Chapter 5: Revenge

44.6K 1.1K 73
                                        

LEE'S POV

Maaga akong nag alarm para hindi nako malate sa school, may exam kasi kami. So pagka gising ko ay nag ayos nako at nag ala nerd na, as always. Napatingin ako sa salamin ko, at napa ngisi bago isinuot ang salamin ko.

"Manang!" Sigaw ko sa katulong dito sa bahay kaya agad naman syang lumapit sakin.

"Ma'am may kailangan po ba kayo?" Tanong nya, inirapan ko lang muna sya bago nag salita ulit.

"Where's my parents?"

"Ah ma'am, sabi po ni sir Julian at ma'am Regine ay 1 week daw po sila sa Korea. May business meeting po kasi sila doon. Tsaka kanina lang din po yung flight nila. Hindi kana po pinagising kasi mukhang pagod at puyat ka" Naka yukong sagot sakin ni manang. Nag nod na lang ako as a response at umalis na sya agad.

Tsk, Hindi nako mag tataka kung biglang mag iibang bansa yung dalawang yon ng hindi ko alam, actually kasi lagi nilang ginagawa sakin yan, pero okay lang. Wala naman akong pake eh.

Natapos nakong kumain kaya, umalis nako at pumunta sa school gamit ang car ko.
Pag dating ko sa parking lot ay pinark kona agad ang kotse ko at dumiretso na sa room, may exam kasi.

"Hi Lee! Ang tagal naman ni Sir. Kanina pa ko naka ready sa exam eh" sabi ni Rena, kanina pa kasi ako naka upo dito at nag rerelax pero itong babae nato, napaka ingay walang ginawa kundi mag chika ng mag chika, as if naman na may pake ako sa kinukwento nya. Kaya ayun nod lang ako ng nod sa kanya kahit hindi ko sya naiintindihan.

Pero maya maya pa ay dumating na rin ang teacher namin na pa VIP pa. Tsk very wrong, alam na may exam kami tas mag papalate sya.

Habang nag eexam kami ay napa tingin ako kay Rena. Tsk, ready pala ha, eh halos malukot na nga yung mukha nya kasi hindi nya masolve yung problem.

Actually hindi naman mahirap yung exam para sakin, eh pano kasi alam kona lahat ng sagot kasi school ko ang gumagawa ng exam dito so ibig sabihin ay galing to kila mom and dad. Tsk, very nice. At dahil don, mabilis kong natapos ang exam pero syempre kunyare di pa ko tapos.

Habang binabasa ko yung exam kahit hindi naman talaga ay naramdaman kong may bumato sakin ng papel kaya napalingon ako sa likod, at nakita ko na naman ang letcheng mukha nito ni Jimin.

Naka smirk sya sakin at pinakita nya pa ang kodigo nilang pito. Mukhang proud na proud pa ang gago. Tinignan ko lang sya ng bored look at inirapan at nakita ko naman na naasar sya sa ginawa ko kaya napa smirk din ako.

Nag ring na ang bell, kaya pinasa na rin ang exam at lumabas na ang mga classmates ko.

Ako na lang ang natitira kasi inaayos ko pa tong mga libro ko, libro libro pa kasi akong nalalaman eh, letche. In fact ayaw na ayaw ko nga ng libro eh.

Palabas na sana ako pero biglang kumalabog ang pinto, at nakita ko ang kupal na BTS. Putek, sila na naman.

Pero kahit nakita ko sila ay dirediretso lang ako palabas, ng biglang mag salita si Jimin.

"Ganda ng car mo nerd ah!" Kaya napahinto ako sa sinabi nya.

Fuck galawin na nila lahat wag lang ang car ko! Bigay pa sakin ni Joseph yun, yung kaibigan ko sa Korea dati!

Tumakbo agad ako palabas ng room at narinig kong nagtawanan silang lahat paglabas ko. Mabilis kong tinungo ang parking lot at nung pinuntahan kona ang kotse ko ay halos malaglag ang panga ko. Naiyukom ko ang kamao ko at mariin na ipinikit ang aking mata.

Halos lahat ng gulong ay flat na, basag na rin ang salamin na para bang hinampas ng baseball bat, at ang side mirror ay tanggal na rin, andami ring naka sulat.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon