LEE'S POV
Napaka himbing ng tulog ko pero agad din akong nagising dahil sa paulit ulit na kalampog galing sa pintuan ko.
Puta ang aga aga. Halos hindi pa ako maka bangon dahil sa sobrang pagod ko.
"Ma'am Lee! Ma'am paki buksan naman po ang pinto! Ma'am may emergency po" sigaw ng katulong habang kinakalampog ang pinto.
Emergency? Tsk as if I care.
Tinaklob ko na lang sa mukha ko ang unan ko at pinilit kong bumalik sa mahimbing kong tulog.
"Ma'am ang mommy nyo po! Please paki bukas na ang pinto" sigaw ulit nung katulong.
Tsk nakaka irita talaga ang bunganga non bwisit. Napilitan na lang tuloy akong bumangon.
Inayos ko muna ang sarili ko at binuksan ang pinto.
"Ma'am ang mommy nyo po" nag aalalang sabi sakin ng katulong habang nangingiyak ngiyak pa.
So no choice naman ako kaya nag panggap na naman ako na nag aalala at may pake ako sa nangyayari.
"M-manang bakit po? Ano po bang nangyari?"
"W-wala na ang mommy mo"
"what do you mean?"
"Patay na sya hija" sabi ng katulong at agad na humagulgol.
Pumasok na lang ulit ako sa kwarto at nagpanggap na nag dadalamhati sa pagkawala ni Regine.
Duh never akong malulungkot na nawala sya. Dapat lang sa kanya yun. Hindi pa yun sapat sa lahat ng kahayupang ginawa nila sa tunay kong mommy at sakin. Hindi pa ko tapos hanggang hindi pa ko nakakaganti. Iisa isahin ko sila!
(Fast forward)
Nandito kami ngayon ni Julian sa burol ni Regine. Tsk, naka private pa talaga ng burulan nya huh. Tapos napaka rami pang dumalaw.
Halos ang karamihan sa kanila ay gusto akong kausapin pero hindi ako nag sasalita kaya lumalayo na lang sila.
Mag intay ka lang Julian isusunod din kita.
Maya maya ay umupo sa tabi ko si Julian at nag salita.
"Wag kang gagawa ng kahit anong gulo dito. Naintindihan mo?" Bulong nya sakin, kaya tumango na lang ako.
"Hindi mag tatagal ang burol nato dahil kailangan kong bawiin ang pera ng kumpanya ko, kaya mag handa kana." Dagdag nya pa. Palihim naman akong napangisi dahil napaka yabang nya. Tsk, gahaman sa pera amputa.
"Alam mo tama si Regine eh, dapat una pa lang pinatay kana namin, edi sana hindi na umabot sa ganito"
"don't worry, I know everything"
"I don't care. Malaman ko lang talaga kung sino ang hudas na pumatay kay Regine"
"anong gagawin mo sa kanya pag nalaman mo kung sino sya?" Kalmadong tanong ko sa kanya.
"Well, let see kung ano nga ba" sagot naman nya habang naka ngiti.
Tsk ibang klase, patay na nga yung asawa nya tas nakukuha nya pang ngumiti ng ganyan at paganahin ang kademonyohan nya.
I wonder kung nagmamahalan ba talaga sila or sadyang pera lang talaga ang habol nila sa isa't isa.
Umuwi na lang ako sa bahay at nag ready, tsk humanda ka sakin Julian.
Tinawagan ko si Julian at agad naman syang nag punta sakin.
Nandito ako ngayon sa rooftop ng company nya. Naka disguise ako ngayon pero hindi isang nerd kundi isang secretary.
'This is my next mission and next target'
Maya maya ay agad naman syang lumapit sakin. Naka sandal lang ako sa railings habang tinitignan ang magandang tanawin na unti unting binabalot ng kadiliman.
"Anong kailangan mo sakin?" Tanong nya at sumandal na rin sya sa railings.
Tsk napaka tanga, hindi manlang nya nahalata na ako si Sharlene.
"Papatayin kasi kita eh" malambing na sagot ko sa kanya kaya agad naman syang napa tingin sakin pero hindi pa sya tuluyang naka lingon sakin ay agad ko syang itinulak kaya nalaglag agad sya.
Sobrang taas ng babagsakan nya kaya siguradong mamatay sya dito.
"Hayop ka! Sino ka ha!" Sigaw nya sakin. Tsk tignan mo nga naman, nakakapit pa pala ang mga kamay nya kaya napa ngisi naman ako at agad kong ibinaon sa kamay nya ang matulis na hills ko.
Napa aray naman sya sa sobrang sakit at unti unti din syang napa bitaw.
Tsk, finally naipaghiganti na kita mommy.
Hindi ko maiwasang hindi maiyak at mapangiti sa nararamdaman ko.
Alam kong sobrang mali yung ginawa ko. Pero wala akong choice eh. Kung hindi ko sila papatayin ako naman yung papatayin nila kaya kahit anong gawin ko kailangan ko pa rin pumatay.
Queen ako kaya wala akong dapat katakutan at pagsisihan. Tsaka normal lang sakin ang pumatay at manakit ng tao. Wala ng bago dun kaya tama lang ang ginawa ko. Pinaghiganti ko lang ang mommy ko at syempre ang sarili ko.
Ginawa ko lang kung ano ang madali at alam kong tama.
BINABASA MO ANG
The Nerd Queen
Fanfiction[COMPLETED] Lee is not an ordinary nerd. Maybe she's hiding something. She's really dangerous but no one knows who really she is that's why everybody is messing up with her. But once you messed up with her, be ware because your death is coming or sh...
