Chapter 35: Change is Coming

31.9K 783 8
                                    

LEE'S POV

Ilang linggo na rin ang lumipas mula nung nawala sila Regine. Actually Malaking issue ang pagkawala nila dahil isa sila sa mga mayamang negosyante tsaka malaki ang pinatatakbo nilang company.
Pero hindi rin naman nagtagal yung issue nila dahil nalaos din yun at naka move on din ang mga media.

Marami na rin ang nag bago since nung nawala sila. In fact yung school ko ay nabawi kona. Si daddy na ang nag papatakbo nun pati na rin ang company nila which is kay daddy naman talaga.

Yung bahay nila ay binenta na rin namin tsaka bumili kami ni dad ng bago at mas magandang bahay.

Kumbaga new house new life. Gusto namin ni daddy na mag simula ng panibagong buhay. Yung tipong kahit gaano karami ang darating na problema samin ay malalampasan pa rin namin ng magkasama.

Ilan weeks din akong hindi umattend ng class. Kaya nag aalala na si Jimin sakin, ganun din naman sila Rena pero nag paalam ako kila Rena tsaka alam naman nila ang nangyayari sakin except lang kay Jimin.

Ilang beses din akong tinawagan ni Jimin pero hindi ko sinagot ang kahit isa sa mga tawag nya. Pati ng si V ay kinukulit ako pero hindi ko pinansin yun. Sabi nya pa nga sa message nya sakin ay halos araw araw daw nyang kinakatok ang pinto ng condo ko pero walang nag reresponse.

Nabalitaan ko rin kay Rena na nag hired pa daw si Jimin ng private investigator para hanapin ako dahil sobrang pag aalala daw.

Hays, kung pwede nga lang sabihin sa kanya na okay lang ako ay ginawa ko na pero hindi pa pwede sa ngayon. Kelangan kong tapusin muna ang mga problema ko.

Nalulungkot din naman ako dahil miss na miss ko na sya. Gustong gusto ko na syang mayakap at mahawakan. Putek pati nga yung lips nya ay namimiss kona rin.

Feeling ko may gusto na ko sa kanya. Gusto ko na syang makasama at maka usap.

Minsan napapanood ko rin sya sa KBS kasama nya ang BangTan Boys. Nag mumusic show sila minsan. Tapos kahit hindi ako A.R.M.Y feeling ko nagiging fan na rin ako, kasi lagi kong pinapanood at pinapakinggan yung mga Music Videos nila especially ni Jimin.

Anyway, habang nag iimagine ako dito at nag eemote ay biglang tumabi sakin ang daddy ko.

Kahit sobrang busy na nya, hindi nya pa rin ako nakaka limutang dalawin at kamustahin. Maya't maya nya ko kinakausap gamit yung phone nya.

Nasa terrace kasi kami at pinapanood namin yung mga stars ng bigla syang mag salita.

"Sharlene sobrang saya ko. Hindi ko expected na magiging maayos ang lahat although hindi natin maiiwasan ang mga problema diba?"   

"Oo nga dad eh, kaya sobrang thankful ako kasi nabigyan tayo ng chance para baguhin ang buhay natin at mag simula ng panibago"   

"anak ibigay mona sakin yung pendant na pinatago ko sayo"   

"pero dad? Delikado po ang bagay na yun ah"   

"alam ko, pero anak mas delikado yun para sayo. Gusto kong maging malaya ka at maging masaya, yung tipong wala kang pinoproblema kundi ang pag aaral mo lang, sarili mo tsaka lovelife mo yieeee haha"   

"what the? Hahaha dad tigilan mo nga ako"   

"sus kunyari kapa eh. Hahaha anak may manliligaw kana ba?"   

"Hahaha diko alam eh"   

"anak, gusto kong dumaan muna sakin yan ha. Gusto kong mapatunayan nya sakin na karapat-dapat sya sayo. Ayoko ng lalampa lampa"   

"hahaha ewan ko sayo dad"   

"I'm serious" seryosong sabi nya sakin kaya mas lalo pa kong natawa.

Tinanggal kona ang pendant ko at tinitigan ito bago ko tuluyang ibinigay sa kanya.

"Haha anak dito na rin matatapos ang mga problema mo."   

"Of course not. Dad hindi kasi natin alam ang pwedeng mangyari diba?"   
"Tama ka, pero malaki kasing tulong ang pagka wala nito sayo"   

"sa bagay"   

"oh sya, magbago kana. Wag kana mag panggap na nerd at wag kana rin makipag patayan"   

"sure. Change is coming na haha"   

"yes. Oh sya matulog kana, kelangan mo ng pumasok bukas para makahabol ka"   

"sure. Good night daddy" sabi ko sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

"Good night din anak I love you" sagot naman nya at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you more dad" sabi ko bago umalis at dumiretso sa bago kong kwarto. Agad akong sumalampak sa kama ko at mahimbing na natulog.

Thank you lord for helping me, for helping us. Pag gising ko bukas, sinisigurado kong mababago na ang lahat lahat.

The Nerd QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon