Part IV

17 2 2
                                    

--Jiara--

Nasa hospital kami ni Nathan ngayon. Ewan ko na, bigla na lang kasing bumagsak yun.

Hindi pa nga rin gising si Nathan kahit na ilang beses ko na syang ginising e, ang sakit lang.

Pumunta ako sa kitchen at binuksan yung dinuguan na ulam ko, binili ko to kanina sa canteen.

Calling... Ate Kyla

(Aya, anong room number nyo? Daddy told me na nasa St. Lukes daw kayo ngayon.)

"A-ahh ate, room 0821 po."

(We're on the way.)

And with that, she ended the call.

"Aya."

"Ay!" Nahulog yung hawak ko na kutsara at tiningnan yung kung sino ang tumawag sa akin. "Ano?!" Inis na sabi ko saka hinugasan yung kutsara ko.

"Sinong nandito kanina?" tanong ni Nathan.

Napatigil ako sa paghuhugas at hinarap sya.

"Y-yung nurse. Oo, yung nurse!" Sabi ko sakanya.

Umupo sya sa pinaguupuan ko at sumubo nung pagkain ko.

"Hoy akin yan!" Tumakbo ako palapit sakanya para pigilan syang sumubo.

But it's too late...

"Akin yun e." Napahiga ako na parang bata dahil sa nasaksihan ko. Naunahan nya na akong sumubo ng pagkain ko. Favorite ko yun at gutom na gutom na ako pero sya lang ang naunang sumubo.

"Parang tanga 'to. Subo lang naman yun e, di ko naman inubos." Then he smirked.

"What do you mean by that?" Naguguluhan kong tanong.

Kumuha sya ng isang kutsara ng kanin at nilagyan ng dinuguan saka itinapat sa bibig ko.

"Say 'ahhhh'."

Sinunod ko naman sya, I had no choice kase talagang gutom na ako.

--

"Ang daya naman e!" Sabi ko sakanya habang asar na asar na tinitingnan syang sobrang natatawa. Parang wala syang sakit.

"Oh bakit? Nakita mo naman dba? Heads ka, tails ako. Talo ka, hahaha!"

Nakasimangot akong pumunta sa harap nya at ginawa yung gusto nya.

"Oo na, eto na gagawin ko na!"

Nagsimula ako sa hymn para feel.

🎵Kahit na mahal kita, mahal kita pero merong kulang. Pa'no ba naman laging kilig at kasiyahan ang nararamdaman? Sana la--🎵

"Stop."

Tumigil naman ako sa sinabi nya. Hindi nya ba nagustuhan?

"Hindi mo ba nagustuhan?" Malungkot na tanong ko habang nakayuko.

"Just.. Stop. Okay?"

Tiningnan ko sya. Parang ayaw nya ako makita, kaya naman sinabi ko na lalabas lang ako at magpapahangin muna.

-Nathan-

Why in the world did I told her to stop?! Fuck!

And now she's gone, magpapahangin lang daw. I know that she's hurt and I'm blaming myself for telling her to stop. I should've remained quiet, edi sana na enjoy ko pa ang boses nya.

So, si Aya yun. Fuck, it's really her.

Kailangan ko nang magconfess sakanya before anyone else does.

"Eto na, 0821." Narinig ko mula sa labas.

Nagpanggap ako na tulog at pinakinggan lang ang naging usapan nila.

"Walang nagbabantay kay Nathan dito? E asan si Jiara?"

"H-hello, nagpahangin lang ako sa labas. M-mainit kasi."

Agad kong iminulat ang mata ko nang narinig ko ang familiar na boses.

"Kumain na po ba kayo? Kung hindi pa, kain na po muna kayo. Sandali lang at bibili ako sa canteen." Sabi nya at lumabas na ng pinto.

Tumingin ako kila Kyla at bumangon bigla.

"Oh ano, ginawa mo ba?" tanong ni Jessica.

Umiling ako.

"I need ti--"

Ngunit Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil pumasok si Annika.

"Hi, guys! Ayan ah okay na ako."

"WTF e kanina lang nakadextrose ka pa ah!" Gulat na sabi ni James.

"Kanina tulog ka lang ah?" Sabi naman ni Kyla.

"Guys, hayaan nyo na andito na e." ngumiti si Jessica. "Oh ano yang dala mo?"

"Umm, this one's Kare-Kare, ito yung dinuguan. Ayy etong isa pa chicken soup yan, ako nagluto nyan ha."

Tinitigan ko si Annika. Ibang-iba na sya ngayon, dalagang-dalaga na pero 15 pa lang yan, kami kase dito 17 na pero dahil gusto nyang makipagsabayan sa amin, hindi nya kami tinatawag na ate at kuya.

"Hi, Nathan." Umupo sya sa tabi ng kama ko saka hinalikan ako sa kamay. Oo, tradition namin na humalik sa kamay ng mga relatives namin pag nagkikita.

"Mabuti naman at okay ka na." Sabi ko saka ngumiti.

"Actually, may konting part pa na di magaling e. You know naman e pero okay lang kasi sprain lang naman saka niresetahan na ako nung doctor.

Tumingin ako kila Kyla. Sarap na sarap naman sila sa kinakain nila at nadun sila sa may Kitchen, so kami lang ni Annika ang nandito.

"Uhh, anyway.. I just wanna say sorry about what happened few days ago. Alam mo naman yung gusto ko dba?" Malungkot nyang sabi.

"Annika, magpinsan--"

Hindi pa ako nakakatapos sa sinasabi ko at pinutol nya na agad.

"THIRD cousins."

Tiningnan ko lang sya, ngumiti naman ito.

"Hey, Nathan? Matanong ko lang ah. Ano na nga ba ang progress sa--"

"Outreach program. Oo, ano na ba ang progress dun?"

Nakita ko sa peripheral vision ko na siniko ni James si Jessica dahil sa narinig. Andito kasi si Annika pa rin, ewan ko ba kung bakit di pa umaalis. Well, I'm not a bad cousin though, ayoko lang talaga ng nakikita sya.

Teka, bakit ang tagal ni Aya? Bibili kang sya ah? At 4 rooms away lang ang layo ng canteen sa room ko.

Where are you, Jiara Khaliza? I need you now.

Beneath the Ocean's RidgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon