Special Chapter 1

33.3K 857 10
                                    

ANGELA'S POV

Masaya kaming lahat para kay Lee at Jimin. Lahat kami ay suportado sa relasyon na meron sila.

Kaya sana dumating din yung time na ako naman yung makaranas ng ganong feeling.

"Hays" nag buntong hininga ako habang naka tingin sa ulap.

Gabi na pero hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa Library at nag iimagine.

Naka dungaw lang ako sa bintana habang may hawak na Wattpad na libro.

Madilim na rin ang paligid kaya medyo natatakot nako. Pero syempre kelangan kong maging matapang. Duh dilim lang to.

Anyway, pagtapos kasi nung concert nila Jimin, pumunta muna sila ng Korea tapos mga 1 week din sila don.

Si Sharlene, okay lang sa kanya kahit magkalayo sila basta ang mahalaga daw ay ligtas si Jimin at nagmamahalan sila.

Isa pa yung babaeng yun, nagka lablayp lang naging corny na din hahaha.

Anyway, kaya lang naman kasi nag punta ang BTS sa Korea kasi kelangan daw silang kausapin ng Manager nila. Pero sila Jimin, RapMon, Jin, at J-hope lang yung nag punta dun sa Korea. May mga meeting din kasi na dapat puntahan yung ibang member dito sa Philippines kaya naiwan si Suga, Jungkook at V.

Habang nag mumuni muni ako ay biglang nag liwanag ang paligid.

"Buti may liwanag kahit papano" sabi ko sa sarili ko.

"Bakit? Hanggang ngayon ba ayaw mo pa din sa dilim?"

"Yup, parang gan---"
Teka? M-may multo ata. Maygad may kumakausap sakin.

Mariin kong ipinikit ang mata ko at dahan dahang humarap sa multong nagsalita.

*gulp*   *gulp*
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at halos malaglag talaga ang panga ko dahil sa nakita ko.

"ARHHHGGGGGHHHH" tili ako ng tili hanggang sa lumapit sya sakin at takpan ang bibig ko.

Holy shit!!!!! Whaaaaaaaaaaa! Nang maaninag ko ang mukha nya ay napa kalma ako.

Jusko sa sobrang puti ni Suga napagkamalan ko na syang multo. Pero teka? Ano bang ginagawa niya dito.

At dahil nakita nyang kalmado na ko ay dahan dahan nyang inalis ang kamay nya sa aking labi.

Gosh ang bango ng kamay nya. Tapos malambot pa hehe. Sana hindi nya muna inalis. Gosh ano ba tong pinag iisip ko.

"Alam kong mabango ang kamay ko" sabi nya habang naka tanaw sa labas.

"Ay ang lamig, masyadong mahangin ata dito" pag paparinig ko naman habang naka dungaw din sa labas.

Nakita ko sa peripheral view ko na tumingin sya sakin at ngumiti.

"Nilalamig ka? Gusto mo yakapin kita?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at agad akong napaharap sa kanya.

Gosh si Suga ba tong kausap ko? Ang alam ko kasi napaka sungit nito eh. Pero ngayon parang ang sweet nya bwisit.

"Aba! Ang yabang mo talaga ha! Tsk kala mo naman madadala moko sa ganyang style?" Sabi ko sa kanya sabay irap.

Dahan dahan syang lumapit sakin, hanggang sa malapit na talaga kami sa isa't isa.

Gosh nagtataasan ang mga balahibo ko, dahil sobrang lapit nya sakin. Halos naamoy ko din ang pag hinga nya.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon