

"Lee b-bat mo h-hinagis?" Nauutal na tanong nya. Pero nginisian ko lang sya.

"Ipamigay mo, wala akong balak pumunta" sabi ko at akmang tatayo nang bigla nyang hilain ang braso ko.

"Nababaliw kana ba ha? Nag effort pa si Jungkook na iabot tong VIP ticket sayo tas aarte kapa! God Sharlene! Nakaka inis ka ah" sigaw nya sakin.

Halos lahat naman ng tao dito sa cafeteria ay napatingin sakin.

"Kung gusto mo, kayo na lang" marahan kong sabi at nag simula ng maglakad palayo.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon