Chapter 10: Jealous

43.1K 1K 58
                                        

LEE'S POV

Maaga akong umalis dito sa condo. Ang sarap ng feeling ko ngayon ah. Parang gusto kong makipag patayan, buti na lang at tinulungan ako ni V kahapon kaya gumaling nako agad.

Pero siguro kung sa ibang tao to nangyari baka 1 week or more pa silang tatambay sa hospital, unlike me kasi malakas naman ako eh, so that I can manage myself.

So nandito ako ngayon sa room, at bwisit na bwisit nako. Pano kasi nagkaron pa kami ng issue ni V dahil sa pagtulong nya sakin kahapon.

Fuck. Kahit saan ako mag punta ako yung bukang bibig ng mga students dito eh, kesyo nag acting lang daw ako para tulungan nya ko, tapos nilalandi ko daw sya. Tangina ang sarap nilang bigwasan eh, letche. Ang boring pa, wala kasi ang teacher namin ngayon kasi nag checheck ng mga papers.

Sa likod na rin ako umupo, malapit sa may bintana kasi baka mamaya batuhin na naman ako ng kung anu-ano eh, at least dito hindi nila ako mababato.

Ang ingay ingay nga ng room nato, nandito kasi ang BTS kaya ayan nag papacute na naman sila sa mga fans.

Si Rena naman nasa library may kailangan daw syang kunin kaya wala sya sa room.

Maya maya napa tingin ako kay Jimin.

'what if kung malaman mo na ako yung babaeng hinahanap mo?' Tanong ko sa isip ko habang naka tingin sa kanya, tapos napangisi na lang ako.

Hays, hintayin mo lang ako Jimin. Actually naka upo nga lang si Jimin sa tabi eh, tapos parang ang lalim ng iniisip nya. Samantalang si V naman ay nakiki pag laro ng 'pak ganern' sa mga girls tapos tuwang tuwa sya.

Tsk ngayon nya lang ata nalaman yung larong yun. Napabaling ulit ang tingin ko kay Jimin, pero nagulat ako kasi naka tingin din sya sakin but this time parang may mali, parang iba sya tumingin.

Naka titig sya sa mga mata ko, at kung hindi ako nagkakamali ay parang nag aalala sya, pero bakit? Bakit ganyan sya maka tingin? Hindi kaya alam na nya? Pero Hindi, Hindi yun mangyayari dahil may katangahan tong gago nato.

Tinititigan ko lang din sya, sinusubukan kong basahin ang isip nya pero wala, wala akong makitang ibang emosyon kundi ang pag aalala at lungkot.

Habang tumatagal ang titigan naming dalawa ay parang nag iba ata yung paki ramdam ko. Tangina may sakit ata ako sa puso. Putek ngayon ko lang to na feel ah.

Hala baka naapektuhan ng poison yung puso ko Kaya ganto na lang sya kabilis kung tumibok. Puta feeling ko kinakabahan ako, halos sa lahat ng mga laban ko at pakikipag patayan ko hindi ako naka ramdam ng gantong kaba, pero bakit sa kanya? Bakit sya? Bakit ko to nararamdaman sa kanya?

Feeling ko namumula nako kahit naka cosmetics ako kaya agad na kong umiwas ng tingin.

Tumingin agad ako sa bintana at pinapakalma tong abnormal kong puso letche.

Parang may Mali, kanina pako nakatingin sa bintana pero feeling ko naka tingin pa rin sakin si Jimin, kaya tumingin ulit ako sa kanya tapos agad din akong umiwas. Kingina ano bang problema nito?

Naka titig pa rin kasi sya sakin eh. Shit diko to kaya, aalis muna ako.

Tumayo nako at nilagpasan kona sya, lumabas ako ng room at dumiretso sa may liblib na lugar. Remember? Yung pinuntahan ko nung first day ko dito sa BangTan Academy.

Anyway, dito muna ako. Magpapahangin muna ako dito at mag iisip.

Kitang kita ko dito yung field at ang mga players na nag lalaro ng soccer. Wala na rin yung bench dito, kaya sa ilalim na lang ako ng puno naupo.

Nag unat unat muna ako at tinanggal ang salamin ko, tapos sumandal ako sa Puno at dahan dahang ipinikit ang mga mata ko.

Hindi pa nagtatagal ang iglip ko kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko at nag tulug-tulugan. Alam ko kasing may tao eh.

"What are you doing here?" Tanong nya sakin, kaya napamulat nako at sinuot ang salamin ko.

Nakita kong nanonood sya ng soccer habang naka upo din sa damuhan malapit sakin.

"Wala, trip ko" Bored kong sagot sa kanya, at nakita ko namang napa ngisi sya.

"Tsk, so how are you?"

"I'm perfectly fine V" Naka ngisi kong sagot sa kanya, kaya bigla syang tumingin sakin at tumawa.

Tsk ang weird nya, sumagot lang naman ako tas tumawa agad. Well, ang cute nya naman tumawa.

"Ang pangit mo hahaha" sabi nya sakin tas bigla na naman syang tumawa, but this time ang lakas na ng tawa nya.

"So? Inggit ka? Edi gumaya ka" sabi ko sa kanya sabay inirapan ko sya. Tas for the third time, putek tumawa na naman sya. Gago talaga.

"Nako wag na. Kontento nako hahaha"

JIMIN'S POV

Fuck! Kelan pa naging close to si V kay nerd? Putek ang sweet pa nila ha! Letche nandidilim paningin ko kay V parang gusto ko syang sapakin.

Gagong to, sabi ko pahihirapan namin si nerd hanggang sa umalis na sya sa school pero ngayon parang naka inom ng gayuma ang gago.

Nandito kasi ako sa may liblib na lugar at oo sinundan ko si V kasi nag taka ako kung bat sya lumabas. Eh halos nakiki pag landian nga lang sya sa mga girls kanina tapos kami naman ni nerd ay nag titigan.

Actually parang iba ang dating ni nerd sakin eh, parang feeling ko gusto ko syang maka usap tas maging friend tapos parang gusto kong mag titigan lang kami. Pero fuck no way! Si Park Jimin ng BTS gugustuhin mangyari yun sa isang nerd? Tsk hahaha no way talaga. Hindi ako papatol sa gaya nya.

Pero bat ganto? Naiinis ako kay V ng walang dahilan? Parang nanggigil ako sa kanya. Lalo na dito sa malanding nerd nato.

Tangina kasi tawa pa ng tawa si V oh, in fact kahit hindi ko naririnig ang usapan nila alam kong walang nakakatawa pero si V kasi ay alien, maski walang nakakatawa, tawa sya ng tawa.

Tapos bat ganun? Close ba sila? Ano bang nangyari sa kanila kahapon? Actually nagulat nga ako sa ginawa ni V kahapon eh, pano kasi nag ala super hero kay nerd.

Habang duguan kasi si nerd at walang malay nakita namin or should I say halos lahat ng students ay nakita syang buhat buhat si nerd at nag mamadaling umalis.

Kitang kita nga sa mukha nya ang pag aalala, in fact si V ay Womanizer din katulad namin. Playboy din tong gago nato, at sa buong buhay naming magkakasama kahapon lang namin nakita ang ganong reaction at emosyon ni V, yung buhat nya si nerd.

Alam ko may mali na eh, at dapat kong malaman kung ano yun.

Hanggang ngayon naka tingin lang ako sa kanya at biglang nanlaki ang mga mata ko, kahit singkit na singkit ako pinilit ko pa ring palakihin ang mata ko.

Fuck! Totoo batong nakikita ko? I blinked twice, baka kasi guni guni lang pero hindi eh.

Kitang kita ko na niyakap ni V si Lee at nagulat pa nga si Lee tapos tumayo na si V at umalis. Tumawa naman si Lee sa ginawa ni V. Tangina naiyukom ko ang kamao ko at lumayo na lang.

Ngayon nandito ako sa HQ, naka upo lang ako tapos parang wala ako sa sarili ko. Parang nalulungkot ako. Parang nasasaktan ako ng walang dahilan. Pero teka, wala nga bang dahilan kung bat ako nasasaktan ng ganito? O dahil to kay Lee? Pero Hindi pwede. Nerd sya! At never pakong pumatol sa nerd.

Halos lahat ng BangTan never ginawa yun. Pero naisip ko si V, pano nya yun nagawa? Parang close sila ni Lee, tapos niyakap nya pa? Fuck! Hindi ba sya naiirita sa ginagawa nya?

Napayuko na lang ako at iniyukom ang kamao ko. Tangina yung puso ko na naman kasi eh, last time na naramdaman ko yung gantong beat ay yung time na nakita ko si Ms. Red hair sa bar eh. Pero bat ngayon nararamdaman ko ulit to? Nasasaktan bako? Pero kanino? Bakit? Kingina naman nababaliw na ata ako.

"Hays" napa buntong hininga na lang ako at natulog. Bwisit.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon