Chapter 22: Transferees

34.2K 846 24
                                    

LEE'S POV

Nag lalakad ako ngayon sa hallway papunta sa room ko. Hindi ko nga kasabay sila Rena kasi nauna na sila.

Sino kaya yung babaeng kayakap ni Jimin kanina? Tsk, as if I care. Habang nag lalakad ako ay may nambato sakin ng papel, pero pake koba? Narinig ko rin ang mga bulungan nila.

Ayan na si nerd haha.

Bruha talaga yang babaeng yan.

Tapos nilalandi nya pa yung mga BangTan.

Una si V tapos sunod si Jimin, sino kayang isusunod nya?

Oo nga haha. Slut!

Halos mandilim ang paningin ko dahil sa mga narinig ko. Galit na galit na ko at gusto ko silang sugurin at patayin. Pero pinakalma ko ang sarili ko, dirediretso lang ako sa pag lalakad. 'Don't mind them Lee.'

Pagpasok ko sa room ay marami ng tao, pero wala pa yung teacher. Nandito na rin ang BangTan.

Umupo ako sa unahan para kasama ko sila Rena. Actually kasi pwede kang umupo kahit saan, kasi Wala namang sitting arrangement dito.

"Hi Queen" bati sakin ni Rena kaya nag smile ako sa kanya.

"Hi" sagot ko naman.

Actually alam na rin nilang tatlo ang tungkol sa pagiging gangster ko. Last time ko lang din inamin sa kanila.

"Balita ko, may mga transferees daw" sabi ni Angela.

"Ow, edi masaya" sabat naman ni Pauline.

"Dati na raw silang students dito, nag transfer lang" sabi ni Angela. Tsk, updated talaga tong babaeng to eh.

"Talaga?" Sabi ni Rena, at tumango naman si Angela.

"Famous daw sila at ex girlfriend ni Jimin yung isa sa kanila" bulong ni Angela samin.

Nacurious naman ako. Siguro sya yung babaeng kayakap ni Jimin kanina sa Hallway.

Maya maya ay nag bukas na ang pinto at pumasok na ang teacher namin.

"Good afternoon students, so mag kakaron kayo ng bagong classmates. Actually Former students na sila dito, kaya siguro ang iba sa inyo ay kilala na sila" sabi ng teacher at tumango naman kami as a response.

Nakita kong sumenyas ang teacher namin sa may pinto at pumasok ang tatlong babae. Tinignan ko silang lahat, at napako ang tingin ko sa babaeng nasa gitna. Parang familiar sya sakin, hindi ko lang matandaan kung saan ko sya nakita.

"Hi everyone, my name is Samantha Joo. I am 17 years old. Nice to meet you guys." Sabi nung babae sa may left side.

"Hi! I'm Dhane Villacorta." sabi naman nung nasa right side.

"I'm Zalora Mendoza, it's nice to see you again guys." Sabi ng babaeng nasa gitna sabay wink, kaya nag sigawan naman ang mga lalaki naming classmates.

Zalora pala huh, anyway natandaan kona sya. Sya nga yung babaeng kayakap ni Jimin kanina. Well, maganda sya, maputi, sexy and I think bitch din sya. Pwe, mas maganda pa rin naman ako.

Pag tapos nilang mag pakilala ay umupo na sila sa gusto nilang pwesto. Doon pa talaga sila umupo malapit kila Jimin huh. Tsk, malandi.

Fuck, bat ba ang init ng dugo ko sa Zalora nato. Feeling ko kakaiba sya at may pakay sya dito. Tsaka nakaka pagtaka rin kasi kung kelan gagraduate na tas mag tatransfer pa sila dito, although ilang months pa naman bago mag graduation.

Napa tingin naman ako bigla kay Jimin, at nakita kong naka tingin lang sya kay Zalora or should I say na naka titig pala. Habang si Zalora naman ay nakiki pag chikahan sa mga classmates ko. Tsk, If I know, nakikipag landian lang sya.

"Hoy Queen, anyare? Ang itim ata ng aura mo?" bungad sakin ni Rena.

"Gaga hindi ah"   

"talaga ba?"   

"Oo nga, nasan nga pala sila Pau?"   

"Ah nag cr lang saglit" tumango na lang ako at nakinig sa teacher na nag didiscuss sa harap.

(Fast forward)

Uwian na namin at sabay sabay kaming umuwi nila Rena, Angela at Pauline. Actually ako yung nag dadrive. Gamit ko yung Lamborghini ko ngayon at ihahatid ko sila.

Tahimik lang kami sa buong byahe. Si Angela kasi nag babasa ng wattpad, adik kasi yon sa wattpad eh, tas yung binabasa nya ay yung story ni Melancholeen_95 yung The Nerd Queen. Actually gandang ganda sya sa story na yun. Si Pauline naman ay nakikipag chat ata sa boyfriend nya na si Aedrean. Habang si Rena naman ay walang ginawa kundi manood ng MV ng BTS. Tsk, mga adik natong mga to.

Binasag ni Rena ang katahimikan at bigla syang nag salita.

"Lee? Hanggang kelan ka ba mag papanggap?" Tanong nya sakin at binitawan nya ang phone nya tapos tinitigan ako.

"Ewan ko"   

"tsk, baliw kana ba? Sinasayang mo lang yang ganda mo eh. Kung ayaw mo nyan edi ibigay mo saming tatlo para mas gumanda pa kami" sabi nya sakin.

"Oo nga" sabat naman ni Angela.

"Alam nyo ang dami nyo pang sinasabi eh. As if naman na maibibigay ko ang kagandahan ko sa inyo" I said sarcastically.

"Oo nga naman" sabat naman ni Pauline. At nag tawanan sila.

"Pero Lee, tignan mo naman kasi. Imbis na sexy ka tignan sa uniform mo, eh nag mumukha kang lola" sabi ni Angela.

"I don't care" sagot ko naman. Actually ang school uniform kasi namin ay pang Korea ang style. Yung skirt namin ay above the knee, tapos medyo mas maikli pa. Tsaka checkered sya na color black and red. Then, ang blouse naman namin ay fitted na color white na hanggang kamay yung haba nung manggas. Then yung bawat gilid na part ay may naka tahing checkered din. Tapos may checkered na neck tie, color black and red din. Tsaka gumagamit kami ng long sock na white at black shoes. Required din samin ang mag suot ng high heels. Sa boys naman ay fitted pants. Tapos yung polo naman nila ay parang long sleeve din na white katulad ng samin pero yung kanila ay plain lang di katulad ng samin na ang daming kaek-ekan. May plain black neck tie din sila at dapat naka black shoes. Pero dahil nga isa akong nerd, imbis na sexy ako ay mukha akong lola. Pano kasi ay nag susuot ako ng oversized uniform, as in malaki talaga. Tapos imbis na maliit yung palda ko, eh umabot hanggang ilalim ng tuhod tapos naka rubber pako. Tsk napaka baduy noh? Kaya nga lagi akong binubully kasi napaka judgemental nila.

"Bahala ka" sabi naman ni Pauline.

"Nandito na tayo" sabi ko sa kanila at bumaba na sila. Actually magkaka lapit lang naman sila ng bahay kaya dito kona sila ibinaba.

"Thank you sa ride" sabi ni Rena sabay wink.

"See you tomorrow" sabi naman ni Angela habang nag wawave.

"Ingat ka" sabi din ni Pauline. Nag smile lang ako sa kanilang tatlo at nag wave tapos pinaharurot kona agad ang sasakyan ko.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon