Chapter 14: Childhood Friends

38.8K 1K 18
                                    

LEE'S POV

Nandito ako ngayon sa Gym ng school namin at kasama ko sila Rena at Angela, nickname yun ni Evangela kaya yun na lang ang itatawag ko sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit naging close ko sila. In fact parang pinag lalapit kami ng tadhana eh, I think may rason din naman kung bakit to nangyayari.

"Oy Lee at Angela! samahan nyo ko sa restroom. Mag papalit lang ako." Sabi samin ni rena habang inaayos nya yung bag nya.

"Tara ako din" sabi naman ni Angela.

Tumayo nako kaya tumayo na rin sila at nag lakad na kami papunta sa restroom.

Actually kahit close kona silang dalawa, hindi pa rin nagbabago ang cold na pakiki tungo ko sa kanila.

By the way may swimming class kasi kami ngayon kaya mag bibihis na sila, at syempre hindi naman ako pwedeng maki join kasi matatanggal ang mga cosmetics ko at baka mabuking pako. Kahit waterproof kasi to, syempre matatanggal pa rin to kapag nilubog ko sa pool duh.

Pag pasok namin sa restroom, may nakita kaming babae, nag bibihis din sya. Actually classmate din namin sya pero hindi namin sya close kasi may sarili syang friends. But anyway I don't fucking care.

"Hi Pauline!" Sabi ni Rena dun sa girl at nag hi din naman yung girl.

So nabobored na naman ako kaya umupo muna ako sa may tabi at nag basa ng libro na hiniram ko kay Angela kanina.

Habang nagbabasa naman ako ay biglang kinuha ni Rena ang librong hawak ko tapos isinara. "Mag ready kana nga Lee!" Sigaw nya sakin habang iniirapan pako, pero tinignan ko lang sya ng bored look bago sumagot.

"Ayoko, hindi ako mag suswimming" tapos kinuha kona ang libro sa kamay nya at nagbasa ulit.

"Aish! Bakit naman?" Sabi nya sakin at alam kong naiinis na sya. Pero umiling lang ako na parang bata at nag pacute sa kanya kahit alam kong hindi effective dahil naka disguise ako.

Tapos tumawa naman sya ng mahina at naging seryoso din agad ang mukha.

"Mukha kang tanga gaga" sabi nya sakin habang naka ngisi, kaya hindi kona lang sya pinansin.

"Sige na nga, jan ka muna ha. Mag bibihis lang ako kasi nag bibihis na si Angela eh" pag papaalam nya sakin kaya tumango lang ako as a response.

Maya maya ay sumilip si Rena sa pinto nya.

"Lee tulungan mo naman akong isuot tong swimsuit ko" sabi nya sakin kaya pumasok ako sa cubicle nya at tinulungan sya.

Yung swimsuit na sinasabi nya ay uniform namin sa swimming class. Hindi eto yung mga pang sexy katulad ng nasa beach huh.

Habang inaayos ko yung damit nya ay napatingin ako sa braso nya, at ng makita ko ang maliit nyang tattoo ay kinilabutan ako.

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko.

Hala! Yung markang yun. Thats a wings at iisang tao lang ang alam kong may ganitong mark sa braso at yun ay yung besfriend ko nung bata pako!

Pero teka? P-pano n-nangyari to? Hindi kona alam ang gagawin ko, halos nanlalambot nako at naiiyak. Bakit may ganito si Rena?

*FLASHBACK*

"Huhu aray ko Queen, kailangan ba talaga to?"    

"Oo princess, wag ka mag alala saglit lang to."    

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon