Chapter 28: Trap with Him

34.4K 826 19
                                    

ANGELA'S POV

Nandito ako sa Academy ngayon at kanina pa ko paikot ikot sa buong school, halos mag gagabi na nga eh. Kakatapos lang kasi ng klase namin at kanina ko pa hinahanap si nerd, I mean si Lee. Naiwan nya kasi yung book nya sakin kanina.

Halos lahat na ata ng part ng school napuntahan ko, kaya lang wala talaga sya.

Anyway, hindi na rin ako nerd katulad ni Lee. Hindi naman sa nag didisguise din ako, kaya lang maganda naman kasi talaga ako. Actually kahit nga nag susuot ako ng eyeglasses maganda pa rin ako at marami pa ring mga lalaki ang nanliligaw sakin. Kaya lang loyal ako kay Suga hahaha. Tsaka hindi lang talaga feel ng ibang students yung presensya ko.

Ultimate crush ko talaga si Suga, since nung naging K-pop sya hanggang sa maging classmate ko pa sya. In fact mahal ko na ata sya.

Ang cool nya kasi eh. Napaka puti pa tsaka ang gwapo nya rin at talented. Hays, sana nga dumating yung time na manoticed nya rin ako. Although hindi sya katulad nila Jungkook na pala ngiti. Lagi kasing seryoso yung mukha nya, kaya minsan nakaka takot.

Habang nag lalakad ako napa tingin ako sa library. Tama, dahil isang nerd si Lee baka sa library sya naka tambay ngayon kaya agad kong tinungo ang Library.

Pagka lapit ko dito, nakita kong naka awang yung pinto at walang tao sa loob kahit isa. Kahit yung librarian ay wala din. Pero pumasok pa rin ako kasi baka nasa sulok lang yun si Lee.

"Excuse me?" Sabi ko, at tuluyan na kong naka pasok sa loob.

Nakaka dismaya lang kasi wala manlang sumagot sakin. Hays. Inilibot ko ang mata ko sa Library pero wala akong nakitang imahe ni Lee.

Lumapit muna ako sa mga cabinet na may mga naka hilerang wattpad. Kingina adik na adik ako sa wattpad shit. Kumuha ako ng isang libro at iniscan ko yung page nito.

Habang nag iiscan ako, may narinig akong pag sara ng pinto. Halos malaglag ang librong hawak ko dahil sa sobrang gulat, kaya agad kong tinungo ang pintuan.

What the heck, halos malaglag ang panga ko at lumuwa ang mata ko dahil sa nakikita ko.

Si Suga kasi ay pumasok sa loob ng library. Shit halos ang lakas ng beat ng puso ko. Omaygad kinikilig ako sobra. Halos kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng library, as in kami lang at wala ng iba.

Bigla nyang ibinaling ang tingin nya sakin at halos mapa atras naman ako dahil sa sama ng titig nya sakin. Para syang nangangain ng tao, nakaka takot.

"Shit." narinig kong nag mura sya at pilit na binubuksan ang pinto. Halos masira na nya ang doorknob dahil sa lakas ng pihit nya pero hindi pa rin nabubuksan.

The fuck. So ibig sabihin sira yung pinto at nakulong kaming dalawa dito. Holy shit. Kaya pala walang katao tao dito dahil sira.

Hindi ko alam pero kahit natatakot ako sa kanya, hindi ko maiwasang hindi kiligin.

Habang naka tingin lang ako sa likod nya ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Arghhhhh kinikilig talaga ako.

Bigla naman akong napa tigil sa pag ngiti ng panlisikan nya ko ng tingin.

"Tsk, nakukuha mo pang ngumiti ngayon huh. Can't you see? Nalock tayo dahil sa katangahan mo! Fuck bat ka pa kasi pumasok dito eh!" Nalaglag ang librong hawak ko at halos mapa yuko ako. Naiiyak ako, tangina ang sakit nyang mag salita. Hindi ko naman sinasadya eh. Tsaka kasalanan ko ba kung bat kami natrap dito eh halos sya naman yung pumasok kaya biglang nag lock yung pinto eh.

Hindi ko na napigilan ang luha ko kaya umiyak na lang ako. First time kong masabihan ng ganito tapos sa kanya pa nanggaling, sa taong mahal ko pa. Sobrang sakit.

Yumuko na lang ako at dahan dahan na umiyak, ayokong marinig nya ang pag hikbi ko. Kaya kahit hindi nako maka hinga dito ay ayos lang.

Dahan dahan akong lumuhod para kunin yung librong binabasa ko. At pagka luhod ko ay biglang namatay ang ilaw. Ang dilim grabe, wala akong makita.

At ang mga luhang iniingatan kong makita nya ay halos mag labasan na. Ang lakas ng hikbi ko at halos tumitili na rin ako.

"Ahhhhhhhhhhh" sigaw lang ako ng sigaw at iyak ng iyak.

May trauma kasi ako sa madidilim na lugar. Since nung bata pako ay takot na talaga ako sa madidilim.

Halos naninikip na ang dibdib ko at nanginginig na ang buong katawan ko, shit ayoko na.

Habang umiiyak lang ako ay bigla akong naka ramdam ng isang mahigpit na yakap.

Fuck that scent, alam ko kung kanino yun. Shit. Shit. Shit. Si Suga niyakap nya ko ng mahigpit, pero dahil hindi ko malabanan ang takot ko ay iyak lang ako ng iyak.

Hinawakan nya ang ulo ko habang yakap yakap nya ko at pinasandal nya ko sa dibdib nya. Fuck ang bilis ng tibok ng puso nya baka may sakit rin sya.

Niyakap kona lang din sya ng mahigpit at umiiyak pa rin ako. Nahihirapan akong pakalmahin ang sarili ko fuck.

"Shhhh" pinapatahan nya ko habang hinahaplos haplos nya ang buhok ko. Tangina kahit natatakot ako feeling ko sasabog na yung obaryo ko shit. Kinikilig ako arrrrrgghhhhhh!

"I'm sorry" sabi nya sakin at niyakap nya ko ng mahigpit. Rinig na rinig ko ang mabilis na heartbeat nya.

Nanatili ang katahimikan samin at tanging hikbi ko lang ang naririnig. Magka yakap pa rin kami at sa palagay ko eto na ata ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Ang sarap ng feeling na magka yakap kami.

Maya maya ay niluwagan na nya ang yakap nya sakin dahil kalmado na ako. Bigla na ring bumukas ang ilaw kaya nagulat ako dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Hala mahihimatay na ata ako. Kingina gusto kong tumili.

Bigla syang umiwas ng tingin at napansin kong namumula ang tenga nya. Aww, ang cute. Palihim akong napa ngiti at pinunas kona ang luha ko.

Tumayo na sya at tumayo na rin ako, inalalayan nya pa nga ako. Ang sweet nya shems.

"You okay?" Tanong nya sakin at tumango na lang ako dahil hindi ako makapag salita. Umatras ata yung dila ko shit.

Bigla syang naglakad sa pintuan at sinipa ito ng malakas. Nagulat ako sa ginawa nya dahil sa isang sipa nya lang ay nabuksan na yung pinto. Actually sinira nya eh.

Bago sya tuluyang lumabas ay nilingon nya muna ulit ako.

"Take care" sabi nya sakin at tuluyan na syang umalis.

"Arrrrrgghhhhhh!" Tili ako ng tili nung naka layo na sya. Omaygad kinikilig talaga ako.

Bigla naman akong napa tigil sa pag tili dahil pumasok si manong guard.

"Iha! Anong nangyari?" Nag aalalang tanong nya kaya napa tawa naman ako.

"Wala po. Sige alis nako" sabi ko sa kanya at ibinalik kona yung wattpad tsaka tuluyang lumabas.

Hindi ko mabura ang mga ngiti sa labi ko hanggang sa maka uwi ako.

The best feeling ever! Ugh! Suga why so pogi?

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon