Hindi pa rin ako mapakali sa tuwing nakikita ko yung sugat ko. Naguguluhan ako. Umamin na ako kay Nathan ah? Pero bakit ganito pa rin kalalim ang sugat ko? Sa pagkakatanda ko, pag nakaamin na, unti unting mawawala ang sugat.
1 unread message from Ellie
I reviewed the photos natin sa tagaytay simula nung sunday. And then I noticed something...Agad ko naman syang tinawagan para ikumpirma yung kutob ko na kanina pang pauwi kami.
"Bes, ano yun?"
(Naalala mo nung nagpunta ka sa lola mo? Under the sea?)
"Oo naman, bakit?"
(Kasi nga ito oh, tao nga. Confirmed na tao nga.)
"Oh ano naman kung tao?"
(Gaga! Si Nathan yon!)
Agad kong pinatay yung tawag at napapitlag sa kinatatayuan ko.
--Klyde--
"Babe?" pagtawag ko kay Ellie. "Ano yang ginagawa mo?"
Agad naman syang napatigil sa ginagawa nya saka naman itinago yun sa ilalim ng kama nya.
"W-wala, babe. Ano ba yung sasabihin mo? Di naman ako busy e."
"Pwede ba tayong lumabas?" pagaaya ko.
One year na kami ni Ellie pero feeling ko, hindi nya nafifeel ang presence ko.
"U-uhh may lakad din ako babe e. Baka pwede n-next time na lang." pero bakit nags-stutter sya?
"Sige, bilhan ko na lang ng regalo si Jiara." sabi ko at agad na nagtungo sa labas ng bahay nila.
--
Andito na ako sa tapat ng bahay nina Jiara. Wala namang nakaparadang kotse, so wala din si Nathan dito? Perfect timing.
*doorbell*
"Uy, Klyde. Anong ginagawa mo dito?" bumungad sakin ang isang Jiara Khaliza na nakawhite shirt saka jogpants na gray.
"Jiara, can we talk?"
Tumango naman ito at nagtungo sa kusina, pagbalik nya, may dala syang juice saka dalawang packs ng banana chips.
"Jiara, aaminin ko sayo. Gusto kita dati pa, hindi na mahalaga kung bakit ko niligawan pa si Ellie pero kung gusto mong malaman, ikkwento ko. Crush na kita dati pa e, first day of classes pa lang. ako yun nagbabato sayo ng papel, inis na inis ka nun, pero ang cute mo pa rin. Akala ko Ikaw si Ellie Carter kase lagi kita tinititigan nun, akala ni Daniel, si Ellie ang tinititigan ko. Dun na nagsimula ang lahat."
Napanganga sya sa narinig nya saka nagpasya na ipagpatuloy ang sinasabi ko, sana makinig na lang siguro muna sya before she reacts.
--Jiara--
"Mahal ko si Ellie, pero... Mas mahal kita, Jiara. Do you know how much it hurts if I see you with Nathan? Sa mga times na naglalambingan kayo? Jiara masakit. Alam kong wala akong karapatan na masaktan lalo na kasi hindi mo naman alam na mahal kita. Pero Jiara, pinigil ko. Pinigil kong mahalin ka kahit na alam kong hindi ko kaya. Kahit alam kong nasasaktan na si Ellie, pinili kong umamin sayo para lang mabawasan yung bigat sa dibdib ko."
BINABASA MO ANG
Beneath the Ocean's Ridge
Teen FictionRead at your own risk :) Dedicated to my boyfriend, Nathan Daniel Tengco Alversado 😍